Three : Lyn, what's with you?

474 14 0
                                    

Chleo's POV

"Mga bes!" Bungad sa amin ni Keisha or Sha kung tawagin namin. Nagbesobeso kaming lahat sa kanya.

"Thank you Lae Ann" sabi ni Sha sa waitress na naghatid sa amin dito sa Paradise Corner. Ngumiti ang waitress sa kanya

"Sige po mga ma'am, magtatrabaho na po ako, enjoy your meals" Umalis na ang waitress pero hindi nakatakas sa paningin ko ang saglit na titigan nilang dalawa ni Lyn

Hmm, something's going on

Sabi ko sa utak ko but I shrugged it off nung umupo na kami.

"Ay gurls, ako na pala ang nag-order ng mga gusto niyo but you can order anything you want naman" sabi ni Sha. Nagsimula na kaming kumain at nagke-kwentuhan

"Teka nga pala, how's your interview Chleo?" Pagbago ng topic ni Sha at tumingin sa akin ng excited. Napangiti ako

"I'll just have to wait for the result na lang" sabi ko at sumubo ng pagkain

"And?" Tanong pa ni Sha. I chuckled pati sila Cae natawa na lang sa kinikilos ni Sha. Yung mukha niya kasi kapag nakatanong nakangiti pa ng malaki.

"Michael, my boss, said I did great" sabi ko at napapalakpak naman si Sha

"Naku! Nagcomment na sayo yung boss mo kaya for sure bukas na bukas promoted ka na beshie!" Sabi ni Sha na may halo pang tili.

"Promoted agad agad?" Tanong ko

"Oo naman! Deserve mo kaya yun! Magaling ka kayang doctor! Madami ka nang na-save na life!" Masiglang pagpuri sa akin ni Sha.

"Aww, thank you Sha, thank you din guys sa laging pagsuporta, I love you" sabi ko sa kanila

"We love you too bes!" Sabay sabay nilang sabi na nagpangiti sa akin

Kaya mahal na mahal ko kayo eh

sabi ko sa isip ko

"Oy, tama na ngang drama mga besh! Lafang na lang ok? Yoko madrama, iwas iwas tayelz dyan pwede?" Sabi ni Cae at tumawa lang si Sha sa kanya

"Ay maiba ako, Where na pala si jowawis boyash mo?" Tanong ni Beks kay Sha. Yes, si Sha palang ang may jowabels sa aming magkakaibigan, swerte nga siya eh, nakahanap siya agad ng THE ONE niya

"Eh yun, business trip again" sabi niya at bumuga ng hangin

"Eh si papi Klint?" Pagpapasigla ni Cae sa usapan. Natawa naman si Sha

"Landi beks ah?" Sabi niya

"Nasa kitchen, sabi niya susunod lang daw siya" sabi ni Sha. Napa-pout naman ang bakla

Teka lang, napansin ko lang. Lumingon ako kay Lyn na tahimik lang na kumakain. Anong meron sa babaeng toh?

"Psst" sitsit ko kay Cae at Sha na agad na tumingin sa akin. Tinuro ko si Lyn na hindi man lang napansin na tinitingnan na namin siya.

"Naano yan siya?" Mahinang tanong ni Sha, baka kasi marinig ni Lyn, malintikan kami kasi pinag-uusapan namin siya ng patago

"Ewan ko ba gurl, hindi naman yan siya ganyan kanina, pagpasok ng restaurant naloka na siya" mahinang sabi ni Cae

"Di kaya nakakita ng boylicious kanina?" Sabi ni Cae at agad naman akong umiling

"Waitress" sabi ko. Kumunot naman ang noo ng dalawa

"Bakit kami pa pinapatawag mo ng waitress Chleo? May bunganga ka bes" sabi ni Sha kaya napailing ako ulit

"Hindi, yung waitress na sumundo sa atin sa gate Cae! Siya yung naghatid sa amin dito Sha" sabi ko pero parang wala pa din silang naintindihan

"Oh? What's the matter doon teh?" Sabi ni Cae kaya napabuntong hininga na lang ako

"I think may gusto siya dun sa waitress na yun! Kasi kanina niya pa yun tinitingnan nung papunta kami dito sa Paradise Corner tapos nakita ko pang nagtitigan silang dalawa before umalis yung waitress na yun dito" medyo pasigaw kong bulong sa mga shunga shunga kong kaibigan. Tumango tango si Sha

"Si Lae Ann?" Tanong niya, tumango naman ako agad

"ANEK!?" Biglang sigaw ni Cae kaya napatingin sa amin si Lyn. Ngumiti lang kami sa kanya, bumalik naman siya sa pagkain niya. Nasa tabi ko si Cae kaya madali kong nakurot yung balakang niya.

"Arouch naman gurl! Masakit yun ah!" Pagiinarte niya at hinimas ang parte ng balakang niya kung saan ko siya kinurot

"Ingay mo kasi, malilintikan tayo kay Lyn eh" bulong ko sa kanya.

"Sorry na" sabi niya pero inirapan ko lang siya. Tapos na kaming kumain at nagke-kwentuhan na lang sa mga bagay bagay pero si Lyn hindi pa din namin masyadong maka-usap ng maayos, malalim pa din ang iniisip

"Hello ladies, sorry I'm late" biglang sulpot ni Klint. Agad naman tumayo si Cae at nakipagbeso kay Klint. Lande teh

"Hi papi Klint, it's okey lang naman" sabi ni Cae at umupo ulit sa tabi ko. Tumawa lang si Klint at tumingin sa akin. Tumayo ako at makikipagbeso na sana ako sa kanya ng hawakan niya ang kamay ko at halikan iyon

"My lady, how are you" pabirong paglandi sa akin ni Klint habang tinitigan ako. Tumawa naman ako at marahan siyang binatukan

"Umayos ka nga Klinton, umupo ka na" sabi ko at tumawa din siya. Ganyan talaga si Klint sa akin, kahit kay Lyn ganyan din siya, sadyang mapanglandi lang siya. Umupo siya sa tabi ni Lyn. Umupo ako pero napansin ko ang pagtagis ng bagang ni Cae. Tumingin ako sa kanya pero hindi niya ako pinansin at uminom lang ng wine niya

Ano problema ni beks? Selos ba siya kasi nilandi ako ni Klint or selos siya na ako ang nilandi ni Klint?

Tanong ko sa isip ko pero hinayaan ko na lang muna. Nagkwentuhan pa kami, inenjoy namin yung moments magkakasama lahat kasi minsan na lang kami maging kompleto. Lalo na tong si Sha na laging busy sa business nila tapos si Lyn na laging na sa racing field, yes, racer ang ate gurl niyo, tapos si Cae na busy din sa salon niya, kaya sulit sulitin na namin toh. Kaso nga lang may kulang, eto kasing si Lyn wala sa sarili.

"Lyn, what's wrong? Kanina ka pa tahimik at walang kibo?" Biglang tanong ni Klint kay Lyn. Napalingon sa kanya si Lyn at ngumiti

"Wala wala, don't mind me I'm fine" sabi niya pero alam naman naming lahat na hindi talaga siya ok. Magsasalita pa sana si beks nang dumating yung waitress na nagngangalang Lae Ann. Nakita ko na naman ang pagtitig sa kanya ni Lyn at yung pawis sa gilid ng noo niya

Ano bang nangyayari sayo Lyn? What's with you?

End of Chapter Three

My Knight In His Shining DressWhere stories live. Discover now