Eleven : So wrong

498 14 0
                                    

Chleo's POV

Nagising ako na masakit ang buong katawan kahit sa down there. Nagunat ako ng kamay at naramdaman kong biglang lumamig. Minulat ko ang mata ko at nasa ibang kwarto ako. Umupo ako at ngayon ko lang napansin na wala pala akong damit kaya ang lamig sa dibidiban ko. Napayakap ako sa sarili at kinakabahang tumingin sa ilalim ng kumot

Shit!Omy holy cow! Si Cae! Si cae ang katabi ko, wala siyang ni isang saplot, wala din ako!

Napasapo ako sa bibig habang nanlalaki ang matang tiningnan ang gwapong natutulog na mukha ni Cae.

"What the...pa-paano? B-bakla si Cae" pabulong kong sabi sa sarili. Tumayo ako at dahan dahang nagbihis at patakbong lumabas ng kwarto ng nakita ko siyang gumalaw. Sumandal ako sa pinto nang makalabas na at huminga ng malalim. Napansin ko kung nasaan ko

Fuckshit!

Nasa Lino's club pa din ako! Hindi ako nakauwi, at patay, yung mga kapatid ko! Umalis ako kagabi at hindi nakauwi. Siguradong nagaalala na yun.

Naglakad na ako pababa at nakita ko ang mga nakahigang mga lasing sa sahig ng club habang ang mga staff ay sinusubukang buhatin at gisingin sila. Napadaan ako sa salamin at biglang nanghiya sa nakita ko. Ako na nakasexy club dress pa din at may magulong buhok at magulong make up. Tumakbo ako papuntang cr at naghilamos at sinuklay ang buhok ko gamit ang suklay ko na lagi kong dala sa sling bag ko. Pagkatapos kong mag-ayos ay tuluyan na ngang umalis. Sumakay ako sa taxi at binuksan ang cellphone ko. Nanlaki ang mata ko sa tumambad sa akin

64 missed calls from Andrius Baby Brother

58 missed calls from Fralle Baby Sis

39 missed calls from SHAbu ng buhay ko

47 missed calls from Zainy baby

35 missed calls from Klinton mami

40 missed calls from Terry Ganders

52 messages

Napatakip ako sa bibig. Hindi ako makapaniwala na ganyan kadami yung mga tawag and messages nila! I mean, yeah, I know na I made them worried pero grabe toh! Sobra

"Ma'am dito na po tayo" pagputol ni manong driver sa iniisip ko. Ngumiti ako saka nagbayad at pinindot na ang doorbell ng bahay naming magkakapatid. Hindi ko muna babasahin yung mga massages, sa loob na lang mamaya, ang dami kasi

"Ate!" Sigaw ng kapatid kong si Fralle nang nakita niya ako pagkabukas niya ng gate. Niyakap niya ako ng mahigpit kaya napayakap din ako sa kanya

"F-fralle! Hi-hindi makahinga si a-ate!" Sabi kp habang tinatapik tapik ang balikat niya. Humiwalay siya sa akin at hinila ako papasok sa bahay pagkatapos i-lock ang gate. Pagkabukas ng pinto ay pumunta kami agad sa sala at binati ako ng mga pinaghalong galit at nag-aalalang mukha nang mga kaibigan at kapatid ko. I smiled awkwardly

"Hi" mahina kong sabi

"You son of a donut! We we're worried!" Biglang sabi ni Zain saka sabay sabay silang yumakap sa akin at dinumog ako

"Guys!" Habol hininga kong sigaw habang pilit na kumakawala sa mga yakap nila

"Ikaw na gaga ka! San ka ba nagpupupunta!? Pinagalala mo kami! I'm worried and you know me to well na hindi ko gusto ang feeling na ganun!" Mangiyak ngiyak na sabi ni Zain at hinampas ang braso ko kaya napangiwi ako sa sakit at hinimas kung saan niya ako hinampas

"Para yan sa pag-aalala mo sa amin gaga ka" sabi niya sabay yakap ulit sa akin

"Naku gurl! Kung alam mo lang kung paano napuyat si John kakahanap sayo sa mga kalye! baka daw kasi nandun ka lang palakad lakad! Kaloka ka teh!" Sabi ni Terry pagkatapos niya akong pigain ng yakap niya. Sumunod namang humarap sa akin si Lyn at Ann. Nakabusangot si Lyn habang si Ann naman ay nakatabi sa kanya and give me her relieve smile

