yoongi 💘
Yoongi: where are you?
Jimin: nasa lounge ng 3rd floor
Yoongi: okay wait for me
Jimin: ha bakit ano meron???
---
I waited for his reply but I got none. Hindi ko alam anong meron ngayong araw at bakit siya pupunta dito eh baka busy naman siya sa studio niya na nasa 10th floor. Actually, nakiki-wifi lang ako sa lounge dahil lunch time muna ng mga trainees na tinuturuan ko kaya dito muna ako.
It has also been three days since Yoongi took care of me. Para akong baby na dapat bantayan at alagaan. Though, I'm not complaining but it was just so new to me. Nung nasa Canada kasi ako kapag nagkakasakit ako, ako lang nagaalaga sa sarili ko.
"Jimin." Pagkarinig ko ng boses nya ay napaangat ako ng tingin at ngumiti.
"Ano meron? At pumunta ka pa talaga dito? Hindi ka ba busy?" Nagtataka kong tanong.
"I always have time for you."
"Let's have lunch." Dagdag niya at kinuha ang kamay ko kaya napatayo ako mula sa couch. Lunch nga pala ngayon kaya niya ako hinahanap.
Simula kasi nang ma-food poison ako ay ilap nako kumain. Nakaka-trauma kasi. Napansin yun ni Yoongi kaya kapag oras ng kain ay gusto niya lagi kaming magkasabay. And he always make me feel safe and comfortable whenever he's around.
"What do you want to eat?" Tanong niya nang makapasok kami sa elevator.
"Ikaw." Sambit ko, agad nanlaki ang mata ko nang marealize ko na parang may mali sa nasabi ko.
Napabitaw ako ng hawak kay Yoongi at winagayway ang kamay ko, "I mean, ikaw, anong gusto mong kainin kasi kahit anong gusto mo okay lang sakin!" Namumula kong sabi.
I heard his low chuckle and he stared intensely at me. Ayan na naman yung titig niyang nakakalusaw!
"Ikaw nalang din." Sabi niya at ngumisi. Mas lalo tuloy namula yung mga pisngi ko.
Nag-iwas ako ng tingin, "B-bala ka sa buhay mo."
Nang bumukas ang elevator pa basement ay agad akong lumabas. Alam ko naman kung saan kami nagpark kanina kaya inunahan ko na siya.
"Jimin." Pagtawag niya saakin. Hindi ako makalingon kasi nahihiya ako.
"Jimin, where do you want to eat?"
"Kahit saan nga." Sabi ko at tumigil sa paglalakad nang makarating kami sa tapat ng kotse niya.
"Hotel."
Napalingon ako agad sakaniya.
Anong hotel?! Bakit sa hotel?! Seseryosohin ba niya yung ikaw na gusto naming kainin?! Hindi ako ready! Hindi pa nga kami kasal. Mas lalong hindi pa kami official na magjowa!
Natawa ulit siya. At dahil dun tiningnan ko siya ng masama.
"Bakit mo ako tinawanan ha!" Inis kong sambit.
Lumapit siya saakin kaya napaatras ako, naramdaman ko yung hood ng sasakyan sa likod ko. He placed both of his hands on the hood of his car kaya parang trap ako sa pagitan niya. His face is also dangerously close to me.
"I mean do you want to eat at a hotel, may buffet dun." Explain niya. Ramdam kong namumula na naman mga pisngi ko.
"A-ah linawin mo kasi!"
"Why? What are you thinking?" His low raspy voice made me shiver.
"W-wala." Nag-iwas ako ng lingon.
He held my chin to face him again then he smiled at me, "We'll get there soon." Makabuluhan niyang sambit bago halikan ang noo ko.
BINABASA MO ANG
ily. | yoonmin
Fanfiction✫彡𝑪𝑶𝑴𝑷𝑳𝑬𝑻𝑬𝑫 YOONMIN EPISTOLARY TRILOGY: BOOK TWO ────────────────── ❝ i love you ❞ ❝ please, stop hurting yourself ❞ ────────────────── sadseouls © 2019