KWEBA

11 1 0
                                    


KWEBA

Buwan ng Marso. Araw ng biyernes. Huling araw bilang estudyante sa high school ang magkakaibigang sina Izza, Nestle, Elmer, Nea at Nygel. Halos wala na nga yatang klase dahil halos lahat ng kanilang mga guro ay abala na para sa preparasyon ng nalalapit nilang graduation kaya tambay na muna sila sa paborito nilang tambayan. Abala sila sa kung saan sila gagala sa darating na sabado. Dalawang linggo pa kasi bago sila mag-martsa. Ang ingay-ingay nilang lima dahil halos lahat ay may kanya-kanyang gustong puntahan.

"Guys naman! Malayo ang Palawan at tsaka may budget na ba kayo? Ang mahal kaya ng ticket papunta doon." Agad na reklamo ni Nygel kaya tiningnan siya ng masama ni Nestle dahil siya ang suggest. Hindi nila alam kung ano ang mayroon sa dalawang iyan. Minsan sweet, pero madalas parang aso at pusa na palaging nagbabangayan.

"I agree. May agency ang Tito ko at nasabi na niya sa akin na super expensive sa Palawan pati na sa Batanes." Pakonyong sabad naman ni Nea na abala sa kanyang pinapanood na Korean drama.

"Quiet please!" natahimik silang lahat ng biglang tumayo si Elmer. Sa kanilang lima kasi, ito ang parang tumatayong lider at kuya na rin. "I have a suggestion kung okay lang naman sa inyo. Tulad ng sabi ni Nea, masyadong mahal kapag malayong lugar. Baka hindi rin ako makakasama kung sakali dahil kinakapos na rin kami ngayon dahil nagkasakit si papa."

"Hoy Izza! May suggestion daw si Kuya Elmer. Busy ka na naman sa mga food blogs na 'yan."

"Kung makatulak naman te? Anong akala mo sa akin duyan? At isa pa nakikinig ako, hindi lang halata." Nag-pogi sign pa ito. "Talent ko mga besh" sabay-sabay itong binatukan ng apat kaya naman agad itong tumakbo palayo.

"Stop na guys. Seryoso na muna tayo. Back dun sa sinabi ko kanina, I suggest na bakit hindi na lang tayo sa amin pumunta? Maraming seafoods doon sa Capiz at balita ko ay may bagong kweba na natagpuan doon malapit sa lugar namin."

"Uy, exciting yan ah." Nanlalaki ang mga matang tugon ni Nestle. "Never pa akong nakapasok sa kweba kaya nga suggestion ko kanina na sa Palawan kaso ang epal ng iba dyan eh." Pasaring nito kay Nygel na nagpa cute lang.

"Okay lang sa akin." Pagpayag ni Nea.

"Meee tooo." Parang bata na sang-ayon naman ni Izza.

"Capiz it is then. Sabihin ko na lang kay mama at papa na isasama ko kayo sa darating na sabado para makapaghanda naman sila." Nakangiting wika ni Elmer.

Araw ng sabado. Sa terminal na sila ng bus nagkita-kita. Nagtatawanan pa sila dahil halos buong cabinet na ang dala ni nea habang silang apat ay backpack lang ang dala. Tatlong oras ang aabutin ng byahe mula Iloilo hanggang Capiz. Tulog ang apat ngunit hindi si Izza. Parang may iba siyang nararamdaman habang palapit na sila sa kanilang pinaroroonan lalo na ng makita ang arkong bato na may salitang "Welcome to the Seafood Capital of the Philippines.". Pagdating sa babaan ng bus ay sumakay ulit sila ng tricycle papunta sa mismong baranggay nina Elmer. Inabot din sila ng halos isa't kalahating oras bago nakarating sa bahay nila. Gawa sa kahoy ang bahay. Maraming puno sa paligid at halos lahat ay mukhang isandaang taon na ang edad. Agad silang sinalubong ng isang matandang babae na hula nila ay ang nanay ni Elmer.

"Andito na pala kayo. Maligayang pagdating sa aming tahanan. Nawa'y maging memorable ang inyong bakasyon dito sa aming lugar."

"Hey..." siko ni Nea kay Nestle. "Ang weird magsalita ng mommy ni Elmer right? Sounds like panahon pa ni Magellan."

"Tumigil ka nga, Nea. Nakakahiya ka."

"Whatever."

Magkasama sa isang kwarto lahat ng mga babae habang sa kwarto naman ni Elmer matutulog si Nygel. Matapos magpalit ng damit at mag-ayos ng kanilang gamit ay bumulaga sa kanila ang mesa na puno ng mga nakakatakam na pagkain.

The Missing StoriesWhere stories live. Discover now