Chapter 35

1.7K 34 2
                                        

Joan's Pov

Di ako makapaniwala na kami na ngayon ni Ara. Ang taong mahal ko, ang taong kinamuhian ko noon pero ngayon gf ko na. Hindi ko alam kung gaano ako kasaya kagabi. Wala naman dapat akong intensyong magtapat sakanya pero nung nakita ko na siya hindi ko na napigilan ung sarili ko. Hindi ko alam kung ano magiging kapalit ng desisyong to, pero tatanggapin ko lahat kasi ginusto ko din naman.

Binilinan ako ni Ara na wag ko munang sasabihin sa lahat ung relasyon naming dalawa lalo na daw kay Yunna at naiintindihan ko naman iyon.

Nagising ako ngayon na wala na si Ara sa tabi ko, may nakita akong sulat sa lamesa dito sa kwarto ko na iniwan niya at nakalagay dito na kailangan na daw niya umalis kasi may practice pa daw sila.

Nakangiti padin akong nagtitimpla ng kape. Mula ata pag gising ko feeling ko ang ganda ganda ng araw ko. Sana tuloy tuloy na ito.

Sa totoo lang hindi ako sanay sa ganitong relasyon lalo pa at wala pa akong nagiging bf. Hindi ko din alam kung paano ihahandle ung relasyon naming dalawa ni Ara lalo pa at parehas kami babae tapos nagsimula pa kami sa matinding pag aaway. Pero bahala na siguro.

Iniisip ko din ngayon kung ano magiging rekasyon nila nanay at tatay sa desisyon kong ito. Sana ay ayos lang sakanila. Pero hindi ko pa din naman sasabihin sakanila. Lalo na sa kahit sino. May tamang panahon naman siguro para don

Tok tok tok.

Rinig ko sa labas, alas sais  palang ng umaga ngayon pero may kumakatok na sa pinto.

Excited akong buksan ito sa pag aakalang si Ara ang kumakatok. Pero nagkamali ako, si Yunna pala ito.

" Hi! Goodmorning! " ngiting bati nito sakin.

" Goodmorning. Halika pasok ka. Ang aga mo yata pumunta dito. " tanong ko sakanya.

" Nagdala ako ng bfast for you. Naisip ko kasi para di kana magluto. And sabay na din tayo pumasok. "

" Nako ikaw talaga nag abala kapa. Hehehe " ngiti ko dito.

Sabay naming pineprepared ung dinala niya sa foods. May dala itong hungarian sausage, bacon, sunny side up and fried rice. Uhmmmm! Tamang tama ito sa kape ko, lalo pa at mukang masarap ito.

Napaka sweet na kaibigan ni Yunna. Sa sobrang pagkasweet niya minsan naiinis nako. Imagine minsan pati damit ko pinakikialaman niya. Well, di nalang ako kumikibo pa. Baka pag sinita ko ito maturn off siya sakin. Saka siguro ganon lang din siya sa mga kaibigan niya kaya iniintindi ko nalang.

" halika na kain na tayo sabayan mo nako. Gusto mong kape? " pag aaya ko sakanya.

" No thanks, nagbfast nako sa bahay bago umalis. Kain kalang diyan. "

" sige. " ngiti ko sakanya.

Medyo naiilang ako sa mga titig ni Yunna sakin. Hindi ko alam kung bakit, hindi tuloy ako makakain ng maayos dahil don.

" Uhmmm Joan nagkita naba kayo ni Ara? " tanong nya sakin.

" Hindi pa, ano naba balita sa impakta na un? Tagal ko na siyang di nakikita. " pagkukunware ko sakanya. Hindi ako nakatingin sa mga mta nito habang sinasagot ko ang mga tanong niya kasi baka mahalata niyang nagsisinungaling ako. Nagbilin din kasi si Ara sakin na wag ko daw sasabihin kay Yunna na nakita niya na ako.

Nagtataka na ako sa magkaibigang to. Hindi ko na sila nakikitang magkasama. Hindi kagaya dati na sanggang dikit silang dalawa. May alitan o tampuhan sigurong naganap sa pagitan nilang dalawa. Pero di ko na dapat pa alamin un kasi issue naman nila un at hindi ako kasali.

Unexpected Destiny ( GxG ) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon