Fifteen : Should I?

384 15 0
                                    

Chleo's POV

       I really don't like what is happening in my life right now. I'm almost two months pregnant, lumalaki na yung tummy ko, kapag titingnan ng maayos ay mahahalatang buntis ako, pero wala pa ding nangyayareng progress. Hindi ko pa din sinasabi kay Cae kung sino ang ama ng baby ko but the good part is, he stays. Kahit hindi ko pa din sinasabi sa kanya kung sino ang ama, he still takes care of me at hindi sinasabi kahit kanino ang pagbubuntis ko. Nag-file na din ako ng maternity leave ng maaga kasi yun yung sabi ng doctor at para na din daw bawas stress. Last time kasi nahimatay ako because of too much stress, muntik na daw mawala si baby kaya kelangan doble ingat na ngayon. Last na chance na lang ni baby, kapag nangyare ulit yun, baka daw hindi na kumapit ang baby at mawala na daw ito

"Chleo, aalis na ako, papasok na ako, tinawagan ko na si Lyn, mag-ingat ka ok? Bye" sabi ni Cae pero tumango lang ako. Hindi pa din alam ng nila Lyn, si Cae pa lang nakaka-alam, ngayon pa lang nila malalaman. Hindi ako natatakot na sabihin kila Lyn kasi alam kong mapagkakatiwalaan sila, pero hindi ko alam kung sasabihin ko na kung sino ang ama, yun ang hindi ko pa kayang sabihin.

 Nag-iba na din ang turingan naming dalawa ni Cae. Eto na nga ba ang sinasabi ko, masisira na yung friendship namin, bwiset kasi na kalasingan yun

"Bye, take care" huling sabi niya hanggang sa tuluyan na siyang umalis. Dto muna pala ako nakitira sa bahay ni Cae, sabi ko kasi na hindi ko pa kayang sabihin sa mga kapatid ko kaya he offered na sa bahay niya muna ako tumira. Sinabi ko na lang sa mga kapatid ko na may business trip ako at matatagalan yun. Nag-iwan na lang ako ng pera at pinapabantayan ko din naman sila kay Lyn at Ann.

I sighed. Pagod na akong magtago kung sino ba ang papa ng anak ko. Lagi kong naiisip na baka alam na ni Cae na siya ang ama nitong si baby kaya niya ako inaalagan pero ayaw niyang itanong sakin kasi baka iniisip niya na maiinis ako or something. Naiisip ko din na baka nagiging mabuting kaibigan lang sya sa akin kaya niya ginagawa ito, sa bagay, pinangako naming magkakaibigan yun nung mga bata pa kami. Sana madali lang kasi sabihin yung mga ganitong bagay.

*Ding dong

May tao, sila Lyn na ba iyon? Pumunta na ako sa harap ng pinto pero tiningnan ko muna yung monitor na dun nakikita kung sino yung sa labas para naman makasigurado ako. Nanlaki ang mata ko at biglang pinagpawisan

Shit naman oh!

Hindi yan sila Lyn, kundi si Freya ang sa labas. Mabilis pero maingat kong tinungo ang kwarto ni Cae at humanap ng masusuot dahil mas malaki siya sakin, hindi mahahalata yung tiyan ko kapag sinuot ko ang damit niya. Bago ko pa man magulo ang cabinet ni Cae ay nakita ko ang gray na hoodie na binigay ko sa kanya nakaraang birthday niya. Sobrang laki nito, mas malaki pa kay Cae kaya paniguradong hindi na talaga mahahalata yung tummy ko pag sinuot ko na

*Ding dong

Natranta ako kaya sinuot ko na agad yung hoodie, naka baggy shorts, fitted na shirt sa loob ng hoodie, normal ko lang na suot ito kaya ok na. Bumaba na ako at huminga muna ng malalim at nagisip ng palusot kay Freya bagao binuksan ang pinto. Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko agad ang pagtataka sa mukha ni Freya

"Uy Freya, bakit dito ka?" nakangiti kong sabi saka binuksan ang gate at pumasok na kami. Umupo kami sa couch at binuksan ko yung tv. tumingin sa akin si Freya

"Ako dapat magtanong sayo nyan Chleo, ikaw, bakit andito ka sa bahay ni Cae?" tanong niya, napaubo ako bigla pero tumikhim ako bago may naisip na palusot

"Ah, dto kasi ako natulog sa kanya, nagkalagnat kasi siya kagabe kaya tinawagan niya ako, nagpapaalaga na naman" ngumiti ako at siya naman ay natawa na lang

