12th Latched

105K 3.6K 777
                                    

Latched

It Hurts

"Thank God!" Nakahinga agad ako ng maluwag nang matapos ang aking shoot.

"Ang saya-saya! Dadalawin mo na ang boyfriend mong si Kaizen?" Nanunuya ang boses ni Cholo sa akin habang naglalakad ako patungo sa fitting room to change my clothes.

"Inggit ka ba?" Nilingon ko siya at nginisihan.

"Sige lang... Ipagpatuloy mo 'yan Keyla nang maadik ka!" Tumawa siya kaya umirap ako.

"Whatever!"

He mimicked my 'Whatever' in a most oa way kaya mas lalo lamang akong natawa.

I wore my tulle symphony dress paired with black boots. Sinuklay ko ang nakalugay kong buhok habang lumalabas dala-dala ang aking maliit na purse kung nasaan rin ang aking cellphone.

"Sexy mo. Baka maakit si Kaizen at mang-init 'yon lalo... I mean mas lumala ang lagnat," ani Cholo, hindi na matigil-tigil sa mga hinala niya.

Tumawa ako. "Shut-up. Kaizen is not a dirty as you think."

"Oh... Kabisado..." Sumunod si Cholo sa akin.

Kumaway ang ilang staff sa akin, nagpapaalam na kaya ganoon rin ang ginawa ko. Cholo bid some goodbyes too pero nagmadali ring sumunod sa akin.

"Isama mo ako. I want to see my baby... Ako nalang ang magpapainom ng gamot kay Kaizen."

"No," agaran kong sabi habang patungo kami sa parking lot kung saan naghihintay ang aking service.

Mas lumawak lamang ang ngisi ni Cholo.

"Ayan... Ipinagdadamot na. Nambabakod kana," saka siya tumawa.

Bahala nga siya kung ano iyang isipin niya. Nakokonsensya lang talaga ako since Kaizen is really nice to me and it's my fault kaya siya nagkalagnat. I'm just doing him a favor...

Pagkarating namin sa parking lot, nagsitayuan agad ang mga nakaabang na reporters at kanya-kanyang takbo patungo sa akin. Mabilis akong inalalayan ni Cholo. Kinuha ko ang aking itim na glasses at isinuot iyon lalo na't panay rin click ng kanilang mga dalang camera.

"Padaanin niyo siya ng maayos, please," ani Cholo habang pinoprotektahan ako.

"Keyla! Anong masasabi mo roon sa tweet ng isa sa mga modelo sa Sweet collection at pinapatamaan kang iresponsableng modelo?" tanong noong isa sa mga reporter.

"Walang binanggit na pangalan kaya pwedeng hindi iyon si Keyla," ani Cholo.

"Keyla, ano namang masasabi mo sa leaked photo ng kapatid mong si Kaedy? May relasyon ba sila ng kalove-team niyang si Raiden?"

"Keyla. Bakit hindi mo kasama ngayon si Kaizen? Hiwalay na ba kayo?"

"Keyla. May relasyon ba ang kapatid mo at si Raiden? Totoo ba ang hinala ng mga fans?"

Ayokong magbigay ng opinyon kaso naalala kong pwede na rin itong pangpromote ng loveteam ng dalawa nang mas magwala ang fans at maexcite sa kanila.

"Malakas makakutob ang mga fans," tangi kong sinabi at ngumisi.

Malapit na kami sa kotse kaya mas tumindi ang kanilang mga tanong at halos makisabay na sa akin sa paglalakad.

"Anong masasabi mo sa leaked photo ni Kaedy, Keyla?"

"Hmm... Since she said it's a mosquito bite then it's a mosquito bite lalo na't sensitive talaga ang skin ng kapatid ko. Konting kamot lang namumula agad." I said and smiled.

L A T C H E D (NGS #4 Ineryss' Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon