Chapter 4 - He, Cold-hearted; She, Broken-hearted

2.5K 72 1
                                    

Nakalabas na sina Osmond sa cafeteria. Napakaraming tao sa paligid at hindi iyon ang tamang lugar para pagsabihan ang makulit na babae na kasama niya ngayon.

He continued to walk habang nakasunod naman ang babae sa kanya. Wala siyang pakialam kung paminsan-minsan ay naiiwan ito dahil sa bilis niyang lumakad.

Nakarating rin sila sa lumang office na tambayan ni Osmond. Pumasok sila.

Hindi nagsalita ang babae.

"You..." naiiritang sambit ni Osmond.

"M-Me?" kandautal na saad ni Sam. Kinakabahang tumingin si Sam sa lalake.

"Why do you always show up at places you are not supposed to go?"

Sam cleared her throat again. Tila nainis na yata si Osmond.

"M-Masama bang batiin kayo?" nakayukong tanong ni Sam.

Maang na napatingin dito si Osmond. For heaven's sake! This woman is so stupid for crying out loud! Wala man lang ba itong isip? O di naman kaya ay hiya?

"Yes. I don't know you. Bakit ba napakakulit mo?" naiinis na tanong ni Osmond.

Hindi sumagot si Sam.

"Aalis na 'ko," malamig ang boses na saad ni Osmond. "And don't even try to follow me. Don't ever try."

Akmang aalis na si Osmond ngunit biglang nagsalita ang babae.

"You see, I'm serious when I told you that I'll do everything just to make you go back to your band," hindi na nakatiis na saad ni Sam.

"That is none of your business," kalmado pa rin na saad ni Osmond. Talagang naba-badtrip na siya sa babaeng 'to.

Biglang may kinuha si Sam sa bulsa nito. Napamaang siya sa nakita. Picture nila iyon ng banda nila one year ago. Kumpleto silang lima sa picture. Nasa gitna pa nga siya ng apat pa niyang kabanda.

Napayuko ulit si Sam.

"I really want to see you play. AGAIN. I know this is a little weird, but... I really like your voice, and I somehow missed it," napakamot sa ulo si Sam. "Uh, it may seem selfish, pero..." biglang tumingin si Sam sa lalake. "...gusto kong marinig ulit ang BOSES mo!"

Napaatras si Osmond.

"Ano bang problema mo?" tanong ni Osmond.

He didn't know, but he suddenly hates this woman in front of him.

"I don't know what's really going on with you," malumanay na saad ni Sam. "But, you had your own way of... calming me. I-I mean, you're voice... i-it's..."

Hindi makapagsalita ng maayos si Sam. She always says things na hindi niya pinag-iisipan. And its always happening, but, she didn't regret anything.

"Stay out of my way..." sa halip ay saad ni Osmond na matalim ang titig sa babae.

Hindi nagsalita ang babae.

"I have no plans of going back..." Osmond said in a very mild tone.

"Liar," mahinang saad ni Sam. Malungkot itong tumingin sa wristbands nito.

Tumaas ang kilay ni Osmond. Suot na naman nito ang wristbands nito.

"I'd better go," ani Osmond. "This would be the last time that I'll see you."

Iyon lang at nagmamadaling umalis ang lalake.

Ilang minuto pa ay umalis na rin si Sam sa lumang office na 'yon. Paglabas naman niya ay saktong nakita niya si Trey at si Cheena na nagho-holding hands habang patungo sa cafeteria.

PENTA BROTHERS SERIES II - The Broken Strings (OSMOND)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon