Sixteen : Ready?

413 17 3
                                    

Chleo's POV

I am sitting in the sofa, beside Cae. Gusto ko nang sabihin sakanya ang totoo since yesterday, kahapon kasi napag-usapan na namin nila Freya na sabihin ko na sa kanilang lahat. I did'nt reveal the father to them yet. Btw, Cae doesn't know na salam na nila Freya at yung pinag-usapan namin. 

Sinabi ko kila Freya na baka ngayon masabi ko na. Gustong gusto ko nang sabihin sa kanya kaso ang hirap eh. In our awkward situation now, ang hirap mag-open ng topic. And ang hirap lalo nang nakikita ko yung mukha niya sa tabi ko. Kahir na ilang inch apart kami, I can tell that he is in a happy mood, kahit na tahimik siya, his face is blooming. Sana ganyan din ako, blooming, walang stress. Just look at him, he looks so happy, I can't ruin that small smile in his face. Baka kapag sinabi kong siya ang ama nito, masira ko yung mood niya. Sino ba naman kasi yung sasaya sa baltang nakabuntis ka, tapos bakla ka, tapos bestfriend mo pa, at higit sa lahat, hindi mo gusto.

Umiling ako at huminga ng malalim. It's time, mas magandang mas mauna niyang malaman diba? At karapatan niya yun kasi anak niya din naman tong si baby. So I need to tell him. Lumingon ako sa kanya

"Cae/Chleo" sabay naming tawag sa isa't isa. nagkatitigan kami. I began to sweat, katakot pala talaga

"W-well, may sasabihin ka ba? mauna ka na, ano yun?" sabi niya. HIndi ko talaga kaya! I shooked my head

"Hi-hindi ikaw na lang muna, HIndi naman masyadong importante sasabihin ko" sabi ko. Well, hindi nga masyadong importatnte, kasi sobrang importante

"O-okay" sabi niya sabay ayos ng upo na nakaharap sa akin.

"Well, may sasabihin kasi ako sa inyo" panimula niya habang nakatingin sa unan sa couch habang pinaglalaruan ito

"Inyo?" ulit ko. Tumango siya sabay ngumiti. Oh, How I've missed taht smile. Kung ano man yang nangyayare sa buhay niya, I'm sure sobrang saya niya, ano kaya yun? kasama ba ako dun? kasama ba kami ni baby dun? impossible, hindi niya nga alam

"Yeah, balak kong sabihin sa inyong lahat, so I was inviting you, sa Chef's paradise" nakangiti niyang sabi. Ngumiti ako ng matamlay saka yumuko para tingnan ang lumalaki kong tiyan sabay haplos. Tiningnan ko siya, nakita ko yung paglungkot ng mukha niya

"Ay, sorry, it's fine, sasabihin ko na lang pag-uwi ko mamaya, or kung gusto mo mauna ka nang maka-alam sa sasabihin ko sa kanila?" sabi niya sabay balik ng ngiti. Napaisip ako, baka mamaya pwede ko nang sabihin sa kanila about my pregnancy? kasi andun naman silang lahat eh tsaka mukhang goodnews yung sasabihin ni Cae. Pagtapos sabihin ni Cae yung sasabihin niya, maybe hindi naman masam kung sabihin ko na diba? ah basta, gustong kong andun ako kasama ang mga kaibigan ko kapag sasabihin ni Cae yung news niya. 

"No it's fine Cae, pupunta ako"sabi ko kaya napangiti lalo si Cae, I smiled back

"Really? eh paano yung tummy mo? for sure mahahalata yan kasi lumalaki na" sabi niya. Umiling ako saka ngumiti

"Don't worry, kung papahiramin mo ako ng shirt or something na malaki sakin pwede na, gumana namn yun kila Lyn" sabi ko kaya tumango siya,

"Tsaka sasabihin ko na lang na umuwi muna ako from our business trip kasi nga may sasabihin ka" sabi ko. Tumawa siya

