Chapter 33

1.5K 42 0
                                    

Isang buong araw nanaman ang nagdaan, di naman gaanong nakakapagod at nakakastress kasi wala naman kaming ginawa.

Naglalakad na ako ngayon palabas ng school para mag abang ng sasakyan pauwi samin, medyo madilim nadin sa paligid kasi 6pm ung last subject ko.

Wala naman akong ibang gagawin kundi matulog nalang agad or manuod ng kung ano ano sa youtube pagdating. Napaka boring nanaman ng buhay ko, back to reality. Walang nangungulit sakin, kasi si Yunna may importanteng gagawin daw kaya di niya ako masasamahan pauwi. Yung tao naman na gustong gusto ko makasama ayun parang nilalayuan naman ako ng di ko alam ang dahilan. Sabagay ano bang pakialam niya sakin eh isa lang naman akong ordinaryong babae lang atsaka sikat siya. Hindi ako belong sakanya. Saka baka busy din un sa Bf niya ayoko nalang mangstorbo. Sapat na ung pagsama niya samin ni Yunna nuon sa probinsiya.

..

Nandito na ngayon ako sa bahay, nagprepared lang ako ng noodless para sa hapunan ko. Tinatamad na din kasi ako magluto ngayon. Katext ko din si Nerrie at napagkkwentuhan namin kung paano ako nagkagusto kay Ara. Napaka dami niyang payo sakin kesyo ipush ko daw ung nararamdaman ko. Hays! Di ko na alam gagawin ko pabago bago ung nasa isip ko.

Nakapagligpit na din ako sa bahay at nakalinis na din sa katawan, agad akong humiga sa kama. Hays! Eto ang pinaka paborito kong part sa maghapon. Ung mahihiga nalang ako at matutulog.


Tok tok tok.


Sino kaya to? Anong oras na ah? Takang tanong ko sa sarili ko. Dis oras na kasi ng gabi. Medyo dinapuan ako ng takot na baka magnanakaw un or rapist. Baka mamaya patayin nalang ako.

Hindi ko binubuksan ung pinto, hinayaan ko nalang itong kumatok ng kumatok.

" open the fvcking door. Bitch! " biglang may nagtext sakin na unknown number. Sino ba to? Tsssk! Hindi kaya si ano? Pero hindi eh, bat naman pupunta un dito sa ganitong oras.

Hindi ko alam kung ano pumasok sa isip ko para maglakas loob na buksan ang pinto. Dahan dahan ko pang pinihit ang doorknob, unti unti kong binukas ito at di nga ako nagkamali kung sino ang taong nasa harap ng apartment ko ngayon. Ung taong lang naman na miss na miss ko na. Teka bakit ba andito to?

--

Ara's Pov

Simula nung gabing magkasama kaming dalawa ni Joan at nakapagconfess ako sakanya na may gusto ako sa isang schoolmate namin un na ang huling pag uusap namin. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit nasabi ko ung ganong bagay. Hindi kona hinintay ung payo niya na pagka daw di na kami lasing saka pag usapan. Kasi baka hindi lang ako makatingin sakanya ng diretsyo at mahalata niya lang tong lintek na nararamdaman ko.

Simula nung araw na sinundo siya ni Yunna sa apartment ko, hindi na ako nagpakita sakanya. Nakiusap sakin si Yunna na wag na akong lumapit kay Joan hindi ko alam kung bakit. Naguguluhan ako sa kinikilos ni Yunna. Kung dati ay lagi niya kaming pinaglalapit na dalawa ngayon naman ay pinaglalayo na niya kami ni Joan. Sinubukan ko siyang tanungin kung bakit, pero ang tanging sagot niya lang para daw sa pagkakaibigan naming dalawa ung paglayo ko dito. Hindi ko alam kung ano susundin ko. Masakit na masakit sa loob ko na parang nalalaman na niya na may gusto ako kay Joan. Hindi ko lang maamin dito, at baka hindi din un ang dahilan nito. Never akong aamin kay Yunna sa nararamdaman ko para kay Joan kasi panigurado masisira ang pagiging magkaibigan naming dalawa at ayoko mangyari un.

Tinuon ko ung pansin ko sa mga gf's ko. Hindi ako nagpapakita o nakikipagusap na kay Joan. Pero sa totoo lang sobrang miss na miss ko na siya. Nakita ko siya kanina sa gym na nakatitig sakin. Gusto kong kumaway sakanya pero agad akong tinignan ng masama ni Yunna. Bigla nalang akong yumuko at itinuloy ang pagsstreching ko. Hindi ko alam kung bakit sinusunod ko si Yunna kesa sa nararamdaman ko. Siguro mahalaga lang ito sakin.

Unexpected Destiny ( GxG ) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon