Five : Operation Balikan

398 14 0
                                    

Chleo's POV

Nandito kami ngayon sa restaw nila Sha dahil pag-uusapan na namin ang operation balikan ni Lyn pati ni Lae Ann. Sana nga madali lang pasabihin ng Oo si Lae Ann para naman hindi na mahirapan tong si bessy Lyn namin. Kasalukuyan kaming nandito sa office ni Sha sa loob ng restaw nila at nagpaplano

"Oh ano na ba talaga ang plano?" Naiinip na sabi ni Cae. Kanina pa yan si Cae, since pumasok sila Sha at Klint sa usapan naging badmood na si bakla.

"Kalma lang Cae, may dalaw ka ba ngayon?" Natatawang asar sa kanya ni Klint. Nasa gitna ako ni beks at ni Klint nakaupo.

"Tse! Tigilan mo ako Klint ah" pagtataray ni Klint. Natawa lang kami nila Sha at Lyn, bumalik na din medyo sa dati si Lyn, nakakausap na namin siya ng maayos since last night nung umamin siya sa amin ni Cae. Hindi pa alam ng iba pa naming ka-barkada about sa problema ni Lyn pero sasabihin din namin para matulungan kami sa operation balikan.

"Oh tama na yan Klint, wag mo na asarin si beks, mamaya magtantrums yan sa sobrang pikon" medyo natatawa kong saway kay Klint

"Masusunod po babe" sabi ni Klint sabay kindat na tinawanan ko lang. Nakita ko naman sa harap ko yung dalawang babae na nagpipigil ng kilig. Mga shonga talaga toh sila, nilalandi lang ako ni Klint eh

"Tama na yang landian, masakit sa mata, pinunta natin dito yung pagplano ok?" Panitlra ni Cae kaya umayos na kami at nagisip pa. Sinunod na lang namin si bakla may pms yata talaga

"I know na mga bes!" Biglang sigaw ni Cae sa gitna ng paguusap usap namin. Napatingin kami sa kanya

"Mga bes, how about i-set natin sila ng date ni Lyn?" Sabi niya

"Papayag kaya yun? Eh baka ma-awkwardan siya kay Lyn at hindi na pumayag" sabi ni Sha

"Ateh gurl, shonga lang? Syempre hindi natin sasabihin sa kanya, ganito kasi yung plan ko, what if ipasara mo for one day tong restaw mo tapos sabihin mong may ipapa-ayos ka kaya ipapasara mo then mga bandang 2pm tawagan mo si Ann, utusan mo siya, kahit anong iutos mo basta makakapunta siya ng restaurant, tapos doon susulpot si Lyn para makapag-usap silang two, syempre aalis tayo baka kasi maglampungan sila kapag nagka-ayos na, and then bibigyan lang tayo ng sign ni Lyn para naman ma-congratulate silang two, ok ba yun mga girl?" Sabi ni Cae. Napangiti naman kami ng malaki.

"Ay bes! Ang galing mo! I love it! Ikaw na talaga!" Sabi ko sabay hug sa kanya ng saglit. Nakipag apir naman siya sa amin maliban nga lang kay Klint, may problema talaga tong si Beks kay Klint. Kawawa naman si Klint, tinaas niya pa naman kamay niya akala niya kasi makikipag-apir din si Cae sa kanya pero tinarayan lang siya ni bakla kaya ako na lang ang nakipag-apir sa kanya para hindi siya ma-sad

"Oh ano na? Simulan na natin mag-set and then mag-plano!" Sabi ni Sha at nagplano na nga kami. Tinawagan na namin ang iba kaya dumating sila para tumulong sa pagde-design

...