"Seryoso? gagawin mo kaya yun if ever?" sabi niya. Tumawa din ako

"Oo naman! ikaw pa" biro ko. napangiti ako, namiss ko kasi ito. Yung tawanan lang, yung dating bonding lang, walang secrets, walang stress, walang distance.wala eh, iba na ngayon, kasalanan ko kasi

"Uy,Chleo, may sasabihin ka diba?" sabi niya. napatingin ako sa kanya ta namawis bigla yung kamay ko. shyet

"A-ahh ehh....yung a-ano yun...w-wala" shyet di ko masabi! I cleared my thraot saka ngumiti sa kanya

"Wala yun, gusto ko lang sabihin na..." I looked at him. nakatingin lag siya sakin, waiting for what I'm going to say. shemay toh

"Na...namiss kita beks" sabi ko. He smiled saka niyakap ako. I was stunned. I miss his touched. Niyakap ko siya pabalik, mahigpit, I will miss this. Baka kasi ito na yung huling yakap namin kapag sinabi ko na ang sasabihin ko mamaya. I closed my eyes at pilit na pinipigilan ang mga luha ko na bumagsak. Fudge! bakit ang sakit? Kung ano man ang maging resulta ng ibabalita ko mamaya, wala akong sisihin kundi ang sarili ko lang din, nagpadala ako, nagpadala ako sa nararamdaman ko. Bahala na si lord

"Namiss din kita bakla ka, wag mo na nga akong iwasan, sorry na" sabi niya. I break the hug saka hinawakan ang mga kamy niya

"Caevin, it's fine now, tapos na yun, I already forgave you, tsaka you helped me para magtago right? kaya ok na" sabi ko

"Pero I was the reason kung bakit dinugo ko last time, right?" he asked. I looked at his eyes. I can clearly see that he is very sorry. I smiled

"Ok na yun Beks, oo, may part na nainis ako sayo kasi d ka marunong tumupad sa usapan, but, I understand your reasons, tsaka may mga ilang problems din naman akong iniisip nun, naghalo-halo lang siguro kaya na-stress ako ng sobra" konting pagsisinungaling ko para naman hindi na siya ma-feel bad. Ang totoo siya lang naman ang iniisip ko pati ang baby nung time na yun, I was so stressed kasi nabigla ako sa mga nangyayare sa buhay ko at kung paano ko sasabihin sa kanila. Ngayon, I am ready to face this obstacle in my life at kasama sila, I will never keep a secret from them.

"Pero sorry talga kasi, isa ako sa mga dahilan nun, pero wag ka mag-alala, babawi ako sayo beks, halos ilang months na din tayong di nakakapag-bonding eh" sabi niya habang nakangiti.  I looked at him, he's really happy. sana masaya din siya kapag malalaman na niya na siya ang ama ni baby ko. I smiled then nod

"Oh, wala ka bang lakad ngayon?" I asked. Nanlaki ang mata niya sabay tayo

"Ayy oo meron pala! sige mauna muna ako Chleo, kung makakapunta ka mamaya, message me para ipasundo kita, ok?" sabi niya

"No, it's fine, ako na lang, may pupuntahan din naman ako ngayon, tsaka ano ka ba? may kotse ako noh" sabi ko. he smiled saka tumango bago dali daling umakyat na sa kwarto niya. Sumandal ako sa sofa saka tumingin sa ceiling. Sigurado ako na kapag sinabi ko na yun mamaya ay hindi na ako magse-stay dito. Kelangan na din malaman ng mga kapatid ko yung totoo. Ayaw ko nang palalain yung kasalanan ko, ayaw ko nang magsinungaling.

maya maya pa ay bumaba na si Cae, gwapo talaga, bakla lang. Napabuntong hinga na lang ako. 

"Beks, alis na ako, kita na lang mamaya, bye" sabi niya. Ngumiti ako sabay tango

"Sige, ingat beks" sabi ko. Huminga ako ng malalim saka nag-ayos. Pupunta ako kay freya at tatwagan ko sila Lyn para sunduin ako. Mag-uusap kaming apat. Ready na ba ako? ah basta

Lord, bahala ka na

End of the Chapter Sixteen

My Knight In His Shining DressWhere stories live. Discover now