37th Latched

122K 3.5K 951
                                    

Latched

Familiar

"Nababaliw kana talaga, Keyla!"

Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa boses ni Yezhxia. Namalayan ko nalang na kanina pa pala ako tulala rito.

Humablot siya ng bathrobe at dinala iyon patungo sa akin. Ang agad niya pang napansin ay ang table arrangement.

"Baka mawili na ang mga room attendant sa kakahatid ng breakfast dito dahil sa mga pambungad mo," aniya at inilahad sa akin ang roba.

Hindi ako kumibo at isinuot na lamang iyon. Binakante niya ang isang upuan at umupo na habang pinapasadahan ng tingin ang pagkain.

"Kahapon pork chop with egg lang 'yon ah? Bakit parang lumevel-up ang breakfast natin ngayon?" tanong niya, tinutukoy ang klase klaseng ulam na nakahain na. Chicken curry and afritada with fruits huh?

Ngayon ko lang rin napansin lalo na't masyado akong tutok kay Kaizen kanina.

"At may pineapple juice pa 'tsaka pancake. Inakit mo ang mga empleyado 'no?" Pinandilatan niya ako ng mga mata.

I realized that... the food are all my favorites.

Umiling ako at hinaplos ang aking buhok.

"I didn't do anything..."

"Naakit iyon sa'yo kaya ayan, level-up na ang breakfast natin. Try mo kayang h'wag magpanty at baka bukas lechon na ang kakainin natin?" Humagikhik siya at nagsalin ng pineapple juice.

Weird... Bakit naisipan niyang siya ang maghatid? Baka naman...

May nagdoorbell ulit. Suminghap ako at napalingon doon. Kumalabog ang aking dibdib, hindi agad nakapagsalita lalo na't nauna nang tumayo si Yezhxia dala dala ang isang slice ng apple at nagtungo roon.

Lumunok ako at pasimpleng inayos ang sarili. Itinuon ko ang tingin sa labas para hindi masyadong halata na nag-aabang lamang ako.

"Uhm, yes?" tanong ni Yezhxia, hindi halatang nagulat.

So... It's not Kaizen? Assuming, Keyla!

"Nandiyan ba si Keyla Rocales?"

"Uh yes... She's my cousin," saka ako nilingon ni Yezhxia.

Tumayo ako at nagtungo roon. Nilakihan lalo ni Yezhxia ang pagkakabukas ng pinto hanggang sa bumungad sa akin ang imahe ni Cholo sa labas, laglag panga nang makita ako.

"Gaga ka! Ang ganda ganda mo na!" Tumili siya at mabilis na pumasok.

"Cholo!" Lumaki agad ang aking ngisi.

Mabilis siyang nagtungo sa akin at niyakap ako. Gumanti ako ng yakap at natawa.

"Jusko, Keyla! Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa'yo! Gusto kitang saktan pero nangingibabaw ang pagkamiss ko sa'yo!" sabi niya nang humiwalay na sa akin.

Ngumisi ako.

"You can do both, you know..."

"Hay nako! Saan ka ba pumunta? Grabe wala akong alam kung saan ka nagtago!"

Isinara ni Yezhxia ang pinto at nagtungo ulit sa mesa.

"Join us, Cholo," sabi ko at nagtungo rin doon.

Sumunod naman siya, halatang gusto na agad makipagkuwentuhan sa akin.

"Ito nalang akin total busog pa ako," sabi niya, tinutukoy ang pineapple juice kaya tumango ako.

"Ano na! Dali! Magkwento kana! Grabe ka, Keyla... Nang-iwan ka bigla! Saan ka galing?" Usisa niya, titig na titig sa aking mukha.

"I went to France and nag-aral ako roon," tangi kong sabi.

L A T C H E D (NGS #4 Ineryss' Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon