Kulay Dugong Grado

9 1 0
                                    


Kulay Dugong Grado

Marahan siyang umupo sa kanyang kama at napabuga ng malakas na hangin bago binuksan ang sulat galing sa Inang niya.

Nanginginig ang mga kamay na pinunit niya ang dulo ng sobre at malakas ang tahip ng dibdib na sinimulang basahin ang nilalaman niyon.

"Nak, sabik na kaming lumuwas diyan para sa araw ng pagtatapos mo. Nanghiram kami ng tatlong libong piso kay Kapitana para ibili ka ng bagong barong kaya huwag ka nang mag-aalala sa susuotin mo. Sabi pa ng tatang mo ay maglilitson daw kami ng manok at dadalhin diyan. Masyado siyang sabik sa pagtatapos mo. Gab, pinasaya mo ng labis ang Nanang at Tatang dahil nagawa mong tapusin ang kolehiyo kahit na naghihikahos tayo. Siyanga pala, sunduin mo kami sa pantalan sa darating na linggo. Hindi namin kabisado ang pasikot-sikot diyan at baka maligaw pa kami. Huwag mong kalimutan na magpasalamat sa Diyos. Mahal ka namin.- Inang at Tatang."

Biglang lumabo ang paningin niya sa nabasa. Hindi niya namalayan na ang mga luhang kanina'y nag-aamba pa lang ay tuluyan nang dumaloy sa kanyang pisngi. May kung anong kirot siyang nadama sa dibdib. Bawat titik ay parang matulis na bagay na tumutusok sa kanyang buong sistema. Pakiwari niya ay isa siyang sundalong nasa gitna ng labanan na biglang naubusan ng bala. Hindi niya alam ang dapat gawin.

"Inang... Tatang..." sambit niya sa pagitan ng paghikbi. "Patawad..." Inilapag niya ang sulat galing sa magulang at kinuha ang isa pang sulat galing sa Dekano nila. Sinasabi roon na bagsak siya sa isang asignatura. Kulay pulang titik F ang grado niya dahil sa proyektong hindi niya nagawang ipasa. Kursong Inhinyero ang kinukuha niya at isang globo na proyekto sa asignaturang History ang hindi niya nagawang ipasa dahil sa medyo may kamahalan. Ayaw niyang humingi ng dagdag na pera sa mga magulang dahil alam niyang hirap na hirap na ang mga itong kumayod makapag-aral lang siya.

Sinubukan niyang maki-usap sa kanyang guro pero mukhang malabo nang pagbigyan nito ang hihilingin niya dahil sa alam niyang ayaw nito sa kanya.

Isa siya sa mga lider ng mga estudyanteng oposisyon. Nakikipag-debate at nagra-rally sa labas ng Administration Building para sa kapakanan ng mga estudyanteng mahirap katulad niya samantalang ito ay Presidente ng Kapisanan ng mga Guro sa unibersidad na pinapasukan niya.

Minsan, naisip niyang tumigil na dahil halos lahat ng guro ay mainit ang mga mata sa kanya. Palagi silang nagbibigay ng pagsusulit sa tuwing wala siya at naroon sa harap ng eskwelahan sumisigaw ng "Mababang Matrikula para sa mga Estudyanteng Dukha!" Sa tuwing susubukan niyang kumuha ng espesyal na pagsusulit ay triple ang hirap ng mga tanong na ibibigay ng mga ito sa kanya pero sa awa ng Diyos ay halos lahat ng mga katanungan ay nasagot niya ng tama.

"Bago kayo pumasok sa paaralang ito ay dapat alam niyo na ang mga patakaran. Ang paaralang ito ay hindi ipinatayo para sa kawang-gawa at sa mga kabataang maralita. Ang mga tulad mo ang siyang dahilan kung bakit natututong lumabag ang ibang mga estudyante sa palatuntunan ng paaralan. Kayo ay masamang ehemplo na dapat ituwid ang mga baluktot na paniniwala." Naalala pa niyang sabi nito matapos niyang dumating nang huli sa klase.

"May mga patakaran ang paaralan na hindi pabor sa mga katulad naming mahirap kaya dapat naming ipaglaban at isigaw para mabigyan ng karampatang aksyon, Sir Doctorem." biglang nagtagis ang bagang nito na para bang pinipigilan ang sarili na ilabas lahat ng pagka-disgusto tungo sa sinabi niya.

"Sinisira niyo ang pangalan at imahe ng paaralan!" Biglang tumaas ang tono nito.

"Ipinaglalaban lang namin ang aming karapatan, Sir."

"Hindi niyo alam ang inyong ginagawa at kung saan kayo dadalhin ng paniniwalang iyan ay pagsisihan niyo sa bandang huli."

Ang mga salitang iyon ang paulit-ulit na naririnig niya mula nang malaman niyang bagsak siya sa asignatura nito. Dapat ba siyang magsisi? Dapat ba na hindi na lang siya sumali sa mga aktibistang estudyante?

The Missing StoriesWhere stories live. Discover now