"Ok na ba mga friends?" Tanong ni Cae sa aming lahat. Tapos na kaming magplano and the day after tomorrow na ang Operation Balikan namin! I'm so excited para kay Lyn na medyo kinakabahan na din sa possibility na i-reject siya ni Lae Ann

"Yes!" Sabay sabay naming sabi. Tumango naman si Cae at nagsimula na kaming magligpit at umuwi na yung iba, lumabas naman sila Sha at Klint dahil may aasikasuhin pa daw sila sa kitchen. Lumapit si Lyn sa akin at hinila ako papunta kay Cae saka niyakap kami ng mahigpit

"Mga bes thank you so much talaga! Thank you dahil sinusuportahan niyo ako palagi! Hindi niyo alam kung gaano ako kasaya dahil sa wakas makaka-usap ko na din si Ann" sabi niya at kumalas sa pagkakayakap sa amin. Ngumiti lang si Cae at ako sa kanya

"Ngayon, kayong dalawa naman ang mag-usap, kanina pa kayo walang imikan ah! Hihintayin ko kayo sa parking lot sa kotse ok? Wag kayong lalabas ng hindi nagbabati kung hindi lagot kayo sa akin" sabi ni Lyn at hinalikan kami sa pisngi at umalis na nga, iniwan kaming dalawa no Cae. Oo, tama si Lyn, hindi kami nagi-imikan ni Cae. Hindi ko nga alam dyan kay beks eh! Bigla niya na lang akong hindi pinansin, wala naman akong ginawa sa kanya! Kaya hindi ko din siya pinansin.

Hindi pa din kami nagtitinginan ni Cae kaya kinuha ko na lang sa table yung sling bag ko at aalis na sana ng hawakan ni Cae ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Bes, sorry na" sabi niya sa akin. Napangiti ako at niyakap siya. Napaluha naman ako. Hindi ko kasi kayang hindi ako pinapansin nila ni Lyn, lalo na tong si Cae, kung alam ko na may kasalanan ako ok lang pero hindi ko nga alam kung ano bang nagawa ko kay Cae kaya natataranta ako na nalulungkot na hindi ko alam!

"Sorry Chleo" ulit niya. Niyakap ko naman siya ng mas mahigpit at niyakap niya din ako pabalik. Naramdaman niya siguro na basa na yung balikat niya kasi hinaplos niya na ang ulo ko.

"Bakit ba kasi hindi ka namansin ah? Bwiset ka akala ko may nagawa na akong mali tapos baka hindi mo na ako pansinin forever! Hindi ko kaya yun Caevin!" Sabi ko at kumalas sa yakap namin pero nakahawak pa din siya sa bewang ko at ako, sa mga braso niya, lumuluha pa din. Ganyan ako kababaw pagdating sa mga bestfriends ko

"Sorry Chleo, hindi ko din alam eh, shh tahan na please? Sorna okie? Hindi ako galit sayo kaya wag ka na umiyak please? Ayaw ko na ganyan ka....nagseselos kasi ako eh" binulong niya na lang yung mga huling sinabi niya pero narinig ko pa din kaya napatingin ako sa kanya. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Oo na! Inaamin ko na kinikilig ako ng konti

"N-nagseselos ka? Kanino?" Tanong ko. Nakita kong lumaki ang mata niya at tumingin sa akin

"Ahh...na-nagseselos ako sa inyo ni Klint bes! Sa halip kasi ako yung landiin niya, ikaw nilalandi niya, alam mo naman krass ko yang si papi Klint eh kaya medyo nagselos ako" mabilis niyang sabi. Tumango naman ako. Akala ko naman nagseselos siya kasi nilalandi ako ni Klint, yun pala gusto niya, siya yung nilalandi. Medyo kumirot si heart ko ah. Bwiset ka Caevin, bakit mo ba toh ginagawa sa akin? You are driving me crazy Cae, and I don't know why

"So galit ka nga sa akin?" Tanong ko at nag-pout na parang bata. Parang bata naman talaga ako tingnan kasi nakatingala ako kay Cae, ang tangkad niya kaya, hanggang baba ng teng niya lang ako, kaya kailangan niya pa yumuko ng konti kapag kayakap niya ako.

"Hindi noh! I'm not galit ok? Wala toh hayaan mo na ako, sorry kung umiyak ka dahil sa akin" sabi niya at pinunasan ang mga luha ko sabay yakap sa akin. His hugs are really giving me comfort

"Ok sabi mo eh, tara na?" Sabi ko at kumalas na sa yakap namin at inayos ang sarili. Ngumiti siya saka hinawakan ang kamay ko at lumakad na papunta kay Lyn. Shemay naman oh! Kinikilig na naman ako! Minsan iniisip ko

Bakla ka ba talaga Caevin Jonah Buenavista?

End of Chapter Five

My Knight In His Shining DressWhere stories live. Discover now