Eighteen : Sibling Talk

338 11 2
                                    

Chleo's POV

It's been two days since Cae announced about his and Kyle's relationship. Hindi ko na alam yung mararamdaman ko sa kung ajong nangyayare sa buhay ko. Magiging masaya ba ako para sa kaibigan ko, o masasaktan ako kasi yung dahilan ng saya niya hindi ako?

"What will you do now?" Tanong ni Freya, siya ngayon ang magbabantay sakin, sinama niya na si Freilo at baby Ely para naman hindi ma-bored ang magkapatid. I looked at her saka bumuntong hininga

"Kelangan ko nang umuwi at sabihin sa mga kapatid ko yung totoo" sabi ko. Tumango si Freya

"That's a right decision, they should know the truth at tsaka, they won't judge you kasi kapatid mo sila" she stated. Tumango ako

"And? After you tell them? Ano nang susunod mong gagawin?" Tanong niya, I sighed saka sumandal sa sofa

"I'll leave this house, masyado na akong nagtatagal dito, lalo akong nahihirapan kapag nakikita ko si Cae, parang ang hirap kasi sirain yung ngiti niya sa tuwing uuwi siya dto Freya, he's my friend kaya sobrang importante sakin yung happiness niya" sabi ko

"Kahit na nahihirapan ka na?" Agad na tanong ni Freya kaya napatingin ako sa kanya. She's waiting for my answer pero wala akong maisagot. Kaya ko nga ba? Kaya ko bang maging masaya para sa kanya? Para kay Cae, yung baklang minahal ko? Napayuko na lang ako at hinimas ang lumalaki kong tiyan. I heard Freya sighed

"Chleo I understand na gusto mong maging masaya si Cae kasi kaibigan eh, gusto ko din naman maging masaya mga kaibigan ko kahit anong mangyare, kaso kaibigan din kita, so paano ka? Masaya siya, eh ikaw? Hindi lang naman ikaw yung mahihirapan kapag hindi mo sinabi kay Cae yung totoo, pati yang baby mo, kapag nailabas mo yan at lumaki na hindi man lang nakilala yung tunay na papa, do you think magiging masaya siya? Alam mo yung feeling nang hindi kumpletong pamilya, gusto mo din bang maranasan ng anak mo yun?" She said but I'm just looking down at the whole time. Hindi ko kasi alam yung sasabihin ko, everything Freya said was true. I know mahihirapan si baby kapag pinagpatuloy ko pa itong pagtatago ng totoo. I looked at Freya at hinawakan ang kamay

"Sasabihin ko naman eh, h-hindi lang ngayon, hindi ko pa talaga kayang makita yung reaksyon niya, ayaw ko pang masira yung relasyon namin, Freya takot pa ako" sabi ko kaya napabuntong hininga na lang si Freya

"Fine, ikaw ang bahala, ang gawin mo muna ay sabihin sa mga kapatid mo" sabi niya. Tiningnan ko siya

"Ng-ngayon na?" Nataranta ako bigla. Tumango lang si Freya

"Yes, sabado naman ngayon at tsaka tanghali pa lang, you have plenty of time para makapag-usap usap na magkakapatid" sabi niya kaya napagdesisyonan kong sundin na lang. Kelangan ko na talagang sa sabihin para naman makaalis na ako dto as soon as possible. Freya pick up my phone on the coffee table saka binigay sakin. Huminga ako ng malalim bago kinuha ang cp at dinial ang phone number ni Rius. Ilang ring at sumagot na siya

"Ate? Napatawag ka?" Bati niya. Pumikit ako saglit

"A-asan kayo ngayon ni Fralle?" Pinilit kong hindi magmukhang kinakabahan

"Sa bahay lang kami ngayon, rest from school, bakit ate?" Sabi niya. Huminga ng malalim

