Car Accident

9 1 0
                                    


Car Accident

"Shit!" mura niya habang tumitingin sa unahan. Halos isang oras na yata siyang stranded sa highway na iyon pero hindi man lang umuusad ang mga sasakyan. Nabibingi na rin halos siya sa ingay ng katabing ambulansya na hindi na rin makadaan. Kung nasa bingit ng kamatayan ang nasa loob niyon, tiyak na hindi na iyon aabot pa sa ospital. Naiinis na tiningnan niya ang oras. Kalahating oras na siyang late sa appointment niya. Tiyak na hindi na niya makukuha ang deal na iyon. Kanina pa panay ring ang kanyang cellphone pero hindi na niya sinasagot dahil alam naman niyang sesermunan lang siya ng kanyang boss."Potek na buhay naman." Gigil na hinampas niya ang manebela.

Ilang minuto pa bago umusad pero ilang segundo lang marahil ang itinagal. Hindi na niya mabilang kung ilang beses siyang nagmura. May nasigawan pa siyang isa dahil sa ingay ng busina nito. Muli siyang napamura nang tumunog ang kanyang cellphone.Boss niya ang tumatawag. Hindi niya alam kung sasagutin niya ba o hindi pero sa bandang huli ay sinagot na lamang niya. Isang malutong na mura ang kanyang natanggap.

"Sorry po, Sir. Traffic kasi."

"Kailan ba nawala ang traffic sa Maynila, Mark? Sana inagahan mo! Ano ba! Kahit elementary students alam 'yan! Alam mo naman kung gaano kaimportante ang kliyenteng kikitain mo tapos babagal-bagal kang kumilos?"

"Sorry po talaga, Sir. Hahanap po ako ng shortcut."

"Dapat lang. Pasalamat ka at napaki-usapan ko si Mr. Leorido na maghintay pa ng kalahating oras. Siguraduhin mong makakarating ka dahil wala ka nang babalikang trabaho kapag hindi naisara ang deal na 'to, naiintindihan mo ba?"

"Yes, Sir."Napabuga siya ng hangin matapos itinapon sa backseat ang cellphone. "Bwisit talaga." Nakahinga lang siya ng maluwang nang makita ang signage na nagsasabing shortcut papuntang Hotel na kanyang destinasyon.Agad siyang nnamainobra pakaliwa.

Maliit lang ang shortcut na kanyang nakita. Hindi sementado at mukhang nag-iisa lang siyang tinatahak ang daang iyon dahil wala naman siyang nakakasalubong na sasakyan. Masukal ang magkabilang gilid at may nakatanim na mga puno ng niyog. Mas lalo niyang binilisan ang pagpapatakbo, wala naman na kasing huhuli sa kanya. Mas importante sa kanya ang makarating sa tagpuan nila ni Mr. Leorido sa loob ng tatlumpong minuto dahil kung hindi, siguradong sa kangkungan siya pupulutin ng kanyang pamilya.

"Shit!" napamura siya sabay kabig ng manebela para iwasan ang humaharurot na kotse na mukhang sa direksyon niya tatama. Nasa lugar na kasi siya kung saan mahirap makita kung may papasubong na sasakyan. "Kung mamalasin ka nga naman, tsk!" Naiwasan nga niya ang kotse ngunit bumangga naman ito sa isang puno ng niyog. Mabuti na lang nakapreno pa siya at hindi demeritso sa isa ring puno ng niyog. Agad siyang bumaba para tulungan ang mga sakay ng kotse.

"T-Tulong...." Umuusok ang unahan ng kotse at sa loob niyon ang isang babae. Duguan ito at maraming dugo sa mukha. Dali-dali niyang binuksan ang kotse at sinubukan itong hilahin palabas ngunit hindi pa dumampi ang balat niya ay agad na itong sumigaw sa sobrang sakit.

"Sandali, Miss. Tatawag ako ng tulong."

"A-Ang baby ko... paki-usap iligtas mo siya..." natigilan siya sa narinig. Bumaba ang kanyang mata sa mga kamay nitong nakahawak sa tiyan na para bang pinoprotektahan ang sanggol na nasa loob niyon.

"O-oo, sikapin mong huwag kang mawalan ng malay, okay?" nanginginig ang mga kamay na nagtipa siya ng numero ng pulis. Ilang segundo lang ay may sumagot naman sa linya.

"Good morning. Police Station, how can I help you?" sagot ng babaeng nasa kabilang linya.

"Tulong! May naaksidente dito sa Kamyas Street. Ang shortcut na daan papuntang Hodor Hotel. Please pumunta kaagad kayo rito dahil malubha ang kalagayan ng babae at isa pa buntis siya."

The Missing StoriesWhere stories live. Discover now