Four : besties to the rescue!

415 13 0
                                    

Chleo's POV

Nung umalis kami galing sa restaurant wala pa din sa sarili niya si Lyn kaya nag-suggest ako na ako na lang ang magdrive and guess what? Pumayag siya. Meron talagang problema kay Lyn ngayon. Nasa backseat siya ng kotse ngayon, si Cae naman sa passenger seat nakaupo ngayon baka daw kasi bigla na lang siyang sapakin ni Lyn.

"Uy bes" pabulong na sabi ni Cae. Nilingon ko siya saglit

"Bakit?" Tanong ko. Tinuro naman ng nguso niy yung salami kung saan nakikita ang nakasandal sa bintana na si Lyn. Bumuntong hinga lang ako

"Let her be, baka may iniisip pa yan, she will tell us if she wants to, we just need to wait" sabi ko at tumango na lang si Cae

"Bes may naisip na akong paraan para mapatino si Lyn at masabi niya sa atin problem niya" sabi niya at ngumiti ng bongga

"Ano?" Sabi ko

"Lino's Club" sabi niya at napangiti ako

"That's a good idea beks! Ano? Sure yan?" Sabi ko

"Oo naman bes! Gora!" Sabi niya at lumiko kami papunta sa Lino's Club

...

Nandito kami ngayon sa VIP room ng Lino's Club. Niyaya namin ang iba pa naming kaibigan pero hindi naman kami masyadong close katulad sa aming apat nila Cae, naging mabuting magkakaibigan lang kami

"Guys, kamusta na pala?" Sabi ni Crizain or Zain kung tawagin namin. Kasama niya yung jowa niya na, si Ralph

"Yun, naghahanap pa din ng papi kaso mailap sila eh, hindi pa kasi nila nadidiscover yung klase ng beauty namin ni Cae" sabi ng Terrence noon, Terry ngayon. Nagtawanan kami sa nung nag-apir ang dalawang beki tapos nagsampalan. Parang mga shonga. Namiss ko tong bonding namin na toh

"Gabi na ba mga guysue?" Tanong ni Freya

"Naku Freya, kahit kelan talaga nagmamadali ka! Problem mo teh? May date?" Sabi ni Cae at uminom ng alak niya

"Hindi date baliw! Anak ko ang naghihintay" sabi ni Freya and she laughed bitterly. Bumuntong hinga naman kaming lahat. Si Freya lang kasi ang may pamilya na sa amin. Si Zain naman malapit na kasi enggage na sila ni Ralph, next month na kasal nila and syempre, we're invited.

"Oo siya sige na nga ate mommy! Gorabels ka na baka hinahanap ka na ng mga anakis mo siguradong waley pa si hubby mo dun at nasa work work pa" sabi ni Terry

"Mga tol, si Lyn kanina pa tahimik, anong nangyare dyan?" Tanong ni Eedon na katabi si Lyn na as in kanina pa talaga tahimik at umiinom lang ng whiskey. For sure lasing na yan pero hindi pa din nagsasalita

"Hay nako mga friend, kanina pa yan, sabi sa akin ni besh Chleo na since nakakita siya ng waitress dun sa restaw nila Sha at Klint, nagkaganyan na yan" page-explain ni Cae. Tatanungin na sana ni Ralph si Lyn ng may pumasok sa room nnamin

"Mga friends!!!" Tili ng babae ng pagkapasok, may kasama siyang lalake

"Keisha! Omg namiss kitang pabebe ka!" Sabi ni Terry at naghug silang dalawa

"Ay oppa Klint ditey ka pala, namiss din kita" pagpapa-cute ni Terry kay Klint. Tumawa lang si Klint at umupo na sila, tumabi naman sa akin si Klint.

"Hello my lady" sabi ni Klint at hinalikan ako sa pisngi. Natigil ako sa ginawa niya.

What the!

Sabi ko sa isip ko. Eh pano ba naman kasi! Dati sa kamay niya lang ako hinahalikan ngayon sa pisngi na! Hay nako Chleo wala yun! Malandi naman talaga si Klint kaya masanay ka na

My Knight In His Shining DressWhere stories live. Discover now