Two : Sweetness overload

587 16 2
                                    

Cae's POV

Keri yan ni Chleo, kilala namin yun ni Lyn, hindi yun basta basta papatalo at lalaban yun.

"Beks, si Chleo lumabas na" sabi ni Lyn at tinapik ang hita ko. Napatingin ako kay Chleo na matamlay ang mukha.

"Mga bes" sabi niya na mangiyak ngiyak. Kinabahan kami at nilapitan siya. Magtatanong na sana ako kung anong nangyari ng biglang niyakap ni Lyn si Chleo

"Ok lang yan Chleo, marami pang time, baka hindi pa talaga ito ang oras para sayo" sabi ni Lyn at hinimas himas ang ulo ni Chleo

Ay grabe din tong si Lyn, waley pa nga nagsasabi si Chleo kung anong nangyari nag-action agad tong merlat na toh

Sabi ko sa utak ko. Hinila ko naman papalayo si Lyn kay Chleo baka kasi hindi na makahinga yung friend namin masasabunutan ko pa tong si Lyn

"Gaga, pasalitain muna natin si Chleo pwede? Hindi yung magre-react ka agad" pagsusungit ko kay Lyn. Inirapan niya lang ako

"Sus, inggit ka lang kasi naunahan kita i-hug si Chleo" sabi niya. Hindi ko na lang siya pinansin at binaling ang atensyon ko kay Chleo na matamlay pa din ang mukha

"Bes, what happened ba? Bakit ganyan feslak mo?" Tanong ko. Yumuko siya at nagtinginan naman kami ni Lyn na handang i-comfort siya kapag umiyak siya. Pinapakaba kami nitong babaitang ito eh

"Huy Chleo, Oks ka lang ba?" Tanong ni Lyn. Bigla namang tumingin sa amin si Chleo at ngumiti ng bongga

"Success! Hintayin ko lang daw ang result! But! Sabi ni Michael, I did great!" Sabi niya ng masigla at nakahinga naman kami ng maluwag. Biglang tumawa si Chleo

"Grabe nakakatawa mga mukha niyo mga bes! Sarap niyong pagtripan!" Sabi niya habang tumatawa.

Bwiset yan Chleo! Kalerky ka day! Pinag-alala mo akez!

Chleo's POV

Hindi pa din mawala sa isip ko yung mga mukha ng dalawa kong bestfriend nung pinrank ko sila kahit nandito na kami sa kotse ni Lyn at papunta na sa restaurant. Tahimik lang ang dalawa habang ako, pinipigilang ngumiti. Baka kasi mabwiset si Lyn at iwanan ako sa kalsada tapos hindi na ako ilibre ni Cae. Badtrip pa din sila sa pangtitrip ko sa kanila kanina kasi daw seryoso sila tapos naiisipan ko pa daw mang-trip.

"Uy mga bes sorry na sa pangtitrip ko kanina" sabi ko. Katabi ko ngayon si Cae sa back seat kasi parehas naming ayaw umupo sa passenger seat, wala lang, ayaw ko lang. Si Lyn pa din ang nagda-drive, ayaw niya magpahiram, baka daw kasi magasgasan. Ang arte noh? Himala kapag nagpahiram si Lyn ng kotsr niya, mahal na mahal niya kasi mga kotse niya.

"Uy" pagpapansin ko. Hindi pa din kasi nila ako pinapansin. Si Lyn seryoso lang na nagda-drive, si Cae naman nagce-cellphone lang at hindi ako pinapansin. May naisip ako

"Cae? Beks? Sorry na please? Promise di ko na yun uulitin just forgive me na beks please?" Sabi ko at niyakap ang braso niya at naglean sa kanya. I heard him sighed at pinatay ang phone saka tumingin sa akin. Tumingala ako at tiningnan din siya. Kung hindi niyo kilala si Cae, mukha siyang jowa ko kung titignan kami ngayon. Para kaming jowang naglalampungan sa backseat ng taxi

"Ikaw naman kasing merlat ka, kalerkey ka, pinakaba mo kami, seryoso kaya kami, akala nga namin magbe-break down ka na kanina" sabi ni Cae. Napangiti ako, si Cae talaga ang inuna ko hingan ng sorry dahil alam ko na sa aming lahat siya ang sobrang understandable person, madali siyang magpatawad, sobrang bait ito ng bestfriend ko kaya i love my gayfriend berymats!

"Sorry na beks hindi ko na talaga uulitin" sabi ko at nagpa-cute. Alam kong hindi niya matitiis kacute-an ko. He sighed then smiled

"Tsk, Zsa Zsa padilla! Kahit na Rita Gomez akembang sayong mujer ka, papatawadin pa din kita kasi bestie kita at mahalia jackson kita" sabi niya at niyakap ako sabay halik sa noo. Ngumiti ako at niyakap din siya

"Naku naku! Dito pa talaga kayo naglampungang dalawa! Just so you know mga bes ah, I'm here din! Wag PDA nabi-bitter ako" sulpot ni Lyn na dahilan para maglayo kami ni Cae. Ngayon ko lang nalaman na dikit na dikit na pala talaga ang mga bodies namin.
Tumawa naman si Lyn

"Lyn, sorry na?" Tanong ko sa kanya

"Grabe ha! Kapag kay Cae grabe manglambing pero sa akin 'sorry ha' lang" pabirong pagtatampo ni Lyn

"Shunga! Alangang yakapin kita dyan eh nagda-drive ka! Ano gusto mo? Mawala concentration mo at mabangga tayo tapos magasgasan kotse mo?" Sabi ko.

"Tsk oo na, papatawadin na kita, wag ka nang madaldal dyan" sabi ni Lyn at tinawanan ko lang ang kashungaan niya. Maya maya pa ay nakarating na kami sa restaurant kung saan kami kakain ngayon. Sa Chef's Paradise. Pagmamay-ari ng isa pa naming kaibigan, si Keisha at ang kapatid niyang si Klint na business partner niya din.

"Let's go na mga babae, miss ko na si papi Klint!" Sabi ni Cae at nagmadaling bumaba ng sasakyan. Napailing na lang kami sa kalandian ni Cae. Pagpasok namin sa gate ay sinalubong kami ng isa sa mga waitress ng restaw.

"Goodmorning ma'ams, welcome to Chef's Paradise" bati sa amin ng waitress saka ngumiti. Ngumiti din kami at nagpasalamat.

"Are you Ma'am Chleo Fernandez?" Tanong niya. Tumango ako

"Yes it is me" sabi ko naman. Ngumiti siya at inilahad ang kamay sa pupuntahan naming direksyon

"This way ma'am" sabi niya at naunang naglakad para ihatid kami sa VIP section ng restaurant, Paradise Spot ang tawag sa section na iyon. Habang naglalakad kami, hindi ko mapigilang lumingon lingon sa paligid ng restaw. This restaurant is indeed busy. Sobrang daming kumakain, konti na lang ang bakanteng table. Sobrang successful na nila Sha, nakakaproud lang. Malaki ang restaurant, second floor at may garden, akala mo nasa isang paraiso ka talaga. Kahit saan ka tumingin hindi mawawalan ng mga bulaklak at paintings, it's paradise, indeed.

"Ma'am we're here" sabi ng waitress na nagpabalik sakin sa realidad. I smiled at her at pumasok na kami sa glass door kung saan ang Paradise Spot.

"Mga bes!" Narinig naming boses pagkapasok na pagkapasok namin sa pinto. Sabay sabay kaming napangiti

End of Chapter Two

My Knight In His Shining DressWhere stories live. Discover now