"I have a favor to ask, pumunta muna kayo sa bahay ni Caevin" sabi ko

"Sa bahay ni Cae? Bakit daw?" Tanong niya

"May gustong kumausap sa inyo, drive safe ok? Mag-ingat kayong dalawa at tsaka make sure na secure ang bahay bago umalis" sabi ko. Pumayag naman siya at tinapos ko na ang tawag. Binaba ko na ang cellphone sa coffee table saka napasandal na lang sa sofa

"They'll be here soon, balak ko sana kapag maayos na, magdinner kaming magkakapatid, ilang months ko silang hindi nakasama, namiss ko sila" sabi ko. Freya held my hands

"You can do that, I'm sure magiging ok lang yan sa mga kapatid mo, iiwan ko kayo para magkaroon kayo ng sibling time, pero, tawagan agad ako or si Ann or Lyn kung may nangyare" she smiled. I held her hands back at ngumiti sa kanya

"Thank you Freya, hindi ako nagkamaling kaibiganin ka dati, kasi alam kong mabait kang tao" sabi ko. She hugged me saka tumayo siya at tinayo din ako

"You should surprise them also, katulad nung ginawa mo sa amin! Tapos magbihis ka agad kasi for sure, matutuloy yang balak mong dinner, bukas na bukas ay makakabalik ka na sa bahay niyo" she smiled after saying that. Umaasa ako na magiging maayos ang lahat

...

"Ate?" Gulat si Rius nang makita ako sa living room ng bahay ni Cae habang nakaupo sa sofa. I smiled at my siblings saka inaya silang umupo sa harap ko. Andito pa din si Freya pero mamaya maya ay aalis na sila ng mga anak niya para bigyan kami ng oras magkakapatid

"Ate!" Boses ni Fralle ang narinig ko. Tumakbo siya papunta sakin at yayakapin sana ako pero pinigilan siya ni Freya na galing sa kusina.

"F-Fralle! Ikaw na ba yan? Ang laki mo na ha! Ikaw din Rius! Ambibilis nyong lumaki" sabi ni Freya at pinaupo sa mahabang sofa ang dalawang bata. Nagtatakang tiningnan ni Fralle at Rius si Freya

"Ate Freya, ilang buwan pa lang ang nakakalipas since nakita mo kami" natatawang sabi ni Fralle. Napakamot si Freya sa batok

"Sorry, namiss ko lang kayo eh" pagpapalusot niya

"Namiss din kita ate Freya" ani Fralle saka niyakap ang kaibigan ko. Tumingin sakin si Freya at kinindatan ako. Natawa na lang ako sa kinilos nya pero buti na lang at napigilan nyang mayakap ako ni Fralle. Kung hindi ay baka hindi na matuloy yung plano naming pag-surpresa.

"Hello? Hon? Oh, okay...we'll be there, yes hon, ok bye bye I love you" sagot ni Freya nang nay tumawag sa phone niya. Freya looked at me and to my siblings at tumayo na.

"Guys, my children and I need to go, My husband is outside" sabi niya at pumunta sa guest room kung saan ang mga anak niya para kunin na ito. She patted my shoulder then leaned on my ears

"You can do this Chleo, goodluck" bulong niya at pumunta na sa main door buhat buhat si baby Ely na tulog na habang nakasunod naman ang inaantok pa na anak niyang panganay

"Bye guys, take care, love you" sabi nila at tuluyan nang umalis. Naiwan kaming magkakapatid dto sa bahay

End of Chapter Eighteen

A/n:

My readers! I'm really sorry again for not updating ng ganun katagal. Tinamad kasi ako bigla at nawalan ng plot in this story BUT I won't drop this story. Tatapusin ko toh.

I'm really thankful sa support niyo mga readers ko! I appreciate all of you for reading and supporting my story. I hope you all support me until the end. Thank you very much for 3.64K reads!!! Stay healthy everyone! Let's pray that this epidemia will stoo soon. Lovelots to all of you, and once again, Thank you❤

_Miss_Vie_

My Knight In His Shining DressWhere stories live. Discover now