31st Latched

107K 2.7K 1.3K
                                    

Ruined

"Kaedy. Can we talk for a second?"

Paakyat na sana siya nang magkasalubong kami sa hagdan ng bahay. Ang agad kong napansin ay ang kanyang mga mata na mukhang kakagaling lamang sa iyak. Hindi pa rin ba tapos ang taping?

"Not now, Keyla. I'm tired, and I just went home to change. H'wag mo muna akong guluhin," malamig niyang tugon at nagpatuloy ulit sa paglalakad.

No, I want to talk to her. Ilang araw na kaming hindi nagkakausap, simula noong dumating siya rito.

"Gusto ko lang makipag-usap sa'yo ng masinsinan kung bakit mo tinawagan si Kaizen at sinabing nagkabalikan kami ni Raiden," deritsahan kong sagot sanhi para tumigil siyang muli sa baitang ng hagdan.

I saw how her face turned mad when she glanced at me again. Dala ang galit na mukha ay bumaba siya, tila apektado sa aking sinabi.

"Bakit... Ikaw lang ba ang marunong tumawag? Nagtatawagan rin naman kayo ni Raiden, ah? Akala mo hindi ko alam?" Tumigil siya sa aking harapan.

"Oo nagtatawagan kami pero hindi kita sinisiraan sa kanya katulad ng ginagawa mo-"

"Oh liar..." Tumawa siya ng matabang at hinawi ang naka half ponytail niyang buhok papunta sa likuran.

"Halatang sinisiraan mo ako kay Raiden, kaya ayaw niya nang makipagbalikan sa akin, Keyla! Don't you fucking lie to me!" she spat.

Nalaglag ang aking panga. Akala ko ba walang sila? Akala ko ba publicity stunt lang?

"Akala ko ba publicity stunt lang?"

"It's not the issue anymore! Gumaganti ka sa akin at pasimpleng nilalandi si Raiden para maagaw ulit siya. Inagaw ko lang naman siya sa'yo di ba?"

"Why would I even let that trash back into my life?" I scoff in disbelief.

Her eyes stung at me. Tumitig rin ako pabalik ng matapang sa kanya.

"At bakit ka ngayon nagagalit kung tinatawagan ko si Kaizen? I was just telling him the truth! Takot ka na lang niya ang totoo? Na may komunikasyon na ulit kayo ni Raiden!"

"Because he isn't your man, Kaedy! I am mad because you're calling my man!" sigaw ko sanhi para maiwang nakaawang sa ere ang kanyang bibig.

"I don't care if you're just being friendly! I don't care if you're just being a well-mannered young lady! I don't fucking care, just stay away from my man!" Tumaas baba ang aking balikat, halos kumuyom ang aking kamay sa sling ng aking bag.

"Don't talk to me like that. Ako pa rin ang panganay sa ating dalawa kaya h'wag mo akong sinisigaw sigawan!" Tinuro niya ako, ang mga mga ay nanlilisik na sa galit.

"Hindi purket panganay ka ay ikaw na palagi ang tama, Kaedy. Gusto kitang respetuhin bilang kapatid ko pero putangina, layuan mo ang pagmamay-ari ko!"

She stepped back, eyes wide and very shocked. Nilamon na ako ng galit. Lahat ng aking hinanakit, lahat ng inipon ko sa loob ay parang bulkang sumabog. Gusto kong linawin ang lahat.

"Pinalampas ko iyong nalaman kong tago niyong relasyon ni Raiden, Kaedy. Pinatawad agad kita kahit na hindi ka man lang humingi ng tawad sa akin! I told myself to move on since Raiden and I were over. Pero kung ipagpapatuloy mo ang paglapit lapit kay Kaizen, katulad ng ginagawa mo kay Raiden, hindi ko na iyon mapapalampas. Have some decency and stop acting like a bitch!"

Itinapon niya ang kanyang purse na agarang gumawa ng ingay.

"Why are you so scared? If Kaizen is a faithful man, then he will never cheat on you! He will never let you get broken!"

L A T C H E D (NGS #4 Ineryss' Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon