23rd Latched

110K 4K 3.7K
                                    

Latched

As Friends

It's sunday. Maaga akong nagising lalo na't pinatawag ako ni Mommy na sabayan sila ni Kaedy sa breakfast.

Nagtungo rin naman ako roon, suot ang nipis na longsleeve and my pantyshort. Ang mahaba kong mga biyas ang agarang sinulyapan ni Kaedy nang sumulpot na ako roon.

"Keyla," Mom smiled at me.

"Morning Mom..." Nagtungo ako sa kanya at hinalikan ang kanyang pisngi. Sinulyapan ko rin ang aking kapatid. "Morning..."

Tumango si Kaedy at ngumiti.

Umupo na ako. Napagod ako kahapon sa photoshoot kaya halos humikab pa ako sa hapag. Uminom ako ng juice para maibsan ang antok at kumuha ng pancake 'tsaka hotdog.

Mas mahilig ako sa pancake bilang breakfast lalo na't doon rin ako nasanay noong bata pa ako. Daddy used to bake some pancakes for me...

"I heard mas nadagdagan ang mga iniendorse mo ah," si Mommy.

Tumango ako at sumulyap sa kanya.

"Kaya nga Mommy..."

"You're doing good. Kaizen is such a blessing to you..." si Mommy.

Nagsimula akong sumubo. Si Kaedy naman ay pasulyap-sulyap kay Mommy, tila may hinihintay na sasabihin nito.

Uminom ng tubig si Mommy at pinunasan ang bibig ng table napkin pagkatapos.

"Keyla... Is Kaizen free later?" tanong niya bigla na ikinatigil ko sa paglalagay ng maple syrup sa aking pancake.

"Uh, it's sunday. Baka nasa simbahan sila ng family nila, Mommy..." sagot ko at sumulyap kay Kaedy na sumubo.

"Wow... He's a religious person. Kaya pala ganoon ang ugali, magalang at mabait," aniya.

Ipinagpatuloy ko ang pagbubuhos ng maple syrup hanggang sa umagos na iyon sa plato lalo na't dalawa ang pinagpatong patong ko. Itinigil ko iyon lalo na't nagsalitang muli si Mommy.

"Invite him later to come over for dinner," si Mommy.

Hindi agad ako nakasagot lalo na't masyado pa akong nagugulat.

"Text him Keyla," si Kaedy naman at ngumiti sa akin.

"Uh, I will... Later," sabi ko at sumulyap muli kay Mommy na matamis na ang ngiti.

"Don't forget, Keyla. Magpapahanda ako ng marami mamaya to welcome him in our family since malaki-laki narin ang naitulong niya sa'yo. At least we'll show him that we're grateful for his help. Baka sabihin ni Kaizen na wala tayong utang na loob..." si Mommy at ginalaw muli ang pagkain.

"Hindi naman ganoon si Kaizen, Mommy. Don't worry." Ngumiti ako at sumubo narin ng pancake.

"Invite him later so we can thank him. May point rin naman si Mommy. Baka hindi natin alam iba na pala ang iniisip ni Kaizen. Baka feeling niya inaabuso mo na siya pero hindi niya lang masabi lalo na't mabait siyang tao," ani Kaedy at pabirong tumawa.

I smiled, too.

"Kaizen is not like that..."

Nagkibit si Mommy.

"We don't know, Keyla. We don't know..."

Nag-iwas ako ng tingin sa kanila at tahimik na kumain. May parte sa akin ang naeexcite sa balak ni Mommy na iwelcome si Kaizen sa pamilya namin katulad ng pagtrato niya kay Raiden pero may parte rin sa akin ang nangangamba. I'm torn between saying yes to Mommy's favor or just say some alibi para hindi makapunta si Kaizen dito. But I know I will upset her if I make some excuses. 'Tsaka mukhang excited rin siya lalo na't iyon din ang topic nila ni Kaedy, kung ano ang mga ipapaluto at kung saan sa parte ng bahay magaganap ng dinner mamaya.

L A T C H E D (NGS #4 Ineryss' Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon