"Diploma"

14 1 0
                                    


"Diploma"

"Hindi ka magtatagumpay sa buhay!"

Masakit man pakinggan pero iyon ang naging inspirasyon niya para magbanat ng buto tuwing gabi at magsumikap maglakad ng halos tatlong kilometro araw-araw para pumasok lang sa paaralan. Ayaw niyang matulad sa karamihan ng kanyang mga kaedad na kung hindi nag-asawa sa murang edad ay nakontento na lang maging katulong sa Maynila.. Maliit man siya sa paningin ng karamihan, mataas naman ang pangarap na mayroon siya. Hinding-hindi niya makakalimutan ang araw na lumuwas siya ng Maynila para pag-aralin ng kanyang Tiyahin. Nakayuko lang siya habang sipit ang maliit na bag na kinalalagyan ng kanyang mga damit habang nasa unahan naman ang tatay niya na buhat ang isang malaking plastik na may lamang kalabasa at mais. Wala itong imik mula pa nang malaman nitong aalis na siya. Hindi kasi ito payag na umalis siya pero hindi siya nagpapigil. Kakayanin niyang malayo sa pamilya alang-alang sa pangarap na mayroon siya.

"Oy, saan ang punta natin, Fe?" pasigaw na tanong ni Aling Grace sa kanya. Sa tono pa lang ng boses nito ay halata na ang pang-uuyam, tonong katulad sa pang-iinsulto nito sa nanay niya sa tuwing hindi ito nakakabayad ng utang. May sipit itong sigarilyo sa mga daliri at kaharap ang ilang bote ng serbesa. Araw-araw na lang yata itong lasing mula nang sunod-sunod na mag-asawa ang anim nitong anak na babae na sinundan pa ng bunsong anak na lalaki na nag-asawa naman ng isang babaeng nakilala nito sa isang sikat na kabaret sa kabilan bayan.

"Sa Maynila po, Aling Grace." sagot niya kahit na ayaw pa sana niya kaso ayaw niyang may marinig na namang negatibong tsismis tungkol sa kanya.

"Maynila?" umismid ito. "Naku, Frederiko sinasabi ko sa iyo, ihanda mo na ang iyong sarili na maging Lolo dahil tiyak na uuwi 'yang buntis matapos ang ilang buwan."

Tumungo lang ako. Baka kasi kapag sumagot pa siya ay luha na ang kasunod niyon. Mahina siya sa mga ganyang bagay. Nasasaktan siya kapag sinasabihan siya ng masasakit na salita.

"Iba si Fe, Grace." maikling sagot ni Tatay na ikinatuwa niya. "Sige, una na kami."

"Mabubuntis 'yan. Ipupusta ko ang kalahati ng lupa ko." hindi na lang nila ito pinansin.

Tahimik na lang ulit kaming naglakad hanggang sa sakayan ng jeep. Paalis na ako pero tahimik pa rin si Tatay. Hindi man lang ito sumagot nang nagpaalam na ako. Gusto ko tuloy maiyak. Gusto ko siyang yakapin at sabihin na magtatapos ako ng pag-aaral pero nakaramdamdam ako ng pagkailang.

"Fe..." nagulat siya nang bigla itong magsalita.

"Kapag hindi mo na kaya, tumawag ka lang kay Tiya Amy mo at susunduin kita." anito sabay hakbang patalikod.

"Opo, Tay." nakangiti kong sagot. Bilang gumaan ang pakiramdam ko. Nadagdagan ang kompyansa ko sarili sa simpleng hagubilin lamang nito. Iba pala talaga ang epekto ng salita na galing sa magulang. "Pangako ko po, hindi ako babalik dito sa atin ng walang dalang diploma." kahit nakatalikod ay tumango lang ito.

Gusto niyang maiyak sa nagbalik na kahapon sa kanyang gunita. Nakatayo siya ngayon sa harap ng kanilang maliit na barong-barong, ang munting tahanan na siyang saksi kung paano sila pinalaki ng maayos ng kanyang Nanay at Tatay. Kakatok na sana siya pero biglang bumukas ang pintong kawayan at iniluwa niyon ang isa sa taong ang tagal na niyang gustong makita at mayakap ulit.

"F-Fe?"

Ngumiti siya rito. "Kumusta po?"

"Ikaw ba talaga 'yan?" hindi makapaniwalang usal nito. "Dikoy! Baba ka rito, bilis!" tawag nito kay Tatay.

"Sino ba 'yan at-" tulad ng nanay niya ay para bang nakakita rin ito ng isang aparisyon.

"Tay, Nay." hindi na niya napigilan ang sariling yakapin ang dalawa ng mahigpit. Halos ayaw na niya ang mga itong bitawan dahil natatakot siya na baka nasa loob lang siya ng isang napakahabang panaginip na isang iglap lang ay maglalaho at babalik sa reyalidad na senaryo ng buhay.

"Bumalik ka." garalgal ang boses na sabi ng tatay niya matapos ang isang mahabang yakapan. Mula kasi ng umalis siya ni minsan ay hindi siya nakauwi at halos limang taon din bago niya muling nakita ang mga ito.

"Punasan mo nga iyang luha mo, Dikoy. Para kang uhuging bata sa kalsada." biro ng Nanay niya. Natawa tuloy siya. "Alam mo kasi, Fe. May kumakalat na balita rito sa atin na ano ka araw. Paano ba ire? Hindi ko alam kung paano ko sasabihin." kinuha niya ang mga kamay nito at ngumiti.

