Anong oras na nung nakadating kami ng apartment dahil sa buhol buhol na traffic kaya ngayon lang kami nakauwi. Late na din masyado, its already 10:49pm. Buti nalng at Friday ngayon ppwede magpuyat kasi wala namang klase bukas.
Bitbit bitbit kong pinasok tong babae na to sa loob ng kwarto. Napaka bigat grabe! Hanggang ngayon tulog na tulog padin siya. Kung ibang tao lang ang nakapag uwi dito baka kung ano nang masamang nangyari dito.
Pagkatapos kong ihiga siya sa kama ko, pinunasan ko siya ng isang malamig na bimpo baka sakaling mahimasmasan siya sa pagtulog niya. Pinunasan ko siya simula ulo, napaka himbing naman ng tulog ng anghel na to. Tinititigan ko siya habang pinupunasan sa mukha. Ang swerte naman ng boyfriend na to. Isang napaka gandang babae, imbes na mainsecure ako ss babaeng to mas lalo akong humahanga sakanya. Aminado ako na unang tingin ko palang sakanya nagandahan ko na siya ng sobra. Pero mas maganda pa pala siya habang tinititigan mo ng matagal, dalawang mahahabang pilikmata, matangos na ilong. At isang kissable lips na parang ang lambot lambot nito pag nahalikan mo. Ugh! Ano ba sinasabi mo Joan?! Natotomboy kaba? Tssk! Erase erase erase! Pagkayari ko siyang punasan mula ulo hanggang paa, bigla akong napalunok sa kadahilang nagtataloang isip ko kung papalitan ko ba siya ng damit. Kasi kanina nung nasa taxi kami abot ang duwal niya, di ko alam ang gagawin ko. Miske mgavdamit ko naduwalan niya padin. Nahihiya tuloy ako sa driver kaya dinagdagan ko nalang ang bayad ko dito.
" Miss alisin ko lang damit mo ha? Papalitan ko lang. " paalam ko dito. Kahit na sobrang himbing ng tulog niya nakuha ko pading magpaalam. Dahan dahan kong nililis ang damit niya para palitan ito ng pantulog. Bigla nanaman akong napalunok sa nakikita ko, animo'y isang anghel talaga ang nakikita ko. Napaka kinis ng katawan niya na ang lambot lambot. Biglang nahiya ung balat ko na siguro pag nalapit dito magagalusan dahil sa sobramg dry.
Dahan dahan ko siyang inangat at isinuot ang pantulog na kinuha ko para dito. Pagkatapos kinumutan ko na siya at hinayaang matulog ng mahimbing.
Dito nalang ako sa sofa matutulog kasi baka pagkagising nito bukas ng umaga magwild yon pagka nakita ako sa tabi niya. Bka kung ano pa ang isipin niya. Hay nako!
...
Ara's Pov.
Nagising ako ng hindi ko alam kung nasaan ako at kung anong nangyari. Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa loob ng kulay gray na kwarto na to. Ano ba ang nangyari kagabi? Wala naman akong babae na nakilala kagabi. Ang natatandaan ko lang ung nakadami ako ng inom ng Martini dahil sa paghihintay ko kay Yunna na mukang di naman nagpunta kagabi. Nakapang tulog na damit na din ako, teka kaninong kwarto to? At sino nagpalit ng damit ko?!
" Ughhhhhhhhhh! " napaka sakit ng ulo ko. Kahit anong himas ko dito napaka sakit, napaka lakas ng hang over na pumasok sakin. Napaka tanga ko din at hindi ko alam ang mga nangyari sakin kagabi. Tsk! Hindi ko pa din alam kung kaninong bahay to, at sinong tao ang sinamahan ko kagabi para mapunta ako dito.
Lumabas ako ng kwarto, napaka tahimik naman sa loob ng bahay na to. Kakaunti lang ang gamit. Kung makikita mo ang loob nito napaka peaceful at malinis tignan.
" hello, anyone here? Tao po? " sigaw ko habang hinahanap kung sinong tao ba ang nakatira dito.
" miss, gising kana pala. " sabi ng isang babae sa likuran ko. Isang boses na parang pamilyara sakin kaya eto na din ung dahilan para lingunin ko siya sa likuran.
Laking gulat ko ng makita ko kung sino ang babaeng nasa harapan ko ngayon. Siya lang naman yung babaeng nagpahiya sakin sa maraming studyante sa campus, na pagkatapos itumba biglang nilayasan at di manlang ako tinulungan para tumayo. Tsssssk!
" Wth! Anong ginagawa ko dito?! Pano ko napunta dito? And youuuuu! Hindi pa tayo tapos sa ginawa mo sakin! How dare you?! " sigaw ko dito. Tila galit na galit na talaga ako, hindi ko na mapigilan emosyon ko. Ang iniisip ko pa kung bakit ako napunta sa lintek na bahay na to kasama tong babaeng to?!
BINABASA MO ANG
Unexpected Destiny ( GxG ) Completed
RomanceIsa si Ara Santos sa pinaka kilala na teenager sa bansa. Ngunit pano babaguhin ni Joan Escudero na isa lamang na normal na babae ang kanyang papanaw sa buhay. Magiging magkasundo kaya sila? O puro away nalang ang mangyayari.