Tiktik

7 1 0
                                    


Tiktik

Malalim na ang gabi pero nasa labas pa rin bahay ng kanyang amo si Roy. Hindi kasi siya makatulog dahil sa away nila ng kanyang nobya. Ilang beses niya itong tinagkang tawagan ngunit hindi naman nito sinasagot at sa bandang huli ay mukhang pinatay pa nito ang kanyang cellphone para hindi na siya makatawag.

"Yedda..." agad niyang pinahid ang luha na nag-aambang tumulo mula sa kanyang mga mata habang titig na titig sa kanyang cellphone.

"ANO ANG IBIG SABIHIN NITO?" basa niya sa text nito kasunod ng isang picture kung saan may nakayakap sa kanyang babae. Hindi niya iyon kagustuhan. Si Aurora ang ang bigla na lamang yumakap sa kanya. Agad naman siyang kumalas mula rito at sinabing may nobya na siya. Ngunit nagbanta pa ito na sisirain siya nito kay Yedda. At ito na nga ang nangyari.

Ilang minuto pa siyang ganoon bago nagpasyang pumasok sa loob. Alas dose na rin kasi ng gabi at ramdam na niya ang lamig ng hanging disyembre na nununoot sa kanyang balat. Papasok na sana siya sa loob nang makarinig siya ng mahinang kaluskos sa hindi kalayuan. Nakaramdam siya ng takot ngunit mas nanaig sa kanya ang kuryusidad na malaman kung ano ang ingay na iyon. Baka kasi ahas iyon na nagtatangkang kainin ang mga binabantayan niyang mga manok. Mahirap na at baka siya pa ang mapagalitan kapag nangyari iyon.

Ilang hakbang na siya mula sa kinaroroonan ng kulungan nang bigla na lang siyang nanigas sa kinatatayuan. Hindi niya maipaliwanag kung bakit hindi siya makakilos. Kahit ang ibuka man lang mga bibig para sumigaw ay hindi rin niya magawa.

"Ahh...Ummmm." Pinilit niyang sumigaw ngunit may kung anong maitim na bagay na biglang tumakip sa kanyang mga mata. Wala siyang makita ngunit dinig niya ang malalim at mabilis na hininga ng kung ano mang nilalang na sumalakay sa kanya. Sinubukan niyang igalawa ang mga paa para tumakbo pero wala pa ring nangyari.

"Diyos ko po." Tahimik na dasal niya. Sinubukan niya itong hawakan. Naigagalaw niyang konti ang kanyang mga daliri ngunit hindi ang buong kamay. Ramdam niya ang malapot na likidong tumutulo sa kanyang balat. Habang tumatatagal ay naaamoy na rin niya ang mabahong amoy na parang pinaghalong bulok na basura at inaagnas na laman. Gusto niyang masuka. Unti-unti na rin siyang nawawala ng malay ngunit pinipilit niya ang sariling magising.

"Gusto ko pang mabuhay Diyos ko! Tulungan mo ako! Maawa ka sa akin!" usal niya kasabay ng pakiramdam na parang lumilipad na sila sa ire. Ilang segundo lang sila sa ire nang maramdaman niya ang pagbagsak ng kanyang katawan lupa. Ramdam niyang ang sakit ngunit nagkaroon din siya ng pag-asa dahil naigagalaw na niya ang kanyang buong kamay at maging ang mga paa. Sinubukan niyang buksan ang mga mata pero wala siyang makita. Ang tanging naririnig lang niya ay ang alulong ng mga aso ng kanyang amo. Wala iyong tigil at nakakatakot pakinggan.

"N-Nandito ako-" sinubukan niyang sumigaw ngunit tanging mahinang boses lamang ang nakaya niyang gawin. Inihakbang niya ang kanyang mga paa ngunit biglang may humila sa kanya kaya muli siyang bumagsak sa lupa.

"Kahit anong mo ay hindi ka pa rin nila maririnig. Hindi ka nila nakikita at hindi ka nila muling makikita pa kahit kailan, Roy." Nagtayuan lahat ng balahibo niyang dahil sa boses nito na tunog na animo'y nanggaling sa ilalim ng lupa.

"B-bakit mo ako kilala!" hinang-hinang tanong niya. Halos maalulon niya ang kanyang dila sa sobrang pagkasindak nang pagmulat niya sa kanyang mga mata ay nakita ang itsura ng nilalang na halos isang dangkal na lang layo mula sa kanyang mukha. "H-halimaw!!!"

Ang mukha nito ay parang inaagnas na. Malapat ang mga labi na parang konti na lang ay mawawarak na. Sobrang itim din ng mga ngipin nitong hindi pantay. Mapupula ang mga mata at napakagulo ng buhok na nakakadiring tingnan dahil sa may kung anong malapot na likido ang tumutulo mula roon. Bumaba ang kanyang paningin sa bandang ibabang bahagi ng katawan nito. Maging ang balat ng halimaw ay inaagnas na din. May tumutulo ring malapot na likido mula roon. Gusto na talaga niyang masuka. At lalo siyang natakot dahil sa matatalas nitong mga kuko sa kamay at maging sa paa na kawangis ng paa ng isang kambing.

The Missing StoriesWhere stories live. Discover now