"Alam ko po iyon at alam ko rin kung paano nagwala si tatay sa harap ng bahay nina Aling Grace. Wala na po akong pakialam sa nakaraan dahil mas importante ang ngayon at kung ano ang naghihintay sa atin sa hinaharap. Mas matimbang po sa akin na malamang may tiwala kayo sa akin. Ang tiwala niyo na kasingtibay ng adhikain kong mabigyan kayo ng magandang buhay."

"Hindi ka man lang tumawag sa amin. Isang beses ka lang nagpadala ng sulat." himig nagtatampong saad ng tatay niyang nagpupunas pa rin ng luha sa mata.

"Pasensya na po. Halos wala po kasi talaga akong libreng oras doon maliban na lang kapag oras na ng pagtulog. Ibang-iba po ang buhay sa Maynila."

"Ano ka bang matanda ka? Kung kailan ka tumanda ay doon ka naging matampuhin. Hindi ba dapat ay ipaghanda na muna natin ng makakain itong si Fe?"

"Sandali, kukunin ko muna sa kulungan ang isang tandang natin." tatayo na sana ito pero agad niya itong pinigilan.

"Huwag na po. Hindi naman po kasi ako magtatagal dito."

"A-aalis ka kaagad? Kadarating mo lang, Fe. Hindi ba pwedeng magtagal ka naman dito sa atin kahit ilang araw lang?"

"Una sa lahat, gusto ko po munang humingi ng tawad dahil gustuhin ko mang manatili rito ay kailangan po ako doon sa Maynila. Doon ko na po kasi balak tumira kasama ang mga importanteng tao sa buhay ko at gusto ko pong bumalik na kasama kayo."

"May asawa ka na? Bakit hindi mo man lang sinabi?" gulat na tanong ng nanay niya, habang ang tatay naman niya ay sabay na nalaglag ang dalawang balikat. Wala na ang galak sa pisngi na kanina lang ay para bang hindi na matatanggal pa. Lahat ng saya ay naglaho na parang bula. Alam niyang magugulat ang mga ito. Pero ito ang kabayaran sa lahat ng hirap na nalagpasan niya. Muling nanumbalik sa kanyang isipan ang nakaraan.

Noong una ay balot ng pangamba ang buo kong sistema lalo na ng kailangan pa niyang sanayin ang sariling magsalita ng tagalog. Noon lang niya nakilala ang bunsong kapatid ng Nanay niya at hindi niya alam kung paano ito pakisamahan.. May mga panahon na pumapasok na sa kanyang isip na umuwi na lan kasi hindi na niya kaya pero maalala pa lang niya ang magaspang na palad ng Tatay at sunog na balat ng Nanay niya, agad niyang tinatapik ang sariling balikat. Sinasabi niya sa sarili na wala pa sa kalahati ng hirap ng mga magulang ang pinagdadaanan niya.

Minsan, gustong-gusto niyang hilahin ang buwan para gabi na at magkakaroon na siya ng oras para umiyak. Iniiyakan niya ang mga bagay na ngayon ay alam na niya ang dahilan kung bakit siya binigyan ng Maylalang ng ganoong pagsubok, para ihanda siya sa mas mahirap na parte ng pagiging tao.

Habang tumatagal, ang mahirap na parte ay nagiging madali lalo na kung hindi mo hahayaang lunurin nito ang iyong isip. Ang malulungkot na sandali ay napalitan ng matibay na loob. . Dahil sa buhay, dapat handa kang harapin ang katotohanang, kapag mahina ka, hindi mo malalagpasan ang napakaraming pagsubok. Dapat malakas ang loob. Dapat mataas ang tiwala sa sarili at pursigido sa bwat hagupit ng malupit na bagyo ng buhay. Ang buhay ay isang napakasamang bangungot at oras na magising ka na sa katotohanan na ikaw ang gumagawa ng sarili mong kwento.

"Kung pwede po sana, doon na tayo dumaan sa sa harap ng bahay nina Aling Grace?" Hindi pa rin niya sinasabi ang totoo sa mga ito.

"Kung iyan ang gusto mo." Hindi pa rin ang mga ito gaanong umiimik. Hindi na niya pinadala ang mga ito ng maraming damit. Tahimik lamang silang naglalakad.

"Uy Fe? Ikaw na ba yan?" Tulad ng dati, alak pa rin ang nasa harap nito. "Kumusta? Ilan na ang anak natin?" sabi nito kasunod ng malakas na tawa.

Nakangiting lumapit siya sabay abot ng isang piraso ng papel. "Maayos po ang lagay ko, Aling Grace. Siyangapala, isasama ko na po sila Nanay at Tatang sa Maynila para doon na tumira. Tapos na po ako sa pag-aaral at kasalukuyang nagpapatayo ng sariling negosyo roon. At ang papel na hawak niyo ang aking diploma." aniya sabay harap sa kinaroroonan ng mga magulang na hindi makapaniwala sa narinig. Iyon ang sorpresa niya sa mga ito. Isang bagong buhay. "Siyanga pala, salamat po dahil isa kayo sa mga tao na naging inspirasyon ko. Ni minsan ay hindi po ako nagtanim ng sama ng loob s dahil ipinamulat niyo po sa akin ang katotohanan sa buhay. Maraming salamat po.

Hindi ito nakapagsalita ngunit may butil ng luha na tumulo sa mga mata nito. 

The Missing StoriesWhere stories live. Discover now