38th Latched

114K 3.3K 1.6K
                                    

Latched

Sunrise

Ginising ko Yezhxia para sabay kaming makapagbreakfast. She's complaining how she hurt her back lalo na't sobra niya ring nadala kahapon sa pinaggagawa niya.

May nagdoorbell sa hapong iyon. I am not expecting any guest, just Cholo or perhaps it's Kaizen?

"Nagpakuha ka ng room service for massage?" tanong ni Yezhxia, tinutukoy ang dalawang babaeng dumating.

Umiling ako pero naalala ang pag-uusap namin ni Kaizen.

"Papasukin mo nalang. I badly need it," sabi ko.

Tumango si Yezhxia at pinapasok ang dalawang babae. Iyon ang ginawa namin buong araw, nagpamassage at nagrelax. Ni hindi na tinanggap ng dalawang babae ang aming bayad and told us full package na raw ang ibinayad sa kanila ng kung sino. We got everything from facial massage up to foot massage!

"Nagtataka na talaga ako ha..." ani Yezhxia sa akin, nanghihinala na ang boses.

Parehas kaming nakakulob habang tanging puting sheet lamang ang nakatakip sa aming katawan.

"Ano?"

"Feeling ko may lalake ka talaga eh. Someone's spoiling you..."

Umirap ako sa kanya at ayaw pag-usapan ang bagay na iyon.

Kinagabihan, hindi inaasahang bisita naman ang dumalaw sa akin. Kaedy smiled at me when she saw me, may dalang wine suot ang isang body hugging dress na kulay peach at naka bun ang buhok.

"Nabanggit ni Mommy sa akin na dito ka raw nanunuluyan at dumating kana raw," ani Kaedy nang papasukin ko siya.

"Yes. Last week pa ata," sabi ko.

Dumeritso siya sa sofa at inilapag sa mini table ang dalang wine. Si Yezhxia naman ay pasulyap sulyap lamang sa amin, hindi alam kung babatiin ba si Kaedy o ano.

"I was very busy with our tour since may mga Mall shows ako kaya ngayon lang kita nabisita," sabi niya sa malambing na boses, walang pinagbago ang mukha at ang katawan.

Tumango ako at tipid na ngumiti.

"Okay lang..." sagot ko at isinabit ang buhok sa gilid ng aking tainga. "I am not expecting you'd show here anyway."

Makahulugan ang titig niya ngunit iginala rin ang tingin. Kinuha ko naman ang wine at tiningnan. It's a hard drink and this is very expensive.

Inilapag ko ang wine. Tiningnan ko saglit si Yezhxia na nakatingin sa likod ni Kaedy saka ako binigyan ng kakaibang tingin.

"Anyway... Did you see my Billboard with..."

"With Kaizen?" dugtong ko sa normal na boses.

Tumango siya, ngumiti na ng matamis.

"Ang sabi ni Mommy binanggit niya na raw sa'yo. Kaizen is my loveteam, Keyla..."

Umupo ako sa isa pang sofa, nakaharap sa kanya.

"Kayo na ba ni Kaizen, Kaedy?" tanong ni Yezhxia, ngayon lang naisipang mag-ingay at ganoon pa ang naisip na itanong.

Nilingon siya ni Kaedy at marahang natawa. She even blushed na nagpaangat ng kilay sa akin pero agaran ko ring binawi.

"Uhm... Si Kaizen nalang ang tanungin niyo since... Nahihiya ako sa mga ganyang bagay."

"Bakit si Kaizen pa? Nahihiya kang aminin na walang kayo?" tanong ni Yezhxia sa inosenteng boses.

Kaedy just smiled at her. Humalukipkip naman ako sa upuan at hinaplos ng bahagya ang aking buhok. I don't like this conversation...

"Mas gusto ko kasing private nalang ang relasyon para wala masyadong issue," ani Kaedy.

L A T C H E D (NGS #4 Ineryss' Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon