22nd Latched

113K 3.4K 559
                                    

Latched

Selosong Seloso

Naging busy rin naman ako sa photoshoot ko sa Moonchild after our warm talk. Nagmyday nalang ako ng picture namin ni Kaizen sa instagram habang nakayakap ako sa kanya suot ang kanyang jacket na may tatak sa likod ng mamahaling brand at nakatingin naman siya sa akin.

"Oh, ba't ka nakangiti riyan?" puna ni Cholo nang mamataan akong nakatitig sa screen ng aking cellphone sa hapong iyon.

"Look..." Ipinakita ko ang picture namin ni Kaizen na ginawa kong black and white.

Nagkasalubong ang kilay niya.

"Masyado bang maiksi ang short mo... o nakapanty kana naman sa loob ng jacket na 'yan?"

Ngumisi ako sa kanya at binalewala ang kanyang tanong. Nailing siya.

It's my break so nagpapahinga muna ako. Later ay may lakad ulit kami ni Cholo to meet someone.

"Buti hindi tinigasan si Kaizen..." aniya.

"He's not an asshole." Umirap ako at nagscroll muli.

"Gaga! Lalake parin iyan at hindi pempem ang meron siya-"

"Shut-up." Tumawa ako.

"Totoo naman ah? Baka di mo alam sobra na iyong nagcontrol para lang walang tumusok..."

Ngumisi na lamang ako. "Whatever Cholo."

"Pero halatang may something na talaga sa inyo eh... Ikaw lang itong hindi nagkukwento," aniya at sinulyapan ang ilang staff na may inaasikaso sa dulo.

"May something fishy talaga lalo na't umuwi agad si Raiden noong party ng Mommy mo. Parang badtrip..." dagdag niya pa.

Isinabit ko ang aking hita sa isa ko pang hita at pinasadahan ng haplos ang aking buhok.

"I broke-up with him," I said flatly.

Namilog agad ang kanyang mga mata, hindi makapaniwala.

"Nabagok ka? Ba't bigla kang nagising?" he asked me dramatically, getting some attention of the staff.

Nakangiti na lamang akong napairap at chi-neck ang text ni Kaizen.

Kaizen:

Let's meet later.

Nagtipa ako.

Ako:

Sure

"Edi, kayo na?" tanong ni Cholo, ang ngisi ay abot batok na, lumagpas na sa tainga.

"I'm not sure but we have a 'thing'..."

"Huh? 'Thing'? Ano iyan? Bagay lang kayo pero hindi kayo?"

Umirap ako. "Basta yun na 'yong pagkakaintindi ko sa meron kami ngayon."

Dismayadong dismayado si Cholo lalo na't naiiling pa.

Nawala rin naman si Cholo noong nagsimula ulit akong magshoot para sa huling photoshoot ko ngayon. Ang sabi sa akin ng ilang staff, kasama niya ang mga boss at nasa office sila to discuss the theme for my commercial.

"Ang alam ko ipapares ka raw sa isang lalake eh," ani Dianne, isa sa mga make-up artist na nagreretouch sa aking mukha.

"Sa commercial?" tanong ko.

She nodded.

"Okay lang ba sa'yo ang pinapares sa lalake? Hindi naman siguro ganoon ka senswal lalo na't baka ilabas sa Philippine TV ang commercial mo," aniya.

L A T C H E D (NGS #4 Ineryss' Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon