"Manlalayog"

9 1 0
                                    


"Manlalayog"

Kahit sino ang tanungin mo, ang pinakamasayang pista na maaari mong maranasan ay sa probinsya mo matitikman. Kaya heto siya, kahit ilang beses nasuka sa barko ay sulit naman dahil tulad nga ulit ng sabi ng karamihan, mas masarap ang hanging malalanghap mo probinsya.

"Wow parekoy feel na feel natin ang hangin diyan a? Gumagawa ka ba ng music video?" agad niyang binatukan ang kaibigang si John.

"Tumahimik ka dyan, Siokoy!Tulungan mo si Andre na magbuhat ng isang aparador mong gamit." Balik na asar niya rito. Ang dami kasi nitong dala.Dalawang maleta at dalawang backpack. May ilan pa itong paper bag na dala. Akala nga nila lilipat na ito ng probinsya.

"Hoy! John, Rico nandito na ang sasakyan nating tricycle!" sasagot pa sana ito kaso tinawag na sila ni Andre na tagatak sa pawis dahil ito na yata ang nagbuhat sa lahat ng mga gamit nila. "Isang oras pa bago natin marating ang baranggay namin. Maliban sa tricycle ay wala na tayong ibang masasakyan kaya tiis-tiis lang muna tayo." Sabi nito sa kanila sabay sampa sa likod ng driver. Agad siyang sumunod sa tabi nito kaya walang nagawa si John kundi ang sumampa sa bubong ng tricycle. Wala na kasing puwesto sa loob at maging sa likuran dahil puno na ng mga gamit nila. Hindi katulad ng sa ibang mga probinsya, sementado ang daan nila Andre kaya walang gaanong alikabok.

"Wooh! Para akong nililipad ng air! Ang sarap!" napailing na lang sila ni Andre. Pinagtitinginan na yata sila ng madaadaanan nila dahil sa ingay ni John. Nakadapa pa ito na para bang dinadama ng mabuti ang hangin.

"Kapag ikaw tuluyang nilipad ng hangin diyan pre, bahala ka sa buhay mo. Hindi ka namin tutulungan. Sobra-sobrang kahihiyan na ang binigay mo sa amin." Pati driver ay natawa sa sinabi niya.

"Ang daming killjoy!" naramdaman pa niyang hinila nitong ang kapiranggot na buhok niya.

"Shit! Ang sakit nun ha!" mura niya rito. "Humanda ka kapag dumating na tayo-"

"What the heck mga dude!" putol ni John sa kanya. Agad niya itong tiningala. Nakatingin ito sa hindi kalayuan. Sinundan niya kung saan nakatutok ang mata nito. "Nasa langit na ba tayo at nakakakita na ako ng anghel?" dagdag pa nito habang hawak ang dibdib. Nakatitig ito sa babaeng parang nakatingin din sa kanila.

"Kilala mo 'yun, Dre?" tanong niya sa katabi ngunit umiling ito.

"Baka bagong lipat.Matagal na rin kasi bago ako nakabalik dito."Sagot nito.Muli niyang tiningnan ang kinaroroonan ng babae kanina.Tama si John.Kahit malayo ay mahahalata mo pa ring maganda ito. Mahaba ang buhok na nililipad ng hangin. Balingkinitan at parang kay sarap yakapin.

"Kilala mo ba 'yun, Nong?" tanong ni Andre sa driver nila.

"Hindi rin mga dong. Pero mag-ingat kayo lalo na sa mga dalagang makikita niyo." Nakuha nito ang atensyon nilang tatlo. "Ayon sa mga sabi-sabi ay marami raw mga kalalakihan ang nawawala buhat nang dumami ang mga nakakaakit na dilag na bigla na lamang nagsulputan dito. Sabi nila mga engkanto raw na nagkatawang tao para maghanap ng makakain."

"Baka kamo itinanan nung mga lalaki ang sexy babes kaya sila nawawala. Come on, guys, it's 2017. Takot na'yang mga engkanto o halimaw sa ating mga millennials. Sa potential pa lang ng mga senior high school, kakaripas pabalik sa kung saang puno ng balete ang mga 'yan nakatira." Adik talaga itong si John.

"Pero walang masama kung mag-iingat kayo lalo pa at bagong salta kayo rito. Huwag kayong lalabas ng bahay kapag madilim na. Mas mabuting manatili na lang kayo sa inyong bahay." Payo nito.

"Don't worry, Manong. Makakatikim ng bagsik ng aking mga muscle ang mga horror babes na 'yan." Nagmacho pose pa ito kaya napailing na lang silang dalawa ni Andre. Kahit kailan talaga nakakahiyang ang kaibigan nilang 'yan.

The Missing StoriesWhere stories live. Discover now