Latched
Galit
I enjoyed watching the sunrise with Kaizen. Tahimik lamang kaming dalawa habang tinatanaw ang magandang umaga ng araw na iyon. We haven't talked much, but I felt content with our small interactions. Maybe we can be friends, at least?
Humihikab na si Yezhxia nang pumasok ako sa aming kuwarto. Kinusot niya ang kanyang mga mata at tiningnan ang relo.
"It's already 7:30. Napanood mo?" tanong niya sa akin habang umuupo sa kama.
Tumango ako at ngumisi.
"I captured a perfect shot..."
"Talaga? Patingin!"
Ipinakita ko sa kanya ang aking kuha. Namilog ang kanyang mga mata.
"This is so pretty! Ang ganda ng sunrise!"
Mas lumawak lamang ang aking ngisi, namamangha sa sarili kong kuha.
"Wait... Who's this guy? Ang perfect ng shot mo, Keyla! Dumagdag sa magandang view ang silhouette ng lalake!"
"I met a friend while watching the sunrise..."
"Friend? What name? Guwapo ba? Mala Kaizen? Baka iyan na ang magiging lalake mo!" excited niyang sabi na ikinailing ko nalang.
"Pack your things since we're leaving. Lilipat ulit tayo ng isla," sabi ko na ikinatango niya naman.
We went next to Mamon Island. It's a relaxing beach island at sobrang nakakamangha ang coral formation ng isla idagdag pa ang sobrang linaw ng tubig. Hindi ako masyadong naligo lalo na't kulang pa ako sa tulog. Si Yezhxia lamang ang nagbabad at ako pa ang ginawang photographer.
Sa mahigit isang linggong pagtatravel sa Siargao, inisa-isa namin ang magagandang tourist destination doon. We went to Mapupungko Pool with a crystal clear water, Bucas Grande- also known as Sohotan Cave and enjoyed their twin caves, Magkukob cave where we got surrounded by baby bats, and Daku Island, where I saw Kaizen again.
Magtitinginan lamang kaming dalawa, kung wala naman akong ginagawa ay lalapitan ko siya at kakausapin saglit. Hindi kami masyadong nagsasama dahil may parte rin sa akin na iniingatan ang reputasyon nila ni Kaedy, as a loveteam.
Funny huh. Ano 'to? Nauulit ang cycle sa nakaraan? And the disrespect I got from my sister, instead of doing it back for revenge so she could taste her own medicine, is not on my mind. Kaya bakit ganoon ka dali kay Kaedy noon ang lumagpas sa linya at hayaan akong masira? Ngayong kahit gaano ka tindi ang galit ko sa nakaraan, hindi ko man lang siya kayang ilagay sa sitwasyong alam kong ikakadurog niya.
"Ang guwapo noong vocalist oh!" ani Yezhxia, tinutukoy ang mga foreigner na kumakanta dito sa Buddha Surf Resort.
Tumango lamang ako at hindi iyon masyadong pinagtuunan ng pansin saka ko iginala ang aking mga mata. I'm sure he's here too since I told him Yezhxia and I will went here in Buddha Resort. Malay mo sumunod...
"Saan ka pupunta, Keyla?" tanong sa akin ni Yezhxia nang tumayo na ako at gustong maglibot libot.
"Magpapahangin," sabi ko.
"Magpapahangin? Hindi pa ba sapat ang hangin dito? Bagyo ba ang hinahanap mo?"
Tumawa ako at hindi na sumagot sa kanyang tanong. Nagsimula akong maglakad lakad.
Medyo maraming tao at abot na abot parin dito ang kanta.
Naglakad lakad lamang ako hanggang sa naramdaman kong may humawak ng aking braso. Bago pa ako makareact ay nagpakita na si Kaizen sa akin.
BINABASA MO ANG
L A T C H E D (NGS #4 Ineryss' Version)
عاطفيةThe "unbothered" model from the famous family of actresses will use a Delafuente to cover up her issue. Keyla is a wellknown bratty model for having a rebellious attitude. Latching on to Kaizen will put her from the top and will boost her career. Iy...