Latched
Delafuente's Clan
Sunday.
Hindi na ako nagtaka noong pagkagising ko ay bumungad sa akin ang mga aligagang maids sa mansyon at ibang mga event organizer na inaayos na ang kabuuan ng bahay. Mommy is throwing a big party later for her birthday.
Humikab ako habang bumababa sa hagdan dala-dala ang isang box, suot ang itim na jacket ni Kaizen while the zipper is open, revealing my sando and panty. Sanay narin naman sila sa akin dahil madalas akong ganito lalo na't mas komportable akong naka panty short lang. Sumulyap pa sa akin ang iilang organizer nang makita ako pero hindi ko nalang pinansin.
Itinuro naman ni Manang Letty ang aming pool area, naroon ata si Mommy at Kaedy.
Nagtungo agad ako roon at tumakbo pa para mabilis na makarating. Pagkalabas ko, tumatawa si Mommy habang may isinusukat na jewelry.
"This is so elegant, honey! Thank you!" ani Mommy sa kumikislap na mga mata habang nakaupo silang dalawa sa aming patio, facing the pool.
Nagtungo ako sa likuran ni Mommy. Si Kaedy ang nakapansin sa akin lalo na't busy rin si Mommy sa kanyang ginagawa. Niyakap ko siya sa kanyang likod na bahagya pang nagpagulat sa kanya.
"Happy birthday, Mommy... I love you." Hinalikan ko ang kanyang pisngi.
Nilingon ako ni Mommy kaya ngumisi ako at ibinigay sa kanya ang box. I saw how she got excited lalo na't tumaas pa ang kanyang kilay at binitiwan saglit ang bigay ni Kaedy.
"Thanks. Is this expensive? Kaedy bought a very elegant pearls for me... At total malaki na ang income mo, dapat ay afford mo narin ang mamahaling bagay," aniya habang binubuksan ang mahabang box.
Kaedy and I both know Mom loves necklace and bags. I can't afford her obsession with bags kaya napili ko nalang ang necklace.
Tumabi ako kay Kaedy. Sumimsim siya sa kanyang kape habang pinapanood ang pagbubukas ni Mommy. Kinabahan naman ako lalo na't hindi iyon gaanong kamahalan pero maganda naman ang quality ng necklace at may meaning pa.
"Oh..." Kinuha iyon ni Mommy. "How much are these?" Itinapat niya iyon sa kanyang leeg.
"Uh, 70k?"
"70k?" Kumunot ang noo ni Kaedy nang inilapag na ang kanyang mug.
"Marami kanang projects ah? You can buy her expensive things, Keyla. I bought her an elegant pearls ranging from 100k and up. I mean... Tinitipid mo ba si Mommy?" Bahagyang tumawa si Kaedy.
Ngumuso ako at hinaplos ang aking buhok. Si Mommy naman ay ibinabalik na iyon sa box at itinabi.
"Well... It doesn't matter naman 'di ba? My love for Mommy is unconditional at materyal na bagay lang naman 'yan." Nagkibit ako.
Good mood palagi si Mommy pag birthday niya lalo na't ayaw niyang mastress kaya nung tumango siya sa akin ay napangiti na ako.
Tumawa naman si Kaedy.
"It matters, Keyla. Lalo na't may malaki kanang career. Dapat ay hindi ka madamot sa mga blessings na natatanggap mo," aniya.
"I just donated my money-"
"Stop it, you two..." Pinutol ako ni Mommy saka siya ngumiti kay Kaedy. "I'm going to wear your necklace later. I'm sure my friends will notice it..."
Ngumisi naman si Kaedy.
"You know how much I love you, Mom. 100k thousand is nothing compared to what you've done to me..."
"Aw... I love you, Kaedy." Inabot ni Mommy ang kanyang kamay at marahan iyong pinisil.
BINABASA MO ANG
L A T C H E D (NGS #4 Ineryss' Version)
RomanceThe "unbothered" model from the famous family of actresses will use a Delafuente to cover up her issue. Keyla is a wellknown bratty model for having a rebellious attitude. Latching on to Kaizen will put her from the top and will boost her career. Iy...