"Pumunta ako dito kasi ibabalik ko sa kanya yung hiniram ko na make up niya, ginamit kasi nung pamangkin ko sa prom nila" sabi niya. Tumayo naman ako

"Ganun ba? wala kasi siya dto pumasok na, kukuha ako drinks, ano gusto mo?" sabi ko, nasasakal ako sa mga tingin niya, kelangan ko muna lumayo

"Orange juice ba yan?" sabi niya kaya napngiti ako

"Oo naman Freya, paborito mo eh" sabi ko at pumunta na sa kusina. Nakahinga ako ng maluwag nung sa  kusina na ako. Shemay kakaba pala kapag may tinatago? kinuha ko na yung orange juice sa fridge at nilagay na sa baso, ibabalik ko na sana yung juice pero naramdaman ko yung presence ni Freya

"Chleo" tawag niya, ano ba toh? kinakabahan ako sobra, nilingon ko siya at nginitian

"Namiss kita babae ka" sabi niya at hinampas ako sa braso. Tumawa naman ako

"two months na tayo d nagkikita eh, biglang naging busy kayo eh" sabi niya at tumango naman ako at nag-agree sa kanya

"Ehhhhh namiss talaga kita" sabi niya sabay yakap sakin" natawa naman ako sa kinilos niya, d pa din nagbabago ang ma-pride at makulit naming Freya. Bumitaw na siya at bumalik na kami sa couch dala dala yung juice. Nag-usap usap pa kami sa iba't ibang bagay nang biglang sumeryoso ang mukha niya at hinawakan ang dalawa kong kamay habang nakatingin ng diretso sa mata ko, shet ano toh?

"Chleo, I want you to be honest to me kasi ayaw ko na na-pe-pressure ka" sabi niya kaya napalunok ako

"Are you pregnant?" nanlaki ang mata ko sa tanong niya. Sasagutin ko na sana nang may nagring ng doorbell ulit kaya binuksan ko. Sila Lyn na pala yun, kasama niya si Ann. Tinanong niya pa ako kung bakit daw ako pinababantayan ni Cae kaya pinaupo ko sila agad sa couch. umupo ako sa single sofa sa gilid nila

should I? Should I tell them?

Nag-aalinlangan talaga ako, natatakot kasi ako na baka pandirihan nila ako pero nung nakita ko yung concern na mukha ni Freya at nagtatakang mukha ni Lae at Ann. Bumuntong hininga na lang ako at tiningnan sila isa isa. Pinagpapawisan akong tumayo habang sila sinusundan lang ang bawat galaw ko

"I have something to tell you" sabi ko at tumalikod sa kanila. Nanginginig ang mag kamay kong hinubad ang hoodie ni Cae saka pumikit at hinarap sila

"I'm pregnant, two months pregnant" sabi ko, nakita ko ang gulat sa mga mukha ni Lyn at Ann at ngiti naman kay Freya. Umupo ako at napaiyak na lang

"Guys I'm sorry, kadiri ako dba? kasi nabuntis ako kahit hindi pa ako kasal, ang landi ko, I broke my promise to you all, ang sabi ko pa naman nun na hindi ako mabubuntis hanggat hindi natatapos angpag-aaral ng mga kapatid ko at pag d pa kasal, I'm sorry guys" umiiyak kong sabi, hindi ako makatingin sa kanila. nilapitan ako ni Lyn at niyakap

"Hey, stop it, hindi ka kadiri at hindi ka namin pinandidirihan ok? wala kaming karapatan na husgahan ka kasi it's your life, hindi namin alam kung ano yung pinagdadaanan mo ok? kaya pleaso stop crying" sabi niya habang hinahagod ako. hinawakan naman ni Ann yung kamay ko

"Oo nga Chleo, stop crying, makakasama sa baby mo yan" sabi niya. Tumahan na ako at pinunasan ang mga luha ko.

End of the Chapter Fifteen

Note: Hey guys, long time no update ako hehe. Nagkaroon lang kasi ng ilang problems pero susubukan kong maging active ulit. Sorry pala sa mga wrong spellings at gramatically errors, antok na kasi ako nung sinulat ko toh, ngayon ko lang na-update eh. btw, hope you enjoyed reading! Please be safe everyone and just stay at your houses! lovelots!

-MissVie

My Knight In His Shining DressWhere stories live. Discover now