My Wife

8 1 0
                                    


My Wife

Bagong bahay means bagong buhay. Pakiramdam ni Eula ay isa siyang ibon na ilang taon ding nakakulong at ngayon ay malaya nang makakalipad sa kahit saan man niya gustuhin. Magagawa na niya lahat ng kanyang naisin. Maganda nga talaga kapag may sarili ka nang trabaho at kumikita na dahil para na iyong pintuan para sa mas exciting ngunit fulfilling na buhay. Ikaw na ang magdedesisyon sa kung anong uri ng future ang gusto mong buuin. Mas mararamdaman mong ikaw na ikaw ang sarili mo.

Nakangiti siyang umupo sa bagong bili niyang couch. Maliit lang iyon kung tutuusin. Dalawang tao lang ang kasya. Hindi rin kalakihan ang bahay na nabili siya murang halaga dahil ayon sa agent na kanyang naka-usap ay aalis na raw papuntang abroad ang dating may-ari kaya ibenenta na lamang sa murang halaga at madalian pa talaga. Gawa sa matibay na kahoy ang bahay. Ayon sa kanyang narinig mula kay Vince, ang agent na nagbenta sa kanya ng bahay ay panahon pa raw ng kastila itinayo ang bahay. Ilang beses nga lang ni-renovate para magmukhang bago ngunit nasa itsura pa rin nito ang unique na structure at katangian nga mga bahay na itinayo noong Spanish era. Dalawa ang kwarto at isang banyo. Mayroon ding kusina na mas malaki pa sa salas. Mukhang mahilig magluto ang dating may-ari ng bahay dahil makikita rin sa kabuuan niyon. Maraming kahon na maaaring paglagyan ng mga gamit kusina. May mga nakausli pang lagayan ng mga sandok na kulay ginto at sa ibabaw naman maliliit na parahibang lagayan ng mga kutsilyo. Bawat dekorasyon yata sa kusinang iyon ay detalyadong pinag-isipan ng may-ari. Pinakagusto niya sa lahat ay ang chandelier na nakasabit sa pinakagitnang bahagi ng kisami. Hugis bilog iyon na may disenyong parang bulalakaw na nahuhulog sa lupa. Kung hindi nga lang siya nakaramdam ng pangangalay ng leeg sa kakatingala sa itaas ay hindi pa niya tatanggalin ang kanyang paningin mula doon. Sa gitna naman ay may malaking kahoy na mesa na halatang ilang taon na ring ginagamit dahil sa dami na ng gasgas at bakas ng hiwa roon pero andun pa rin naman ang sinasabi nilang elegance. Pasalamat nga siya at may ibang gamit pang iniwan doon ang may-ari para magamit din naman niya. Sa kanyang kwarto naman ay may malaking kama sa gitna at lumang tukador na may malaking salamin na may disenyong bulaklak. Amaze na amaze nga siya habang tinititigan iyon ng mabuti kanina. Ang unique kasi ng pagkakagawa . Ilan din iyon sa mga gamit na naiwan ng may-ari. Sabi ni Vince at gamit talaga iyong ng naunang may-ari ng bahay. Hindi na dinadala ng mga sumunod na nagmay-ari ng bahay dahil sa sobrang bigat niyon. Halos limang hanggang walo katao pa yata ang kailangang magtulungan bago mabuhat ang mga kasangkapan ayon pa rito.

"Hello home. My name is Eula. What about you?" Parang timang na kausap niya sa sarili. "I hope na magkakasundo tayong dalawa."

Mi amor... Camilla...

Nagtayuan ang kanyang balahibo dahil sa malakas at malamig na ihip ng hangin mula sa nakabukas na bintana. Nakalimutan yata niyang isara matapos mag-ayos ng kanyang mga gamit kanina. Napatingin siya sa lumang orasan na nakasabit sa dingding. Ang mga kamay niyon ay nakatigil sa oras na alas dose y medya.

"Adik.." Napatik niya ang sariling noo nang maaalalang sira nga pala iyon.

Tumayo siya at tinungo ang kwarto. Doon kasi niya naiwan ang bag niya kanina. Kinuha niya ang cellphone at tiningnan ang kung anong oras na. Alas-diyes. Ang bilis ng oras. Parang kanina ay alas-otso lang ng umaga. Gusto pa sana niyang magluto ng binili niyang sariwang bangus kanina ngunit naisip niyang magpadeliver na lang ng Jollibee. Isa pa, gabi na masyado. Baka abutin pa siyang hating-gabi kung magluluto pa siya.

Palabas na sana siya ng kwarto nang may mahagip ang kanyang peripheral vision sa salamin na parang may dumaan.

Kunot ang noong tiningnan niya ang apat na bahagi ng kanyang kwarto. Imposible namang pusa iyon dahil sarado ang bintana.

The Missing StoriesWhere stories live. Discover now