19th Latched

110K 4.1K 2K
                                    

Latched

Babae Ko

Umalis rin naman kami sa table nila Mommy at pumasok sa loob ng bahay. Mas marami roon ang mga kaedad namin, puro mga models at may nakikita rin akong mga circle of friends ni Kaedy.

"Keyla!" Tinawag ako ni Hailey, pinsan ni Raiden na nakasuot ng itim na long dress.

Ngumiti agad ako sa kanya. She's with Kaedy's friends.

Pansin na pansin ko kung paano lumuwa ang kanilang mga mata kay Kaizen.

"You look so effing pretty!" Pinasadahan ako ng tingin ni Hailey, mula ulo hanggang paa.

"Thanks, Hailey... Uh, si Kaizen pala. Boyfriend ko," pagpapakilala ko.

"I know him, Keyla. He's Ken's cousin." Humagikhik siya nang banggitin ang pinsan ni Kaizen.

Nilingon ko saglit si Kaizen pero ibinalik ko rin naman kay Hailey.

"I know you two are just faking your relationship since nabanggit ni Raiden sa akin ang totoo and I can keep it as a secret, don't worry..." Kumindat pa siya sa akin saka ibinalik ang tingin kay Kaizen.

"Sayang hindi mo sinama si Ken," aniya at isinabit ang hibla ng buhok sa gilid ng tainga.

"Hindi na masyadong mahilig ang pinsan ko sa ganito katao. Sinukuan niya na ang mga party," sagot ni Kaizen.

Nagulat naman si Hailey.

"Totoo pala talaga iyong bali-balitang wala na siyang interes sa ganoon? That's very shocking since napaka active ni Ken when it comes to parties," aniya.

"Ewan ko sa kanya." Nagkibit si Kaizen, halatang ayaw nang magsiwalat ng kung ano-ano.

"Enjoy the party Hailey," sabat ko na at hinila si Kaizen.

Nagpasya akong magtungo sa aming kusina. Gusto kong doon nalang kami kumain ni Kaizen para kaming dalawa lang since puno ang bawat sulok ng aming bahay.

"Gusto mong pumunta sa kwarto ko?" tanong ko sa kanya pagkarating namin sa kusina. Naroon rin kasi halos ang mga katulong, aligaga rin.

Nilingon ko si Kaizen at nagulat na. Nang mapagtanto ko ang aking sinabi ay bahagya akong natawa.

"I mean, sa balkonahe ng kwarto ko, Kaizen. Doon tayo kumain since ang crowded," sabi ko sa kanya na ikinakalma rin ng kanyang ekspresyon.

"Sige... Ikaw ang bahala, Keyla," sabi niya at nag-iwas ng tingin, namumula na naman ang pisngi.

Ngumisi ako at sumulyap kay Manang Letty.

"Pakidalhan po kami ng pagkain sa kwarto ko. Doon nalang kami kakain ni Kaizen, Manang..."

Tumango naman agad ito kaya hinila kong muli si Kaizen paalis sa kusina. Deri-deritso na kami sa hagdan para makarating sa ikalawang palapag ng aming bahay. Dumeritso kami sa kuwarto nang madaanan ko ang kuwarto ni Kaedy. Nasa loob ba siya? Since open din ang lights but whatever, nilagpasan nalang namin iyon ni Kaizen.

Pumasok kami sa loob at hindi ko na isinara ang pinto para makapasok agad si Manang Letty mamaya. Kaizen stop at my door, halos ayaw atang pumasok ng buo.

"Bakit?" Tumawa ako nang mapansin ang kanyang ekspresyon.

Binasa niya ang labi at umiling. Tumawa naman ako saka ko hinubad ang aking pumps at nakapaang nagtungo sa balkonahe. Binuksan ko ang transparent door at nilingon si Kaizen na nakatitig lamang sa akin.

"Come here, Kaizen..." tawag ko.

Ilang sandali lamang ay naglakad rin naman siya papunta rito habang nakapamulsa. Iniwas ko ang tingin sa kanya at nagtungo sa mga upuan na nandito.

L A T C H E D (NGS #4 Ineryss' Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon