" Ara, Minamahal, lagi mong tatandaan kahit na wala nako sa paningin mo lagi akong nandito sa tabi mo para subaybayan ka sa lahat ng gagawin mo sa buhay mo. Hinding hindi ako mawawala sa tabi mo. Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. Kayanin mo ha? Strong ka diba? Magkikita din tayo ulit. " tila malungkot na sabi sakin ni Joan. Habang naglalakad ito palayo sakin. Tinawag tawag ko padin siya sa pangalan niya pero tila hindi niya ito naririnig.
" ate gandaaaa, gising gisinggggggggg "
Bigla akong nagising sa pagkakatulog. Nakita ko si Joan sa panaginip ko. Nakangiti itong lumuluha sakin habang nagpapaalam sakin. Yun na siguro ang huling mensahe niya sakin at eto nanaman ung luha ko. Unti unti nanamang bumabagsak. Hindi ko kaya Joan. Please wag ka naman ganyan.
Magdamag akong walang kain, iyak lang ako ng iyak nag aalala na din sila tita at tito sakin kasi simula nung dumating ako sa bahay nila di nako umalis sa pwesto ko dito sa tabi ng burol ni Joan.
Umaga na din pala, at unti unting nagdatingan ang mga kaklase at kaibigan ni Joan galing dito at sa manila. Si Yunna di padin nagpupunta dito, at wala akong pakialam sa kanya tangina niya. Hindi ko padin matanggap ung pagkakataon na sinayang niya para tulungan sana niya si Joan. Buhay pa sana ito ngayon!
" Hija, nag aalala na kami ng tito mo sayo. Alam kong masakit sa iyo na mawala si Joan. Pero mas masakit samin bilang magulang iyon. Pero kinakaya namin, sana naman ipakita mo kay Joan na kahit masakit, tanggapin nalang natin na ito talaga ang tinadhanang mangyari. Sa tingin mo ba kapag pinakita mo sakanya na ganyan ka, matutuwa siya? Diba hindi? Kaya hija tatagan mo lang ung loob mo. " malungkot na sabi sakin ng nanay ni Joan.
Tama siya sa payo niya sakin, pero paano ko tatatagan ang loob ko kung wala pang isang segundo naiisip ko na lahat ng magagandang nangyari samin ni Joan?
" Alam mo bang alam namin na may gusto ka kay Joan nuong andito kayo. At ganuon din ang anak namin. Nakita ko kung gaano ka kabuting tao, nakitako din kung paano mo kami nirespeto ng tito mo. Un ang nagustuhan namin sayo, pamilya na ang turing namin sayo kaya sana magtulungan tayo na tanggapin lahat ng ito. Masakit talaga sobra pero hindi magiging masyaa si Joan kung makikita niya tong unti unting nanghihina dahil sa pagkawala niya. " dagdag pa nito.
Napapaisip ako sa sinabi ni Tita. Alam din pala nila ang namamagitan saming dalawa ni Joan.
" Kaya sige na, ayusin mo na ang sarili mo diyan. Huwag na natin ipakita sa anak ko na nasasaktan tayo. Kasi sigurado ako hindi niya din gusto ang nangyari. Siguro isa ito sa pinaka mabigat na pagsubok na binigay ng dyos na kailangan nating pagdaanan. " hindi lingid sa kaalaman ko na masakit din sa part nila itong ganito kasi magulang sila. At naiintindihan ko un. Agad akong natauhan sa sinabi ni tita sakin. At ngumiti ako dito.
" Uy Minamahal, rinig mo sabi ni tita. Alam niya pala ung tungkol satin, sayang minamahal. Ikaw nalang kulang, wait lang ha? Magpapaganda muna ako. Dont worry sayo lang ako magpapaganda, ayoko namang humarap ulit sayo ng ganito ang istura ko. " nakangiti kong sabi dito.
At mabilis akong tumayo at nagpaalam kay tita para ayusin ang sarili. Kailangan ko sulitin ang bawat araw na magdadaan kasi ilang araw lang, idadala na siya sa huling hantungan. Di ko pa din maiwasan lahat ng lungkot. Pero gaya ng sabi ni tita. Kailangan ko tanggapin lahat kasi ito nga siguro ang tinadhana.
Nandito ako ngayon nakaharap sa mga bisita ni Joan. Nakikipagkwentuhan sakanila, dito ko nalaman na palaban daw talaga ito. Pero may taglay na kabaitan hindi naman ako nagtaka sa mga kwento nila at talagang sobrang bait ni Joan. Kahit minsan na hindi kami magkasundo andun padin ung part na makikita mo sakanya kung paano makitungo sayo.
..
Lumipas na ang ilang araw, at eto na ang pinaka tatakutan ko sa lahat. Ung idala siya sa huling hantungan. Hindi na mapigilan ang pagbuhos ng luha ko habang naglalakad patungo sa libingan.
Pakiramdam ko babagsak ako sa sobrang emosyon na nararamdaman ko, pero kailangan ko magpakatatag. Ayokong makita niyang mahina ako.
Hindi ko matanggap na ung taong pinaka mamahal ko hindi ko na makikita kahit kailan. Hindi ko na siya makakasama, tanging larawan nalang niya ang makikita ko.
Unti unti na siyang binaba sa lupa at anumang oras ay tatabunan na ito. Napaka sakit, sobrang sakit.
Hindi ko alam kung paano babangon ulit. Hindi ko alam kung paano magsisimula ng araw na walang Joan na bumubuo nito. Hindi ko alam kung paano kakayanin bawat hirap at sakit kapag naalala ko ang mga oras na masaya tayong dalawa na nagkukulitan.
" Paalam minamahal ko, hanggang sa muli nating pagkikita. Mananatili ka sa pusot isip ko. At kahit kailan kahit sino hindi matutumbasan ang pagmamahal na ibinigay mo sakin.
Pinapangako ko sayo na magkikita ulit tayo, hintayin mo ako diyan ha? Pabulong nalang kay Lord na sana lagi kang masaya diyan. Hayaan mo lagi din kitang isasama sa mga prayers ko. Gagawin kitang inspiration sa lahat ng bagay na gagawin ko, mahal na mahal kita Joan. Kahit kailan hindi magbabago iyon. Hbang buhay kita mamahalin. Paalam minamahal ko. "
Patuloy padin ang pagtulo ng luha ko habang unti unting natatabunan ang kabaong niya sa lupa. Wala na talaga ang minamahal ko iniwan na niya ako. Durog na durog ang puso ko, napaka bilis ng pangyayari. Mananatili nalang siya sa alaala ko at kailan man hindi ko ma siya makakasama pero kailangan kong tanggapin iyon.
Nakita ko din si Yunna sa malayo at nakashades ito. Yun lang ata ang una at huling beses ko siyang nakita na dumalaw sa burol ni Joan. At wala nakong pakialam pa sakanya. Kinamumuhian ko siya sa hanggang ngayon sa mga bagay na nagawa niya. Hindi ko pa siya ready kausapin.
Pagkadating namin sa bahay nila Joan pagkayari ng libing, nilibot ko ang mga matabko sa loob ng bahay nito. Tila parang nakikita ko padin siya sa bawat sulok habang nakangiti.
Nagpaalam na din ako kila tito at,tita pati kay bunso na umuwi na ng manila. Pinilit kong maging maayos kahit na durog na durog ako mas pinili ko pading maging okay at ngumiti kahit papano.
--
To be continued.
Eto papo ang last music sa taas. Pa-play po ulit. Kahit ako guys naiiyak sa chapter na ginagawa ko. Hays! Thanks for reading po. :(
BINABASA MO ANG
Unexpected Destiny ( GxG ) Completed
RomansaIsa si Ara Santos sa pinaka kilala na teenager sa bansa. Ngunit pano babaguhin ni Joan Escudero na isa lamang na normal na babae ang kanyang papanaw sa buhay. Magiging magkasundo kaya sila? O puro away nalang ang mangyayari.