Chapter 1 - His Cold-Blooded Deep Set Eyes

8.6K 114 5
                                    

"Hey, Osmond!" tawag ni Brye. "Maiba tayo, anong plano mo ngayong Sportsfest? Next month na 'yon!"

Osmond shrugged.

"Bumalik ka na ba sa banda mo?" biglang tanong ni Raffy.

Umiling siya.

"Talaga bang wala ka nang planong bumalik sa banda mo?" tanong ulit ni Brye.

Hindi siya sumagot.

"Psh, let him go," ani Geoff saka umupo. "Basta ako, pakikiligin ko ang mga chicks gamit ang aking malakas na charisma sa basketball."

Napailing si Geoff. He smiled faintly. Tila nauunawaan na nilapitan ito ni Brye.

"Ako rin, dude!" ani Brye saka tumabi kay Geoff at mahinang sinuntok ang tiyan nito. "Ikaw, Raffy?"

"Practice namin mam'ya sa lawn tennis," maikling sagot ni Raffy. "I really hate doubles."

Naiiling na ngumiti si Brye saka tumingin kay Clint.

"May practice kayo mamaya sa football, 'insan?"

Tumango lang si Clint saka tumingin kay Osmond.

Hindi na nagsalita pa ulit si Osmond saka ibinaling sa iba ang tingin.

Weeks later..

Napailing si Osmond habang nakatingin sa tigagal na si Jackie. Hawak-hawak nito ang lawn mower. Nasa townhouse kasi nila ang babae dahil sa kagagawan ni Brye. Pambayad-utang raw itong pag-stay ng babae sa townhouse nila. Napailing siya. Alam niyang ang saya-saya ngayon ni Clint kahit hindi nito ipinapahalata.

"Huh?" biglang tanong ni Jackie. Napatingin siya sa lawn mower na ibinigay sa kanya ni Osmond. Nasa lawn na sila dahil lumabas ang lima't pinasama siya. May pupuntahan daw muna ang lima kaya maiiwan siya pansamantala.

"Lawn mower," maikling pahayag ni Osmond as if stating the obvious.

"I know, what am I supposed to do with this?" taas ang kilay na tanong ni Jackie.

Osmond sighed.

"I bet nakikita mo 'yang mga weeds na unti-unting tumutubo sa lawn namin. You mow it. Simple. I don't mean to be rude" ani Osmond saka nagsimula nang lumakad palayo dahil nasa gate na ang apat pa nitong mga kaibigan.

Napanganga si Jackie. "Unbelievable!"

Napahawak siya nang mahigpit sa lawn mower saka nagsimula na sa pag-mow.

"Ramos," biglang tawag ni Osmond.

Napalingon dito si Jackie.

"RULE # 15: At least try not to get hurt," saad pa ni Osmond.

Nakatingin lang pala ito sa kanya. Taas ang kilay na tinitigan ni Jackie ang binata. Natigilan siya. She was surprised. "Those eyes...napakalungkot."

"Uh, yeah," maikling sagot ni Jackie saka tiningnan ang papalayong si Osmond.

Napailing si Ken. Hawak-hawak niya ang cellphone niya. Tumingin siya sa kanyang mga kabanda.

"Ano raw?" tanong ni Chit. Bassist nila.

Umiling ulit si Ken. "Wala, eh. Hindi na siya sasali sa mga gig ng banda natin. Or worst, parang hindi na siya babalik."

Napatayo si Chit dahil sa inis.

"Really! Ano ba kasing nangyayari sa lalakeng iyon at biglang nag-backout!?" inis na sigaw ni Chit. Tahimik lang ang lahat.

Hindi na rin nakapagpigil si Niall, drummer nila. Nakapamulsang tumungo siya sa pinto ng room na para lang sa banda nila.

PENTA BROTHERS SERIES II - The Broken Strings (OSMOND)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon