BARYO

7 1 0
                                    


BARYO

Soul searching.Hindi ito 'yung literal na nawala ang kaluluwa mo kaya kailangan mong hanapin. Soul searching ang tawag niya sa bawat road trip niya ng nag-iisa. Siya kasi ang tipo ng tao na mas gustong gawin ang isang bagay ng walang kasama kasi mas nai-enjoy niya. Mas masaya at nararamdaman niya ang saya ng buhay kapag sarili lang niya ang dala-dala. Sa tuwing birthday niya ay nakasanayan na niyang mamundok at gumawa ng isang bagay na gustong-gusto niyang gawin.

Kaya heto siya, sakay ng kanyang paboritong kotse na may disenyong baril at tangke de gyera. Mahilig kasi siya sa mga ganyang bagay dahil pangarap niya ang maging sundalo katulad ng kanyang papa noong bata pa siya. Isang liblib na baryo ang kanyang destinasyon kung saan naroon ang isang bundok na sinasabi nilang lugar kung saan makikita mo ang perpektong paglubog at pagsikat ng araw. Nakita niya iyon sa google nung naghanap siya ng bundok na pwedeng akyatin. Hindi safe pero iyon ang mas nagpapadagdag sa excitement ng isang adventure ika nga.Kompleto naman siya sa gamit. Tent, tubig, flashlight, pagkain, at camera.May dala rin siyang swiss knife na regalo sa kanya ng kanyang ama at isang kwarenta y singko na kalibre ng baril. Mas mabuti na ang handa kaysa kawawa kung sakaling may mangyaring masama sa kanya sa bundok.

Nang hindi na maaaring makapasok ang kotse ay nagsimula na siyang mag empake ng mga dadalhin. Wala na halos siyang kabahayan na nakikita kung mayroon man ay ilang kilometro pa ang layo niyon. Hindi naman ganoon kataas ang bundok na aakyatin niya pero sa tingin niya ay aabutin siya ng dalawa at kalahating oras bago marating ang tuktok niyon. Ayon kasi sa kanyang naresearch ay hindi pa ganoon kaganda ang daan. Isang pribadong bundok kasi iyon bago nakuha ng gobyerno dahil matagal nang hindi nabayaran ng may-ari ang buwis.Panay ang kuha niya ng mga litrato habang paakyat. Hindi niya alintana ang pagod dahil sa ganda ng mga tanawin na nakikita niya.

"This is life indeed." Nakangiting usal niya habang nakapikit at nakadapa para damhin ng maigi ang malamig na samyo ng hangin. Hindi niya halos maalis ang tingin sa paligid. "Wow!" mas lalo pa siyang namangha nang magsimula nang lumubog ang sikat ng araw. Nanghalo ang kulay mapusyaw na pula, kahel at dilaw sa kalangitan. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya ngayon. Hindi niya akalain na mamamangha siya ganito. Panay lang siya pindot sa kanyang camera. Gusto niyang makuhanan ng litrato ang bawat minuto. Nakikita niya ang kabuuan ng baryo na unti-unting nilalamon ng panggabing kadiliman. Kahit tuluyan nang dumilim ay nakangiti pa rin siyang nakatingin sa kawalan. Kung hindi pa siya nakagat ng lamok ay hindi pa niya naisipang itayo ang kanyang tent. Matapos ayusin ang tutulugan ay gumawa siya ng maliit na bornfire. Inilabas niya ang baong hotdog at marshmallow.

Malamig ang hangin ngunit hindi siya nakakaramdam ng lamig. Napatingala siya sa langit. Napakaraming bituin, hindi niya mabilang kung ilang libong silang nagniningning sa kalangitan ngunit ang hatid niyon sa kanya ay ibayong kasiyahan. Kung iba tao, marahil ay takot matulog ng mag-isa sa isang lugar na walang ibang tao kundi siya lang. Ngunit iba siya, para sa kanya, mas nakakatakot kapag alam niyang may ibang tao sa paligid dahil tao lang naman ang may kakayahang gumawa ng mga nakakatakot na bagay. Ang tao ay likas na halimaw at sakim.

"Arrghhhhh...."

Bigla siyang napatayo. Agad niyang binunot ang baril sa beywang at ikinasa. Dinampot rin niya ng flashlight at itinutok sa paligid. Matalas ang mga matang nilibot ng tingin ang buong paligid. Baka may mga mababangis na hayop dito sa bundok.

"Arrghhhhh...."

Muli niyang narinig ang parang pag-angil na nagmumula sa hindi pa niya alam kung anong uri ng hayop. Pero sigurado siyang katunog iyon ng isang angil ng pinaghalong aso at leon kaya mas hinigpitan pa niya ang paghawak sa baril. Kinapa na rin niya ang magkabilang hita, sinigurado niyang nakakabit doon ang dalawang swiss knife na dala niya.

The Missing StoriesWhere stories live. Discover now