"Hoy babae ka! Kung saan saan ka namin hinanap alam mo ba yun! Actually hindi namin agad napansin na nawawala ka bago na lang namin napansin nung tumawag na si Andrius kung anong oras daw tayo uuwi pero dapat nagtext ka pa din sa amin para hindi kami nag-alala ng todo!" Sabi ni Lyn at kinurot ako sa tagiliran kaya napaliyad ako sa gilid

"Sorry na! Lasing ako diba? Paano ako makakatext?" Sabi ko

"Do you know na dito na kami natulog para lang mabantayan ang mga kapatid mo at ang paguwi mo? Halos hindi na kami nakatulog kasi hinihintay namin kung tatawag ka or baka may nangyari nang masama sayo" narinig ko yung seryosong boses ni Klint kaya napatingin ako sa direksyon niya. His dark gaze is on me at halatang seryoso talaga siya, minsan ko lang makitang seryoso tong si Klint kaya mabuti pang wag na akong makulit baka itapon ako nito mamaya sa ilog ng hindi oras

"Ate, ang hirap kaya patahanin ni Fralle kapag umiiyak, iyak lang siya ng iyak kagabi kasi hindi niya na mapigilang magisip ng kung ano ano" sabi ni Andrius. Napabuntong hininga na lang ako at napaupo sa couch habang nakatingin lang sila sa akin. Gusto kong sumbatan sila kasi naiinis ako sa pangongonsensya nila pero kasalanan ko naman talaga kung bakit nila ako sinasabihan kaya mabuti pang humingi na lang ng tawad kesa palakihin ang gulo

"I'm sorry" napayuko ako saglit at isa isa silang tiningnan

"Sorry talaga kung I made you worried, sorry lang masasabi ko, hindi ako magrarason kasi alam ko naman na kasalanan ko, masyado akong naglasing kagabi, humiwalay pa ako sa inyo" sabi ko. Bigla ko tuloy naalala yung nangyare kaninang uumaga

Sasabihin ko ba yun? Paano kung wala naman talagang nangyare, naghubad lang kami ng damit kasi mainit diba? Eh! Ah basta! Wag ko muna sabihin! Saka na, kapag ready na ako

Sabi ko sa isip ko. Tumabi sa akin si Sha at hinawakan ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya

"Hindi na kami magagalit diba guys? Ok na din diba? Atleast nakabalik na siya at ligtas pa, kalimutan na natin yun" sabi ni Sha at tiningnan ang mga kaibigan na isa isang nagsitanguan

"See? Ok na Chleo, pero dapat sa susunod iingatan mo na ang sarili mo at itetext na kami okay?" Sabi sa akin ni Sha. Tumango ako at ngumiti

"Or kaya tawagan mo na lang kami, kahit na bubulol bulol ka sa tawag mo kasi lasing ka, itatry naming intindihin yun, baka kasi kung anong mangyare sayo, ma-rape ka or something hindi namin alam" sabi ni Sha at tumango lang ulit ako. Si Sha talaga na kahit childish ang mga kinikilos niya minsan ay siya pa din ang pinaka-maaalahanin at grabe manermon sa aming magkakaibigan. Napangiti ako saka tumingin sa kanilang lahat

"Sorry" I pouted pero ngumiti din agad saka inunat ang mga kamay

"Group hug?" Pacute kong sabi na agad naman nilang sinunod. Si Zain, si Sha pati si Freya ay mangiyak ngiyak na niyakap ako kasama ang natatawang sila Klint pati ang iba pa

"Oh yan gurl, natauhan ka na din siguro noh? Kaya kung ako sayo, kung ayaw mong piktusan ka ni Lyn ay umayos ka na" pangangaral ni Terry na tinugon ko ng tango

"Ay teka nga lang, may isa pa tayong problem pala!" Biglang sabi ni Freya. Napatingin kaming lahat sa kanya

"Si Cae ba kasama mo kagabi Chleo? Nawawala din kasi yung baklang yun eh" sabi ni Freya na nagpapawis sa akin

Shit naman oh! Ayaw ko nang alalahanin yun! Whatever happened last night was so wrong! It was just a mistake! Shit

End Of Chapter Eleven

My Knight In His Shining DressWhere stories live. Discover now