Latched
Kaizen Red
"Dapat kasi, bago umalis ay pinakasalan mo muna. Ngayon, saan mo iyan hahanapin?"
Sinalo ko ang aking mga luha habang pinapanood ang video niya sa airport na dinudumog ng mga fans at tinatapunan ng kung ano-ano. She looks so weak and helpless! Kung naroon ako, marahil ay nasigawan ko na ang lahat at ang bawat lalapit sa kanya ay maitutulak ko sa sobrang galit.
Hindi ko sinagot ang aking kakambal na nasa aking tabi lamang. Ang hirap alisin ng aking mga mata sa nangyayari kay Keyla.
How can they hurt her like she made their lives miserable? I don't believe that scandal! Hindi iyon si Keyla! Kahit wala akong malaking ebidensya sa inaakusa sa kanya ay malakas ang tiwala ko na hindi iyon siya.
"Si Keyla ba iyon, Kuya?" tanong ni Elle, ang hikbi ay agad na tumakas.
Pinalis ko ang luhang nalaglag ngunit ang iilan ay pumatok na sa hawak kong cellphone. Nabasa ang screen habang nanginginig ang aking balikat sa sobrang galit dahil sa ginawa nila kay Keyla.
"Hindi siguro, Elle," si Blue na ang sumagot.
"Then why are they accusing her?! We can help!" si Elle sa desperadang tinig.
"That's what we're going to do but for now..." Naramdaman ko ang paninitig ni Blue sa akin, ang mga mata niyang naninimbang na hindi ko na nilingon pa.
Pag nalaman ko talaga ang totoo, wala akong sasantuhin. Mananakit ako alang alang sa kapakanan ni Keyla.
Given her image in showbiz, she's fierce and rebellious. It wasn't the first time she got into big trouble, and her name would always be one of the most talked about because she's indeed worth the attention.
"Ang gulo talaga ng showbiz." Nailing ang aking kambal habang kapwa kami nakaupo sa countertop ng umagang iyon ng Miyerkules, kumakain.
Tiningnan ko ang palabas sa tv lalo na't nakaharap siya roon at nakahilig sa countertop habang ako itong maayos ang pagkakaupo.
Ipinalabas doon ang isang modelo na nalilink sa isang artistang lalake.
"Pumasok lang sa condo iba iba agad ang naiisip ng mga tao," aniya, ang mukha ay lumulukot.
Ipinalabas doon ang iilang picture ng modelong inaakusahang may issue. Sumipol agad si Blue nang may iflash sa screen na isang pose nito na sobrang daring. Umangat naman ang aking dalawang kilay.
Siya na naman? Noong nakaraang buwan ay laman din siya ng news dahil sa isang issue at ngayon siya ulit. Sa rami ng kanyang issue, isa talaga siya sa laman ng showbiz news.
"This girl is really a trouble maker..." ani Blue, ang lapad na ng ngisi. "Wagas rin iyang makasayaw roon sa Bar eh. Balak pa sanang pormahan nila Silas kaso baka masabit sa mga issue kaya iniiwasan nila."
Tumitig ako ng husto sa screen ng tv nang mailabas siyang muli roon. The girl has an innocent face with a fierce eyes, as usual. Ang kanyang buhok ay maalon at sobrang liit ng mukha. Nanunuya palagi ang kanyang ngiti sa interview, nanghahamon ang mapupulang labing iyon ng gulo na matapang niyang pinaparinggan on cam.
Wicked smile. Golden brown eyes. Freckles. Angelic face. She embody the word perfection. Walang kapintasan sa anggulo niya.
"Siya rin ata iyong nagviral dahil tinawag na turon ang kanyang co-model?" Natatawang sambit ni Blue.
Hindi ako makaconcentrate sa kanyang sinasabi nang lumabas na sa telebisyon ang pagmumukha niya. She's very soft spoken and she really has an appealing smile.
BINABASA MO ANG
L A T C H E D (NGS #4 Ineryss' Version)
RomansaThe "unbothered" model from the famous family of actresses will use a Delafuente to cover up her issue. Keyla is a wellknown bratty model for having a rebellious attitude. Latching on to Kaizen will put her from the top and will boost her career. Iy...