1

1.1K 26 4
                                    

Kaori

"Mag iingat ka dun anak ha? Mag aral ng mabuti. Yung mga bilin namin sayo ng kuya mo wag mong kakalimutan." maramdaming wika ni mama na akala mo maiiyak na..

"OA naman ma! Isang taon lang naman ako dun, tsaka hindi naman to unang beses na mangyayari to" nakangusong saad ko kay mama na agad nyang sinuklian ng konyat sa ulo ko..

"bwisit ka talagang bata ka! Kita mong nag eemote ako dito e" sabay irap sakin.

"joke lang ma!" sabay yakap ng mahigpit sa kanya.. "ayoko lang naman maging malungkot yung pag alis ko.. Tsaka wag po kayo mag alala ni kuya, susundin ko po lahat ng bilin nyo"

"basta lagi mo kami iupdate ha? Videocall or chat.. Babalitaan mo kami araw araw! Alam ko naman di ka pababayaan ng utol mo dun" siguradong pahayag ni mama.

"alam ko naman yun ma. Miss ko na din yung mokong na yon pati sila tita" excited na ako.

"osya kumilos ka na dyan para mahatid ka na ng kuya mo at makabalik sya agad dito. Maaga din kase ang flight namin papuntang Japan bukas" sabay kalas sa yakap ko sa kanya.

"sige po ma! Ayusin ko lang tong mga gamit ko tas bababa agad ako para makakain muna tayo bago ako umalis" lumabas naman agad sya ng kwarto ko..

Nung ako nalang mag isa sa kwarto, nagmuni muni muna ako.. "aalis na naman muna ulit ako dito" wika ko sa sarili.. Pero san nga ba punta ko? Areng lang 😁

Pupunta ako ng Maynila para dun ituloy yung natitirang isang taon ko ng senior high. Wala kase ako makakasama dito dahil pupunta sina mama at kuya sa Japan para asikasuhin yung nakababatang kapatid ko dun. Kaya sa bestfriend ni mama sa manila muna ako tutuloy at dun tatapusin studies ko.. Excited na ko makita ulit yung kababata ko na parang kapatid ko na.. Tsaka gusto ko din muna malayo sa lugar na to kase....

"Kaoriiiiii! Matagal ka pa ba dyan? Bumaba ka na dito ng makakain na" eksaheradang sigaw ni mama.

"eto na, bababa na po" balik na sigaw ko sa kanya at tuluyan ng bumaba..








Jelay

"Jelay! Bumangon ka na dyan! Kanina pa nandito si Rhys" sigaw ni mama mula sa labas ng kwarto na nagpagising sakin.. Sh*t ! Napamura ako sa isip ko ng maalala kong aalis nga pala kami ni Rhys ngayon.. Muntik ko na makalimutan!

"eto na po ma, mag aasikaso na.. Pakisabi po kay Rhys wait lang saglit!" hindi ko na hinintay yung sagot ni mama at agad akong bumangon..

Agad agad akong nagtungo sa banyo para maligo at mabilis na nag ayos ng sarili.. Ayoko naman pag hintayin pa lalo ng matagal si Rhys.. Nakakahiya! Tsaka nakailang sigaw na si mama sakin, baka mapektusan na ko pag nagtagal pa ko 😁

Pagkatapos kong mag ayos, agad akong bumaba.. Naabutan ko sina mama at Rhys na nagkwekwentuhan sa sala..

"buti naman at tapos ka na, kanina pa naghihintay boyfriend mo sayo!" galit na galit gustong manakit na sermon ni mama sakin 😁

Tumingin ako kay Rhys na may halong pagpapacute "sorry hon, di kase ako nakapag alarm.. Tsaka nakalimutan ko na aalis tayo.. Hehe" sabay peace sign ✌

ngumiti naman ng pagkatamis tamis tong gwapo kong boyfriend sabay sabing "okay lang hon, lagi ka naman talagang late e" At biglang bungisngis nya. Pang asar sya e!

