Ara's Pov
Maghapon ako wala sa mood, hindi dahil sa naalala ko sila Mommy and daddy sanay na din naman ako sa mga ganong style nila. Kundi dahil sa nararamdaman ko. Napaka taksil ng puso ko, hindi dapat ganito.
Habang natutulog kasi kanina si Joan hindi ko siya maiwasan titigan ng matagal. Hindi man siya kagandahan gaya ng mga gf's ko pero may kakaiba sakanya na hindi ko mapaliwanag na nagpapatibok ng puso ko. Huli ko tong naramdaman nung katext ko siya gamit ang phone ni Yunna.
Buong akala ko mawawala na yung ganitong pagka confuse dahil sa lagi naming pag aasaran. Pero hindi ko namamalayan mas lalo lalalim ang nararamdaman ko sakanya.
Ganitong ganito din ang naramdaman ko nuon sa bestfriend kong si Janine. Gusto kong pigilan, pero wala akong magawa.
Dahan dahan kong hinahaplos ang muka niya na lalong nagpalakas ng kabog ng dibdib ko.
" Ano bang meron ka Joan bakit ganito mo nalang ako pinapakaba at pinapatibok tong puso ko " bulong ko sa sakanya.
Mabilis kong inalis akong kamay ko sa mukha niya ng biglang lumabas si Yunna sa cr.
Hindi ko alam kung paano ko pipigilan. Maghapon din akong tahimik, alam kong napapansin nila yon kasi kahit si Joan tinatanong ako kung okay ako. Kailan pa nagka concern itong babaeng to sakin?
..
Andito kami ngayon sa bayan nila nanunuod ng samut saring palabas. Hindi ako nag eenjoy sa totoo lang kasi ung isip ko nandito sa katabi ko ngayon.
Medyo naningkit ang mata ko nung nakita kong nakahwak si Yunna sa braso ni Joan at masaya silang nanunuod.
Medyo nalungkot ako, tinuon ko nalang ang pansin ko sa pinanunuod namin kahit na bored na bored na ko. Gusto komang umuwi na pero hindi ko kbisado ang lugar nilang na to.
" Oy demonyita, este Ara hindi kaba nag eenjoy sa pinanunuod natin? " tanong ni Joan. Eto nanaman siya, wala naba tong alam gawin kundi bwcitin ako?! Hindi ba niya alam na sa bawat pang aasar niya sakin lumalalim pagtingin ko sakanya na hindi naman dapat. Tssk!
" Fyi napaka bored ng palabas niyo dito. Anong klaseng variety show ba to? Mas mainam pang manuod nalang ako ng porn kesa panuorin yang cheap na palabas na yan. Atsaka, kayong dalawa nga hano para kayong linta na ayaw humiwalay sa isat isa. Yuck! " pagalit na sabi ko dito. Nakakaasar na kasi, ewan ko sa sarili ko kung bakit inis na inis ako sakanila. Masaya silang nag kkwentuhan at magkadikit sa isat isa habang nanunuod. Helllo! Andito ho ako! Ano tingil nila sakin third wheel? Lol!
" Hoy ara makareklamo ka diyan. Palibhasa di ka mapag appreaciate ng maliliit na bagay! Atsaka anomg porn sinasabi mo? Puro kabastusan lagi ang nasa utak mo! Jusko!" pagalit din na sabi ni Joan sakin.
Ano daw? Hindi makaappreciate? Kung alam lang niya na siya lang ung naappreciate ko. Sa lahat ng babae sila lang ni Janine ang nakakapang down sakin. For all the people, lahat sila humahanga sakin. Lahat sila gusto ako, pero siya. Ugh! Kulang nalang ipagtabuyan ako palayo, at ganun kadalasan ang nangyayari.
" Ewan ko sa inyo! Diyan na nga kayo! " mayabang na sabi ko dito sabay lakad palayo.
Nabwcit nako ng tuluyan. Yung Yunna naman na yon walamg kwenta! Hindi manlang kumibo. Nakakaasar! Wala na ata akong kakampi!
Bat pag kay Yunna kabait ni Joan pero pag sakin napaka demonyo niya. Ughhhh.
Edi magsama sila! The hell i care! Fvck!
...
Naglakad ako ng naglakad dito sa paligid ng bayan nila. Maliwanag naman ang bawat dinadaanan ko dahil na din siguro malapit na ang fiesta sa kanila.

BINABASA MO ANG
Unexpected Destiny ( GxG ) Completed
RomanceIsa si Ara Santos sa pinaka kilala na teenager sa bansa. Ngunit pano babaguhin ni Joan Escudero na isa lamang na normal na babae ang kanyang papanaw sa buhay. Magiging magkasundo kaya sila? O puro away nalang ang mangyayari.