Monday nanaman, nakaka excite pumasok dahil hindi na ako gaanong busy sa school. Nagtext na din si Yunna na papasok na daw siya ngayon. Sobra kong namiss ang taong yon, hays! Sana okay lang siya. Panahon na din sguro para ipagtapat ko sakanya kung ano meron saming dalawa ni Joan.
Bakas padin sakin ang nangyari doon sa baguio. Nangingiti padin ako kapag naaalala ko lahat ng napuntahan naming dalawa ni Joan na libutin doon habang tinitignan ang mga picture namin na magkasama.
" Uy Ara!!!! Kamusta na? " Ughhhh. Si Yunna! Agad ko itong niyakap at sinabi na miss na miss ko na siya.
Napansin ko dito ang pagka ngalumata ng mga mata niya at parang pumayat ito. Kitang kita ko din ang kalungkutan niya. Siguro dinibdib niya masyado ung pagkabasted sakanya ni Joan. Hasyy!
Agad akong kinabahan sa pag amin ko sakanya mamaya, di ko pa alam kung paano sasabihin sakanya ang lahat lahat. Pero bahala na si Lord sakin. Sana maunawaan niya lahat ng yun, pero tatanggapin ko naman kung ano ang magiging reaksyon niya at kung ano ang patutunguhan ng usapan namin mamayang dalawa.
Walang ginawa sa klase kundi discuss discuss. Parang lutang ang isip ko hanggang ngayon kasi hindi pa din nagtetext si Joan sakin, hindi ko naman siya mapuntahan sa apartment niya kasi baka pagod siya sa naging byahe namin. Dagdag pa dito ay kung paano ako aamin kay Yunna.
Natapos na ang klase, parehas lang kaming tahimik ni Yunna na naglalakad. Kailangan ko ng lakas ng loob.
" Uhmm, Yunna may sasabihin akong importante sayo. Pero sana after nito wlang magbabago. " lakas loob kong sabi sakanya. Nakatingin lang ito sakin.
" Ako din Ara may sasabihin ako sayo. Pero hayaan mo muna ako mag explain after ko sabihin sayo. " bigla akong kinabahan lalo. Lalo pa at walang expression itong nagsasalita. Hindi ko siya mabasa.
" Guysssss! Tara dito dali, kilala na daw kung sino ung babaeng tinapon sa muntilupa na dito nag aaral sa school natin 7days ago. " hila saming dalawa ng co player namin.
Bakit ba pati kami isasali sa ganuong tsismis! Eh wala naman akong pakialam don!
Andito kami ngayon nagkukumpulan sa harap ng csdl office para alamin daw kung sino ung babaeng pinatay na yun at tinapon nalang.
Hays! Kawawa naman ung babaeng yun nabiktima ng mga taong wala sa pagiisip. Tsssk!
" Guysssss! Joan Escudero daw ung pangalan nung babae. Kawawa naman. "
" Hala! Kawawa naman umg babaeng yun. Bat kaya ginanon siya? Tsssk! Mag ingat kayo Yunna at Ara. Kasi laganap na daw ung ganyang krimen ngayon. Mga studyante ang pinupuntirya ng mga serial killer. "
Joan Escudero
Joan Escudero
Joan EscuderoPaulit ulit na nag eecho ung pangalan na yan sa isip ko. Shit! Baka kapangalan niya lang!
Agad agad akong pumunta sa nakapaskil na picture. Agad kong tinignan ung picture ng babae na nakauniform na nakahandusay sa sahig.
Bigla akong nanghina sa nakita ko, hindi ko alam ang magiging reaksyon ko.
Yung babaeng wala ng buhay na nakahiga sa sahig ay walang iba kundi ang taong mahal ko. Ang mundo ko.
Nanginginig akong nilapitan mabuti ang picture, hindi ako nagkakamali. Agad tumulo ang luha ko sa mata.
Putangina! Panaginip ba to? Sinampal sampal koang sarili ko para isure kung panaginip lang ba to. Pero totoo ang pangyayari ngayon.
Mabilis akong tumakbo papunta sa classroom nila Joan, at hinanap ko ito sa kaibigan niya. Wala akong pakialam kung pagtinginan ako ng mga studyante dito na umiiyak habang tumatakbo. Tangina kailangan ko makita si Joan ngayon mismo!
![](https://img.wattpad.com/cover/199724191-288-k901049.jpg)
BINABASA MO ANG
Unexpected Destiny ( GxG ) Completed
RomanceIsa si Ara Santos sa pinaka kilala na teenager sa bansa. Ngunit pano babaguhin ni Joan Escudero na isa lamang na normal na babae ang kanyang papanaw sa buhay. Magiging magkasundo kaya sila? O puro away nalang ang mangyayari.