Chapter 6 - Pain, Pain, Go Away

2.7K 55 1
                                    

Tahimik lang sa loob ng hub sina Sam at Osmond. Ni isa man sa kanila ay walang gustong magsalita. Nakatingin lang sa malayo si Osmond na para ba'ng wala si Sam kasama niya.

Hindi naman mapakali si Sam. She didn't know what to do. Bigla tuloy siyang nagsisi kung bakit pa siya sumunod dito. Maraming pasa sa mukha si Osmond. Kahit walang kwentang tao ito, hindi niya pa rin maatim na iwanan ito sa ganoong sitwasyon. Bigla siyang napatingin sa kanyang cellphone.

Osmond suddenly turned his head to Sam when he heard a familiar song. Intro pa lang ay alam na niya ang title ng kanta.

"Hmm, yeah... Four letter word, but I don't have the guts to say it,

Smile, 'til it hurts, let's not make it complicated

We got a story, and I'm about to change the ending..."

Napabuntung-hininga si Osmond. It was a song by Boys like Girls. It's one of his favourites- "Be Your Everything" ang title ng kanta. He remembered he sang that song during their presentation for the Valentine's Day, one year ago. He closed his eyes and listened to the song. Right after he listened to it the first time, he fell for it instantly.

"I'll be your shelter, I'll be your storm,

I'll make you shiver, I'll keep you warm

Whatever weather, baby, I'm yours

Be your forever, be your fling

Baby, I will be your everything..."

Nagulat siya nang biglang tumayo si Sam. Bigla itong tumungo sa pinto at nagmamadaling lumabas.

Napatingin siya sa mesa. Nandu'n pa rin ang cellphone ng babae at nanatiling naka-play ang music. He shrugged. For sure, babalikan din 'yan ng babae.

Ilang minuto pa ang lumipas ay nakabalik na agad ang babae. Napakunot-noo si Osmond nang makita ang dala-dala ng babae.

He doesn't need to ask kung para saan ang dala-dala nitong ice at isang maliit na bowl. It seemed to him that she's gone to the clinic. At kung saan niya ninakaw ang ice? He doesn't want to know.

"What are you gonna do with that?" biglang tanong ni Osmond.

Napatingin si Sam sa kanya na waring sinasabing, "Para sa pasa mo, stupid!"

"Sa tingin mo?" balik-tanong naman ni Sam.

"Akin na 'yan," tila naiilang na saad ni Osmond.

Amused na tumingin ulit si Sam sa lalake.

"Don't worry, hindi kita re-reypin. Ako na," walang gatol na saad ni Sam saka lumapit sa lalake matapos niyang ilagay ang ilang piraso ng ice sa panyo niya.

Halatang nagulat si Osmond sa sinabi ni Sam. At that moment, Sam wanted to laugh out loud. Kitams? She rendered him speechless. Tila nawala ang angas ng lalake sa pagkakataong 'yon.

"Stupid. I can do it," naiiritang saad ni Osmond saka tumayo at pilit na inaagaw sa babae ang panyo nito.

"And..." humina ang boses ng lalake. "...and, I don't want you near me."

Natigilan si Sam. Sabi na nga ba! Todo iwas parin siya upang hindi makuha ng lalake ang panyo. Halatang ayaw nitong mahawakan siya. Halatang naiinis ito. She didn't know, but when she saw Osmond as irritated as he was, she finds it cute. Gosh! Nakita na rin niya sa wakas ang nahihiyang mukha ni Osmond!

PENTA BROTHERS SERIES II - The Broken Strings (OSMOND)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon