Latched
Ulan
"Keyla... Pinapatawag ka ng Mommy mo sa ibaba. Sabayan mo raw sila sa dinner," ani Manang.
Tumayo agad ako at mabilis na isinuot ang aking indoor slipper. Tapos na ako kanina dahil sanay naman akong late silang nagdi-dinner ni Kaedy dahil busy sa taping pero natutuwa ako dahil niyayaya ako ni Mommy na sumabay sa kanila.
Excited akong bumaba. Sinenyasan nalang ako ng katulong na nasa kitchen na sila kaya deri-deritso na akong nagtungo roon.
"Hi Mommy, Kaedy!" Lumapit ako kay Mommy at hinalikan ang kanyang pisngi saka ako tumabi kay Kaedy na seryoso ang mukha.
"Kumusta ang taping?" tanong ko habang pabalik-balik ang tingin sa kanilang dalawa.
Tiningnan ako ni Kaedy sa seryosong mukha.
"Bakit mo 'yon ginawa sa'kin Keyla?" tanong niya sa malungkot na boses.
Kumurap ako at nagtaka. "Did what?" Tumawa ako at kumuha na ng pagkain.
Mommy's eyes were telling me I did something disappointing again.
"Siniraan mo ako sa show ni Miss Angelica kanina. What were you thinking? Madalas akong nag gi-guest doon..." aniya sa dismayadong boses.
Kumunot ang aking noo sa labis na pagtataka. Si Mommy naman ay dinampot na ang table napkin at pinunasan ang labi, handa nang magsalita.
"Anong... I did nothing wrong, Kaedy-"
"You told her na wala akong hilig sa pagluluto," giit niya at pinutol ako, ang mukha ay nababahiran na ng iritasyon.
Nanatiling nakaawang ang aking labi dahil sa biglaan niyang pagsingit. Nang mapagtanto ko ang kanyang sinabi ay natawa ako.
"Huh? Wala namang nagbigdeal noon, Kaedy... And totoo naman talaga na wala kang hilig sa pagluluto-"
"Hindi mo naiintindihan, Keyla. Noong nag guest ako roon ay sinabi kong mahilig akong magluto. At ngayon na sinabi mong wala akong hilig, pinalabas mo akong sinungaling! Paano kung hindi na ulit ako imbitahan doon para mag guest? Malapit na kaming magpromote ng movie, Keyla," giit niya.
"Wala namang nagbibigdeal Kaedy. Ikaw lang ata..." sabi ko at bahagyang tumawa.
Mom's eyes sharped at me. Inilapag niya ang basong ininuman niya kanina at nasa akin na ang mga mata.
"Bakit ba palagi kang nagmamarunong, Keyla? Mali ang ginawa mo sa kapatid mo sa guesting mo kanina. Imbes na ibida siya para matulungang ipromote ang upcoming movie niya ay siniraan mo pa. Ang tangi mo lang bukambibig ay ang sarili mo roon," ani Mommy, ang talim ng tingin sa akin ay halos tumagos na sa aking likod.
Namutla ako habang si Kaedy naman ay bigong-bigo ang mukha.
"Ganiyan na ba ang ugali mo purket umaangat kana? Sisiraan mo na ang kapatid mo for what? Para ikaw na ang mas mapansin? Isn't that selfish, Keyla?" galit na bigkas ni Mommy.
Nabitiwan ko ang aking mga kubyertos.
"Eh Mommy hindi naman po si Kaedy ang inimbitahan para si Kaedy ang maging bukambibig namin sa buong show-"
"Shut-up you brat! Hindi mo ba alam ang salitang promote, Keyla? Dapat mas binida mo pa ang kapatid mo para may exposure ang ginagawa nilang movie! Ni hindi mo man lang nabanggit at puro sarili mo ang ipinagmamayabang mo roon!"
Napatalon ako sa gulat dahil sa pagsigaw niya. Mabilis akong yumuko at pumikit. Ang aking mga kamay ay napunta na sa aking kandungan, natatakot nang magsalita dahil baka masampal ako.
BINABASA MO ANG
L A T C H E D (NGS #4 Ineryss' Version)
RomanceThe "unbothered" model from the famous family of actresses will use a Delafuente to cover up her issue. Keyla is a wellknown bratty model for having a rebellious attitude. Latching on to Kaizen will put her from the top and will boost her career. Iy...