21st Latched

109K 3.7K 3.1K
                                    

Latched

Finally

Dispose him, Keyla.

Ugh. Napairap nalang ako sa text ni Raiden kinaumagahan pagkagising ko. Nagtipa ako ng mensahe.

Ako:

You're the one I need to dispose, Raiden. We already broke-up. Bye.

Saka ko siya b-in-lock. Lumabas ako, only wearing my sando at panty. Papunta na sana ako sa kitchen nang makita ko sa may patio sa pool area si Kaedy and she's having her breakfast. Wala siyang shoot ngayon?

Sinenyasan ko nalang ang maid na doon narin ako kakain saka ako nagtungo palabas.

Umupo ako sa kanyang harapan. Halatang sabog ito dahil sa hangover kagabi. She's having some soup wearing a bathrobe at di pa naliligo because of her messy hair.

"Morning," I greeted her.

She smiled lightly. "Good morning..."

Humilig ako sa round rable at tiningnan ang kanyang soup.

"Ang sakit ng ulo ko. Naparami yata ako kagabi," reklamo niya at hinaplos ang noo.

"Ang wasted mo kagabi." Ngumisi ako sa kanya.

Kumurap siya, tila walang maalala.

"T-Talaga?"

Tumango ako at isinabit ang ilang hibla sa gilid ng aking tainga.

"You stripped and pulled Kaizen into the pool," paalala ko sa kanya na sanhi para mamilog ang kanyang mga mata.

"I... I did that?!"

Tumango ako at mas lumawak ang ngisi.

"Nagbelly dance ka pa nga," sabi ko.

Namula ang kanyang pisngi. Nag-iwas siya ng tingin sa kahihiyan at uminom muli ng soup.

"Okay lang naman ang ganoon Kaedy since you're already 20..." sabi ko.

"Nakakahiya parin. Natangay na ata ako ng alak kagabi," she mumbled.

Tumango-tango ako. Ganoon rin naman ako pag sobrang wasted ko na.

"Pakisabi kay Kaizen na... salamat sa pagkarga sa akin. Hindi naman ako mabigat." Tumawa siya kaya tumawa narin ako.

"Naaalala mo pala ang part na 'yan?" bigla kong tanong na marealize ang kanyang sinabi.

She got shock pero agaran ring kumalma.

"Sinabi lang ng katulong sa akin... Wala na kasi akong maalala sa pinaggagawa ko kagabi. Nakakahiya naman kay Kaizen," aniya at humigop muli ng soup.

Pilit kong itinatak sa utak ko na mas matanda si Kaedy sa akin at dapat ko siyang respetuhan, na wala ako sa lugar para pangaralan siya. Pero hindi naman siguro masama kung pagsabihan ko siya, right?

"Um Kaedy..." I called her seriously.

"Hmm?" Inilapag niya naman ang kubyertos at tiningnan narin ako.

Dumating si Manang Letty, may dala-dalang tray kung nasaan ang aking breakfast na pancake at pineapple juice. Inilapag niya iyon saka rin naman umalis.

"Ano 'yon, Keyla?" tanong niya muli.

"I know you're drunk pero ayoko lang na ganoon ka kay Kaizen." Kinagat ko ang labi ko.

Her eyes narrowed at me pero ilang sandali lamang ay humagalpak na siya.

"Wait... Pinagseselosan mo ba ako?" Mas lalo siyang tumawa sa aking sinabi habang ako itong hindi siya masabayan.

L A T C H E D (NGS #4 Ineryss' Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon