Chapter 3 - But She's Not Afraid of Him

2.8K 77 1
                                    

Inis na nilamukos ni Ken ang papel na sinusulatan niya. Hindi siya makapag-isip ng tamang lyrics sa bagong kanta nila. Kung nandito lang sana si Osmond!

Kasalukuyan silang nasa hub ng banda nila na nasa loob lang din ng school nila. Ginawa iyon para sa kanila, maging ang "The Guts" ay meron rin sa kanila. Takang napatingin sa kanya si Niall.

"What?" tanong ni Niall.

"I can't think! Aish!" inis na sambit ni Ken. "If only Osmond--"

"Shut it," galit na sabad ni Niall. "I don't even want to hear his name."

"Niall," maang na saad ni Ken.

Niall shrugged.

"I just don't like him, that's all," ani Niall saka umupo sa sofa na paharap kay Ken.

"Baka naman may rason siya kung bakit--"

"Whatever, iniwan niya tayo sa ere. That's all there is," pinal na saad ni Niall habang nilalaro sa kamay ang drumstick. Maya-maya, lumapit ito sa drums saka hinampas nang hinampas ang drums. Napakabilis nito kung mag-roll, tila wala na itong pakialam.

Tila nagustuhan iyon ni Ken saka sumabay sa beat ng drums ni Niall. He nodded his head, then closed his eyes.

Minutes later, tumigil si Niall to Ken's disappointment.

"What's wrong?" tanong ni Ken.

"Wala lang, I'm just kinda disturbed," ani Niall saka tumayo na't bumalik sa kinauupuan nito kanina.

Nagtaka si Ken.

"Hindi ka ba nagtataka sa tila bagong style ni Lind?" tanong ni Niall.

Biglang sumabad si Chit. "You mean, 'yong Phantom Drummer ng The Guts?"

Walang nagawang tumango nalang si Niall. Chit had overstated it calling Lind as a Phantom drummer. Until now, nahihiwagaan pa rin siya sa totoong pagkatao ng sinasabi nitong Phantom Drummer.

"I think there's a switch, I don't know. Parang ang Lind na nakikita natin, ay hindi 'yong dating Lind na nakita natin many times. I think may sekreto ang The Guts. I just don't know kung ano. But believe me, ibang-iba talaga ang Lind ngayon kesa dati. Masyadong magaling si Lind para magkamali."

"Really?" manghang tanong ni Ken.

"Yeah," sagot naman ni Chit. "I thought I was the only one who noticed. Maybe he's replaced or something, but we don't know. I don't care. Mas poproblemahin ko muna 'tong banda natin, ano?"

Tumango nalang si Niall.

Katahimikan.

"Mamaya, may practice ang banda nila sa gym. After school. Mga 8pm yata," biglang saad ng isang boses. Sabay na napalingon ang tatlo sa nagsalita.

Si Lenard. Ito ang nakatoka sa keyboard ng banda nila. May pagka-badboy image ito. With his spiky hair and unbelievable height, walang sinuman ang makapagsasabing mahinhin pala ito. Many would think that he best fitted to the role as their drummer, ngunit mas gusto nitong sa keyboard ito.

"You're late. AGAIN," iling na saad ni Chit.

"Sorry. May inasikaso pa 'ko," nakangiting saad ni Lenard. "So, wala na talaga si Osmond?"

Kumunot ang noo ni Niall. Sabay na napatingin kay Lenard sina Chit at Ken.

Lenard got it right away.

"Ooopsie," ani Lenard saka dumiretso na sa keyboard niya at ini-on ito.

Napailing sina Chit at Ken.

PENTA BROTHERS SERIES II - The Broken Strings (OSMOND)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon