Chapter 15 - Don't Say It, Sing It

2.7K 68 1
                                    

Two days nalang ay Valentines Ball na. Hindi mapakali si Sam. Magmula nang magkita sila ni Osmond sa cafeteria ay hindi na niya ito nakita pang muli.

She found out na bumalik na ito sa banda. She confirmed it kasi nang muli niyang balikan ang bulletin board ng banda nito ay nakita na niya ang picture ni Osmond kasama ang mga kabanda nito. She couldn't help it, but she's happy.

Nagtataka lang siya sapagkat hindi niya nakitang nagpa-praktis ang banda nito.

Napahawak siya sa sariling noo. Naiiling na natatawa siya sa paraan ng pag-aya ni Osmond sa kanya bilang partner nito.

Maybe, this is just his way of thanking her?

"Nao-obliga lang siya, kasi 'kako tinulungan mo siya," anang isang bahagi ng isisp niya.

Sana hindi. Malungkot siyang ngumiti. Eh, sana nga natutunan na nito ang mga salitang "FEELINGS" at "LOVE".

Pero, malabo 'atang mangyari 'yon.

Kanina pa nakatingin si Raffy sa Les Paul guitar na dala-dala ni Osmond. Nakakunot ang noo nito.

"Anong problema?" tanong ni Brye.

"Something's off with his guitar," ani Raffy na nakatingin lang sa gitara.

"Huh?" kunot na rin ang noong tanong ni Brye saka tiningnan ang gitara. "Wala naman."

Raffy shrugged. "The sticker's a little misaligned. Hindi ganyan 'yan nong una, ah."

Napailing si Brye. Heto na naman. Umaandar na naman ang pagiging perfectionist ni Raffy. Masyado itong 'mapagmasid' sa lahat ng bagay. Kahit pa picture frame nila sa townhouse, kahit kaunting pagka-slant nito, napapansin pa rin. Natatawa siya sa tuwing maaalala niya kung ga'no siya pinagalitan ng kaibigan dahil sa mali niyang pag-park. Hindi raw siya marunong sa accuracy kaya marami ang nakaka-bangga niya kapag nagpa-park. Aba, malay ba niya sa accuracy na sinasabi nito?

"Wag mo na nga 'yang pansinin," naiiling na turan ni Brye.

Raffy shrugged again. "I was just wondering kung ano ang ginawa no'ng babae at pa'no nito napabalik sa banda si Osmond."

Patango-tango si Brye.

Raffy looked at him. "Ang alam ko may kasalanan ka raw kay Osmond."

Tila nabilaukan si Brye saka tumawa. "Eto naman, naniniwala sa mga sabi-sabi. Walaaa..."

Napatingin naman si Raffy kay Geoff. Tila wala ito sa sarili.

"Geoff..." anas ni Raffy.

Brye tapped his shoulder.

"Masaya 'yan. Tinatago lang," Brye sighed. "May partner ka na? Or baka gaya na naman ng dati, uuwi ka na naman nang walang paalam."

Natigilan si Raffy. Mukhang nahalata ito ni Brye.

"I get it," napailing si Brye. "Wala pa rin."

"I won't ask kung merong sa'yo o wala," walang interes na saad ni Raffy.

"Ask me. Eto naman, act like you're interested."

"Oh, meron?"

Brye shrugged. "Marami."

Raffy sighed. "Figured."

"Hey," biglang tawag ni Osmond sa kanila.

Napalingon ang apat sa kanya.

Napakamot sa ulo si Osmond. Tila nag-aalinlangan ito sa sasabihin.

"May sasabihin ka?" tanong ni Clint na tila alam na ang gusto niyang sabihin.

PENTA BROTHERS SERIES II - The Broken Strings (OSMOND)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon