Balon

10 1 0
                                    


Balon

Labinwalong taong gulang. Estudyante. Mahirap. Sa madaling salita, kahit patalim ay kakayanin niyang kainin para kumita lang ng pera para sa matrikula niya. Kung bakit kasi ngayon pa nagkasakit ang Itang niya kung kailan huling semester na niya bago makapagtapos ng kolehiyo. Ang malas talaga, parang biro na biglang dadating kung kailan malapit mo nang matapos ang isang bagay.

"Hoy, Jam! Saang parte na naman ng milky galaxy lumipad ang isip mo?" inirapan niya ang kaibigan na si Ann nang bigla na ang itong bumulaga sa harap niya. May hawak itong tatlong malaking cup ng chocolate. Kasunod nito si Mary Grace na hindi naman magkadaungaga sa bitbit na turon.

"Huwag mo na kasing tanungin, Jam. Alam naman natin kung ano ang problema ng babaeng iyan."

"Ikaw lang ang may alam, hindi ako. Ano ba problema niyan? Lalaki ba? Sus, mag move ka na kasi. Matagal na kayong wala ng kalbo mong ex di'ba?" inirapan niya lang si Ann.

"Uminom ka muna bago natin pag-usapan ang problema mo, Jam. Mahirap mag-usap kapag walang laman ang tiyan. Tiyak na wala ring laman ang maiibigay naming advice sayo. Huwag kang mag-alala, libre ko yan." biro ni Mary Grace bago iniabot sa kanya ang isang platito ng turon at cup ng chocolate drink.

Kung may malas, meron din namang swerteng dumating sa buhay niya at iyon ang mga taong nasa harapan niya ngayon.

"Mukhang lahat ng sweldo ko kapag nagkatrabaho ay sa inyong dalawa mapupunta."

"Kow! Tumigil ka, Jamaine. Nauumay na akong marining ang utang-utang na iyan mula sayo."

"Oo nga. Sinisingil ka ba namin? Obligasyon namin bilang kaibigan na tulungan ka. Teka, ano nga ba ang panibagong problema mo? Baka makalimutan ko sa sobrang kabusugan."

"May sakit si Uncle." si Mary Grace na ang sumagot.

"Eh? May sakit na naman? Tsk. Mukhang alam ko na ang problema." Palatak ni Ann.

"Kaya kailangan ko ng trabaho." sabi niya bago napabuntunghininga ng malalim. "Kahit ano basta malapit lang sa boarding house para hindi ako mahirapan."

"Tinanong ko na ang Ate ko kung may bakante sa factory nila. Hindi raw siya sigurado at tatanungin pa niya bisor nila kung meron."

"Sorry talaga Jam pero wala akong may irerekomenda- teka!" bigla itong tumayo. "Hindi ko alam kung susunggaban mo ito pero may nakita akong poster kaninang umaga. Naghahanap ng babysitter."

"Babysitter?"

"Oo. Naalala ko lang naman pero kung ayaw mo tutulungan na lang kitang maghanap ng iba."

Saglit siyang nag-isip. Babysitter? Bakit hindi? Sanay siyang mag-alaga ng bata dahil siya na ang katuwang ng tatang niya sa pag-aalaga ng kanyang mga kapatid mula ng mamatay ang nanay nila nang iluwal nito ang kanilang bunsong kapatid.

"Akin na nga 'yan. Papatulan ko na lang ang trabahong 'to." Aniya bago inabot ang poster at tinupi sabay silid sa bag. Mag-iinarte pa ba siya?

Alas singko ng hapon. Nasa harapan siya ng malaking bahay. Muli niyang tiningnan ang poster na hawak para siguruhin kung tamang address baa ng napuntahan niya. Nag-aalangan kasi siya kung tama nga ba dahil halos wala namang bahay sa lugar na iyon maliban sa lumang mansion kung saan siya nakaharap ngayon. Mukha ngang walang nakatira dahil isang 1.0 magnitude na lindol lang tatama ay tiyak na mawawasak na iyon nang tuluyan.

"Tsk. Budol-budol style yata to." Naiinis na wika niya sa sarili. Itatapon nasana niya ang hawak na poster sa gilid at aalis na lang nang biglang bumukas ang gate. Tatakbo pa sana siya palayo dahil sa takot at gulat ngunit agad na siyang nahawakan sa balikat ng matandang iniluwa mula roon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 24, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Missing StoriesWhere stories live. Discover now