"Yakap"

5 1 0
                                    


"Yakap"

Ayoko ng niyayakap ako ng kahit sino. Kahit ng papa, mama ko o kapatid na lalaki. Sa tuwing may dadampi sa aking balat, para akong sinisilaban. Nakakadiri. Nakakatakot. Hindi naman ako ganito noon. Kailan nga ba nagsimula ang ganitong pakiramdam?

"Hoy, Marie!" Walang emosyon na tiningnan ko lang ang kaibigan ko. Hindi ko alam kung bakit natitiis pa rin niya akong kaibiganin kahit na sa tuwing kinakausap niya ako ay wala naman siyang makukuhang kahit halos isang salita man lang mula sa akin . "Hindi ka ba napapagod magbasa niyan? Mukhang memoryado mo na nga yata ang bawat letra diyan." Ang tinutukoy nito ay ang nobelang Story of a Murderer na pinakapaborito kong basahin. Gusto-gusto kong basahin lahat ng mga kwentong tungkol sa mga mamamatay tao. At ang pinakapaborito niyang linya sa lahat?

"- Like someone is hiding in one of these doors and would suddenly grab her neck and slit her throat. She loves viewing psychotic movies, she was fascinated by the way they think. The way they commit the crime, it's very organized. It was planned very well to keep themselves away from being caught so that they could play more, kill more people for leisure, for satisfaction, for the victorious feeling after their so called killing spree game. And you know what's the most interesting part about psychotic people? It's the trophy after killing someone. They have this unique way of giving reward for themselves. Some cut their prey's hair, carved letters in victim's body, killing them with the same weapon, and some would positioned their cadavers in a peculiar way."

Kung ang ilan ay nawiwirduhan, siya hindi. Dahil habang tumatagal, mas naiintindihan niya ang mga ito. At kung bibigyan siya ng pagkakataon na may makilalang isa man sa mga iyon, sigurado siyang iyon na ang pinakamasayang parte ng kanyang buhay. Sabihin mang baliw siya, tulad ng palagi niyang sinasabi, wala siyang pakialam.

"Heto na naman tayo sa usapang hangin, Marie. Hindi mo na ba talaga ako kakausapin? Hindi ka naman ganyan dati a? Ano bang nangyari sayo?"

"Wala kang pakialam." mahinang anas niya pagkuway marahas na hinablot ang bag na nakapatong sa mesa.

"Walang pakialam? Magkaibigan tayong dalawa. Oo, dalawa na lang tayo dahil lahat ng kaibigan na mayroon ka dati ay wala na." tumaas na ang boses nito. "Huwag mong hintayin na pati ako ay lalayo na rin mula sayo. Nakakapagod din kasing intindihin ka."

"Wala kang alam."

"Paano ko malalaman kung hindi mo naman sinasabi. Kung may problema ka, handa naman akong makinig. Kung may nagawa ka mang mali, handa pa rin kitang intindihin. Pero kasi Marie, lahat ng bagay nauubos din."

Hindi na niya ito pinakinggan. Ayaw niyang makinig sa kung ano pa ang mga sasabihin nito dahil dahilan lang iyon para muli siyang maging mahina at ayaw niyang mangyari iyon. Kapag mahina ka, lahat ng tao ay gagawa ka ng masama at ang pinakakatakot sa lahat ay 'yung hindi mo maipagtanggol ang iyong sarili dahil wala kang lakas para gawin iyon.

***

"Isang bangkay ng lalaki, natagpuang patay sa gilid ng kanal malapit sa isang malaking unibersidad. Tadtad ng saksak ang katawan ng biktima at hinihinalang kagagawan ng isang drug addict."

"Marami na talagang mga halang ang kaluluwa sa mundo ngayon. Kaya ikaw, bawas-bawasan mo ang pag-uwi nang gabi na lalo pa at malapit lang sa pinapasukan mo nakita ang bangkay." Napangisi siya sa naging komento ng nanay niya. Halang ang kaluluwa? Hindi ba mas magandang sabihin na "Tagalinis" ng mga taong may maruruming budhi ang itawag sa kanila?

"Baka naman ang pinatay ang halang ang kaluluwa? Hindi naman siya papatayin nang walang dahilan, di'ba?"

"Naku, Marie. Hindi ka kasi nakikinig ng balita. Ang mga kriminal ngayon ay wala nang pinipili, mapa bata o matanda ka man. Lalaki o babae ay papatayin ka nila."

The Missing StoriesWhere stories live. Discover now