Kumain muna kami bago umalis.. Pupunta kase kami sa airport para sunduin yung kababata ni Rhys.. Sa kanila muna daw kase tutuloy yun at dito mag aaral. Di pa nya napakilala sakin yun kase bago palang naman kami, almost 2 months palang.. Tagal na din daw nila di nagkikita non, kaya super excited sya ngayon.. Gusto ko na nga magselos e! Kase nabanggit nya na babae yung bestfriend nya.. Malay ko ba kung nagkagusto or may gusto sa kanya yun diba? Okay okay praning ako sa part na yon.. Sinabi naman nya na parang magkapatid na sila non.. At sinabi din nya na "walang gusto sakin yun, baka sayo pa nga magkagusto yun e" sabay tatawa sya ng malakas.. Pag tinanong ko naman kung anong ibig nyang sabihin, di nya ko sinasagot.. Kaya hinahayaan ko lang sya, di ko na kinukulit..




Nasa sasakyan na kami ngayon papuntang airport, at itong katabi ko di maalis alis yung ngiti sa mukha nya habang nagdadrive.. "saya ka kyah?" syempre sa utak ko lang yan sinabi. Ayoko naman mag isip ng kung ano ano about sa kanilang dalawa. May tiwala din naman ako sa mga sinabi nya kaya keri lang..

Sa wakas nakarating din kami dito.. Nagpalinga linga si Rhys para hanapin yung bestfriend nya, gusto ko man din sana magpalinga linga pero pinili ko nalang na tignan yung boyfriend ko kase di ko naman alam itsura nung bff nya no! Duh!

Ilang saglit pa, may isang babaeng naglalakad papunta sa direksyon namin sabay sigaw ng "tol" na nakakuha sa atensyon ng bf ko.. Agad agad syang sinalubong ng yakap ni Rhys..

"Kaori??" tinanggal na muna ni Rhys yung pagkakayakap nya sa babae pagkatapos ay hinawakan nya ito sa dalawang pisngi para makita ng mabuti yung mukha nito. "Grabe tol, namiss kita!" at niyakap nya muli ito.

"namiss din kitang kumag ka!" gumanti naman din agad sya ng yakap kay Rhys..

Ang cute lang nila.. Mukha silang magjowang miss na miss ang isa't isa.. Ay teka! Ako pala gf dito..

"ehem!" pagkuha ko sa atensyon ng dalawa.. Mukhang nakalimutan na ni Rhys na kasama nya ako 😏

Agad silang naghiwalay sa pagkahigpit higpit na yakapan nila at sabay na bumaling sakin..

"tol! girlfriend ko nga pala, si jelay.. Hon, bestfriend ko, si Kaori" pakilala ni Rhys samin at agad naman naglahad ng kamay si Kaori..

"Kaori" aniya na tinugunan ko naman ng "Jelay" sabay hawak sa kamay nya.. Pero nagulat ako ng bigla nya itong tanggalin na animong nakuryente sya, sabay iwas ng tingin sa akin.. Problema neto? Di ko nalang pinansin at agad na lumapit nalang kay Rhys sabay kapit sa braso nito..

"let's go?" tanong ni Rhys. Hindi ko alam kung sakin ba o sa tol nya.. "excited na din kase si mama na makita ka ulit, nagluto pa yun para sa pagdating mo" Ok hindi ako kausap nya..

Tumango lang sya at sabay sabay na kaming lumabas ng airport.. Napapatingin ako sa kanya, minsan nakikita ko din syang napapatingin sakin pero nag iiwas agad sya.. Inaano ko ba to?? Ayaw nya ba sakin para sa bestfriend nya?? O gusto nya na sya maging girlfriend ng jowa ko?? As if papayag ako.. Di ako papayag na agawin nya si Rhys sakin no.. NEVER!!!





Itutuloy...

Vote. Comment. Share!

My Utol's Girl (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon