Untold Part

136K 3.8K 988
                                    

Latched

Kaizen Red

"Oh my gosh, Kaizen Red! Is this for real?! Kasal na ba ang sunod nito?!"

Humalakhak si Daddy sa naging reaksyon ng aking ina nang ibalita ko sa kanila ang panliligaw ko kay Keyla at ang plano kong dalhin ito rito kasama ang kanyang pamilya para makilala rin nila ang aking pamilya.

"Humihingi lang ako ng permiso, Mom..."

"Malay mo Mom, buntis na pala si Keyla," si Blue na ikinalingon ko sa kanya lalo na't ang lapad pa ng mukha.

"Kasal muna, Red," ani Daddy sa akin sa seryosong boses.

Tumango naman agad ako at sinapak ang dibdib ng aking kambal na humagalpak lamang.

It's the tradition of our family that we need to embody. Their main rule is to respect girls, like how Mommy and Elle deserve it. Don't enter into a relationship if you're not serious. Don't kiss or touch a girl if you're not planning to become her man. Don't play with their feelings. Don't hurt a woman.

"Baka iyang si Blue ang mas makaunang may mabuntis, Dad. May kinalolokohan pa naman at mukhang hindi siya type," pangungutya ko kaya napalitan ng busangot ang kanyang pagsasaya kanina.

"That's offending," aniya.

"Sino, Kuya?" sulpot naman bigla ni Elle rito sa kusina.

"Si Red ang topic natin dito ah? Ba't napupunta na sa akin?" reklamo ni Blue at nakamot ang batok.

"Baka kung anu-anong kalokohan na pala ang ginagawa mo sa Bar. Careful Blue," ani Dad.

Humalakhak ako lalo na't napasimangot na siya sa bagay na iyon.

Pinakilala ko si Keyla sa kanila. She's nervous at first, but she carried it so well.

Kaya pagkatapos noong dinner at nagsiuwian narin ang mga Rocales ay napatingin nalang ako kay Elle at kay Mommy.

"Masyado kayong obvious kaninang dalawa, Mom," sabi ko.

Nanlaki naman ang mga mata ni Mommy.

"Huh? Eh bakit? I did my best to treat Keyla's sister nicely!"

"Ako rin naman, Kuya!" si Elle.

Nailing si Daddy.

"Noong nakaraan pa iyang pangt-tsismis niyo ah? Parang pinagplanuhan niyo talaga itong dalawa."

Sa tinginan palang nila kanina sa mesa, halatang parehas lang sila ng iniisip tungkol kay Kaedy.

"I think there's nothing wrong with her," si Blue na hawak pa rin ang isang wine glass habang ang isang kamay ay nakabulsa.

"Duh Kuya! She's flirt! H'wag ka ngang maging mabait sa babaeng iyon!" Umirap si Elle.

"Your mouth, Brielle," saway ni Dad.

Sumimangot si Elle. "Totoo naman talaga. She's texting Kuya Red and I think she's flirting him."

"Don't call her names, Elle," si Blue.

Tumango-tango ako habang nakabusangot na ng husto ang aming kapatid.

Hindi ko pinapatulan ang mga text ni Kaedy na puro pangungumusta lang rin naman lalo na't ayaw ko ring mag-away kami ni Keyla. Kaya noong tumawag siya nang ilang beses sa gabing iyon ay sinagot ko nalang dahil baka may problema rin.

"Thank God Kaizen..." aniya sa kabilang linya, medyo garalgal ang boses.

Umupo ako sa kama at yumuko habang hinahawakan ang aking buhok. Ang alam ko nasa Paris sila ah?

L A T C H E D (NGS #4 Ineryss' Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon