Eight : Still Hunting

344 13 1
                                    

Chleo's POV

Yun na nga, pinipilit ako ng mga kaibigan ko na maghanap na ng jowabels kaya puro iba-ibang dating apps na ang laman ng phone ko pero hindi man ko man lang ginamit ni isa sa mga yun. Kung maghahanap na lang ako ng jowa, syempre mas gusto ko yung kilalang kilala ko na siya. Ako yung taong hindi madali magtiwala kaya kung sino man ang manligaw sa akin, asahan na nila na I'm not easy to get but not hard to get also, kailangan niya lang naman kunin ang tiwala ko at bibigay na ako. It's medyo mahirap pero, kapag totoo ka lang at honest to me, it's easy peacy

"Nako! Shet naman! Late na ako! First day ko pa naman ngayon bilang isa sa mga head doctors sa kompanya!" Sabi ko at tinapos na agad ang kapeng iniinom at umalis na. Nakabihis na ako, umiinom na lang ako ng kape para pampagising pa.

...

Pagkapark ko ng kotse sa parking lot ng building ay agad akong pumasok sa elevator at pumunta sa pangalawa sa pinakamataas na floor, dun kasi yung floor ng mga admins ng hospital

"Hay, first day of being an admin, new kind of day" sabi ko pagkaupo ko sa swievel chair ko sa office ko. Nakahilata lang ako dahil nakakapagod tumayo sa elevator

"Doc. Chleo?" May kumatok sa pinto ng opisina ko kaya umayos ako ng upo

"Come in!" Sigaw ko para marinig ng nasa labas. Bumukas ang pinto at bumungad ang mga co-admins ko na may dalang cake. Napatayo ako nung lumapit sila sakin

"Congratulations!" Sabay sabay nilang bati. Napangiti ako

"Thank you, nag-abala pa kayo" sabi ko, medyo nahihiya ako sa kanila.

"Wala yan! Part ka na ng mga Admins kaya dapat ka naming i-welcome at i-congratulate" sabi ni Janette, isa sa mga naging kaibigan ko sa hospital. Ngumiti ako at nagpasalamat

Pagtapos ng ilang usapan ng mga admins, nagmeeting na din kami kung ano bang gagawin kung sakaling may mangyari ngayong araw at pinag-usapan ang mga daily routine ng mga doktor, pumunta na ako sa clinic ko sa first floor, nandun kasi ako na-assign for emergencies and check-ups.

__

The day passed at ok lang naman ang first day ko bilang one of the admins. Check-ups lang ang ginawa ko kasi ibang doctor ang umasikaso sa mga emergencies. First day pa lang, madami pa akong stress na haharapin bilang admin

"Ate's home" sabi ko pagkapasok ko at agad na humilata sa couch. Tiningnan ko ang wrist watch ko. 6:49 na. Dito na sa bahay ang mga bata, nasa kwarto lang siguro, gumagawa ng assignments or baka tulog na. I sighed saka tumayo na at umakyat para i-check mga kwarto nila.

Knock knock

Kumatok muna ako bago binuksan ang pinto ng kwarto ni Rius. Nakita kong nasa working table niya with his laptop at gumagawa ng mga assignments niya. Napalingon siya sakin at ngumiti, ngumiti din ako. Lumapit ako sa kanya at tiningnan ang ginagawa. Napasimangot ako samantalang natawa lang si Rius sa mukha ko

"Myghad it's History, wala kang aasahan sakin dyan, pwede pa ang Math, English, Science, at Filipino wag lang ang History" sabi ko at tumawa si Rius

"Ate, it's ok, kahit na hindi ka magaling sa History, love ka pa rin namin ni Fralle" pang-uuto niya. Ginulo ko naman ang buhok ng kapatid ko

"Naku! Nanguuto ka na naman, oh sige na, wag magpupuyat dahil may pasok kayo bukas tsaka magkakaroon ng darkspots yung gwapong mukha ng kapatid ko" sabi ko at hinalikan ng ulo niya

"Sige na, Good night Rius" sabi ko

"Good night ate, magpahinga ka na" sabi niya at tumango ako saka sinara na ang pinto ng kwarto niya. Sumunod naman ako sa kwarto ng bunso naming si Fralle. Pagbukas ko ng pinto ay patay na ang ilaw. Tanging ang lampara na lang sa gilid ng kama ni Fralle ang nagbibigay liwanag sa kwarto niya. Mahimbing nang natutulog ang kapatid ko. Lumapit ako sa tabi niya at hinawi ang buhok niya na nakaharang sa mala-anghel na mukha ni Fralle. Napangiti ako

"Fralle, mahal na mahal ka namin ni kuya Rius mo, kaya please, wag na wag kang susuko, kasi kami hindi rin kami susuko na mapagaling ka" bulong ko. Oo, may sakit si Fralle. Simula pinanganak si Fralle ay may heart failure na siya kaya hindi siya dapat magkaroon ng sobrang emosyon. Hindi lang heart failure, may anxiety pa siya.

"Ate?" Nagising si Fralle. Inayos ko ang sarili ko at ngumiti sa kanya

"Fralle, si Ate Chleo toh" sabi ko at hinihimas ang ulo niya. Ngumiti siya sakin

"Wala akong mga assignments ngayon eh kaya natulog na ako agad" sabi niya. Tumango lang ako

"Wala ka bang panic attacks today?" Pag konsulta ko. Isa rin toh sa dahilan kung bakit pinagsikapan kong maging doktor, para magamot ko ang kapatid ko

"Wala po ate" sabi niya at ngumiti ako

"Ok, sige na, you go to sleep, may pasok ka pa tomorrow" sabi ko at hinalikan siya sa noo.

"Goodnight" sabi ko at lumabas na ng kwarto. Dumiretso na ako sa kwarto ko, ginawa ang night routine ko at pagkatapos ay humiga sa kama

Matutulog na sana ako nang tumunog ang phone ko. May tumatawag sakin, si Cae

"Hello baks bakit?" Sabi ko

"Chleo..." narinig kong bati ni Cae sa kabila ng sobrang ingay ng background music kaya nilayo ko ang phone ko sa tenga ko. Ni-loud speak ko na lang para hindi sumakit ang tenga ko

"Uy Cae, bakit ang ingay? Sa bar ka ba?" Tanong ko

"Hmm, yeah I'm in a bar bessy at lasing na lasing akez" mabulol bulol na sabi ni Cae sa kabilang linya. Natawa naman ako

"Halata nga, galing mo nga magsalita eh, daig mo pa ang bata" sabi ko. Narinig ko namang humalakhak siya. Napakunot ang noo ko nang marinig na humihikbi na siya

"Cae? Beks? Hey, are you ok? Anong nangyayare sayo dyan?" Nag-aalalang tanong ko pero patuloy lang siya sa paghikbi

"Cae, what's happening?" Ulit ko pero hindi pa din siya sumasagot

"You want to talk?" Tanong ko. I heard him cleared his throat

"Hell yeah" he said. I chuckled

"Where are you? Punta ako dyan" sabi ko at agad na umalis nang sabihin niya kung saan pero syempre I had made sure na naka-lock at magiging safe mg kapatid ko kapag umalis ako.

Dumating na ako sa bar at malakas na sounds agad ang bumungad sakin. I got my phone at tinext si baks, at nagsimula na siyang hanapin

End of the Chapter Eight

My Knight In His Shining DressWhere stories live. Discover now