Six : Happy for beshies

352 13 1
                                    

Chleo's POV

This day na gaganapin ang Operation Balikan nila Lyn at I'm so excited na may halong kaba sa pwedeng mangyari mamaya.

8am ang time ngayon at nandito na kami sa Chef's Paradise at nagsimula nang magdrawing si Cae para sa pagdedesign namin mamaya. Hinihintay na lang namin si Sha at si Klint kasi sila ang bumili ng mga gamit para sa designs. Katulad nga ng napagplanuhan, sarado for one day ang restaurant.

May harang ang labas ng restaurant kaya hindi makikita kung anong ginagawa namin sa loob. Nagda-drawing pa din si beks at nasa tabi niya lang ako at nanonood sa kanya. Paminsan minsan magkakatinginan kami at magngingitian pero ayaw ko muna siya kausapin, baka kasi madistract siya at mawala sa concentration galitan pa ako.

Si Lyn naman kasama sila Terry at Zain kasi tinutulungan nila si Lyn kung ano ang sasabihin niya mamaya, si Ralph naman at Eedon kumuha ng mga hagdan at ilang pang mabibigat na gagamitin namin mamaya doon sa stock room. Si Freya naman sinama yung dalawa niyang anak kasi daw walang kasama sa bahay nila pero ok lang naman, may malalaro kaming baby. Kasama ni Freya ang panganay niyang anak na lalaki, si Freilo kumuha ng mga panlinis para mamaya kapag tapos na kami.

Kalong kalong ko naman si baby Frenily, ang kyut kyut niya! Nanggigil na nga ako sa kanya pero pinipigilan ko lang sarili kong wag siyang yakapin ng mahigpit. 1 year old na si baby Ely, yan yung palayaw niya, nakakalakad na siya pero masyado siyang mabait para lumakad lakad, behave lang siya kapag sinabihan siya ng mama niya ng behave pero she is very friendly kid, napakabibo niya parang si mama niya din dati nung college pa kami.

Hays namiss ko yung mga moments namin noon. Walang araw na hindi kami magkakasama noon pero ngayon, tuwing may okasyon or may free time na lang kami nagkikita at nagbabonding kasi may kanya kanya na din kaming trabaho and we're all busy na din

"Huy Chleo, ok ka lang ba? Kanina pa kita tinatanong pero nakatulala ka lang" sabi ni Freya na nagpabalik sa akin sa realidad

"Ay hehe sorry ah, naalala ko lang kasi yung mga moments and bondings natin noon nung mga college pa lang tayo, namimiss ko na eh" sabi ko. Ngumiti si Freya at hinaplos ang buhok ng bunso niyang babae at tiningnab ito ng puno ng pagmamahal

"Oo nga eh, nakakamiss na nga, madamu nang nagbago after we graduated, naging succesful tayo sa sari-sarili nating mga buhay kaso nga lang napabayaan na natin yung friendship natin" ngumiti siya ng makungkot. Ayaw ko ng drama ngayon dahil kailangan naming maging masaya para masuportahan namin si Lyn mamaya. Tumingin ako sa kanya

"Nga pala Freya, ano yung tinatanong mo sa akin kanina?" Pagiiba ko ng topic

"Ah, pwede ba ipasyal mo muna si Ely? Baka kasi nabo-bored na siya, ayaw na ayaw niya pa naman yun, wala kasi mga friend niya dito eh? Kung pwede lang naman" nagaalinlangan niyang tanong. Natawa naman ako sa kanya, siya pa din talaga Freya na nakilala namin, pabibo pero sobrang mahiyain kapag may ire-request, mataas pride niyan eh

"Oo naman Freya! Sus wag ka na mahiya ok lang naman sa akin na ipasyal tong si bulilit na toh eh, tutal wala pa naman sila Sha, lakad lakad muna kami sa garden corner, tawagin mo lang ako kapag diyan na sila ha?" Sabi ko at tumayo na. Ngayon ko lang napansin na wala na pala si Cae sa tabi ko. San kaya yun pumunta?

"Thank you Chleo ha, sige tawagin ko lang kayo" sabi niya. Umalis na kami ni baby Ely papunta sa garden corner ng restaurant. Binaba ko siya para lumakad. Ang kyut kyut niya talaga, kamukha niya ang mama niya. Kapag tumingin ka sa mga mata niya ay makikita mo ang mga mata ni Freya.

Naglakad lakad kami ni baby tapos nung tumawag na si Freya, bumalik na din kami kasi nandyan na sila Sha at Klint. Nag-aayos na kami at nagdedesign na ng paligid. 10am na at meron na lang kaming 3 hours left para magdesign. Tinawagan na kasi ni Sha si Lae Ann na pumunta sa restaurant ng 2pm para kunin yung naiwang papeles DAW ni Sha sa office ng restaurant at ihatid sa bahay niya.

"Uy bes, bakit hindi mo pinapansin kapatid ko?" Tanong ni Sha sa tabi ko. Nagkakabit kami ng mga ribbons sa mga poste ngayon.

"Huh? What do you mean?" Pagiwas ko. Oo, hindi ko na masyadong pinapansin si Klint, eh kasi naman ayaw ko nang magtampuhan kami ni Cae ulit, baka kasi kapag lumapit ako ulit kay Klint, hindi niya na naman ako pansinin, di ko na keri yun noh.

"Ah, sorry, nagco-concentrate kasi ako sa pagdesign, mamaya kasi galitan ako ni beks kapag nagmali eh" pagpapalusot ko. Bumenta naman yung sinabi ko at hinayaan na lang ako ni Sha. Lumingon naman ako kay Cae na kasalukuyang nagde-design ng flowers sa table

...

"Mga friends good job!" Masayang sabi ni Cae at pumalakpak. Natapos na kasi namin magdesign before mag-2pm. 20 mins na lang ay dadating na dito si Lae Ann. Nakapagligpit na kami at naka-ayos na din si Lyn. Simple lang naman manamit si Lyn, white shirt and skinny jeans na black tapos konting ayos sa buhok, hindi niya na need ng make-up, she has natural beauty. Medyo may pagka-boyish pagdating sa pananamit si Lyn pero bagay sa kanya.

"Guys thank you talaga! Na-appreciate ko toh ng sobra! Kayo na talaga ang pinakabest na bestfriends!! I love you guys" sabi ni Lyn at nag-group hug kami. Pumunta na kami sa office ni Sha at dun pinapanood sa CCTV kung anong nangyayare sa labas. Naiwan na si Lyn at nakaupo na siya sa upuan dun sa may table kung saan sila pupwesto ni Ann mamaya. Kinakabahan talaga ako! Pero keri lang!

Maya maya pa ay pumasok na si Lae Ann sa restaurant. Nakita namin kung paano nanlaki ang mata niya ng salubungin siya ni Lyn. May sinasabi si Lyn pero hindi namin marinig kasi it's their privacy kaya hanggang nood lang kami. Umupo sila sa table, kitang kita pa din ang pagtataka sa mukha ni Ann. Nag-usap sila, maya maya nakita naming umiiyak si Ann at hinawakan ang kamay ni Lyn. Tumayo naman si Lyn para lapitan si Ann at yakapin. Sabay sabay kaming napa 'aww' sa ginawa ng kaibigan namin. Tumayo si Lae Ann at niyakap pabalik si Lyn. Nakangiti na si Lyn at binigyan ng saglitang halik si Ann saka niyakapa siya ulit. Tumingin si Lyn sa isa sa mga cctv camera at nag-thumbs up kaya pumalakpak kami. Lumabas kami para alamin kung anong naging resulta.

"Huy babae! Kwento na dali" sabi agad ni Terry pagka-labas namin. Nagulat naman si Ann kaya napatawa kami.

"Ma'am Sha? Sir Klint? Bakit po kayo nandito?" Tanong ni Ann

"Babe, sila yung nagdecorate nito at tumulong sa akin para palakasin loob ko kapag kausap na kita" sabi ni Lyn sabay halik sa hawak hawak niyang kamay ni Ann. Napangiti kami

"Uy girl! Ano yang pakiss kiss nayan sa hands!? Spill the beans na ba" sabi ni Terry. Tumawa naman si Lyn

"The Operation Balikan is mission accomplished" sabi ni Lyn at napapalakpak kami. Kumain kami sa restaurant at nagkentuhan. Masaya kami, masaya mga friends ko, masaya mga beshies ko at masaya ako. I'm happy for them

End of Chapter Six

My Knight In His Shining DressWhere stories live. Discover now