Chapter Seven

59.6K 1.8K 220
                                    

Operation: A Healthy Lunch

"Gising ka na?" Napalingon saglit si Lyan kay Sally nang marinig niya ang boses nito.

"Opo. Maaga po talaga akong nagising para ihanda ito"

Napatingin si Sally sa dalawang Lunch boxes na inihahanda ni Lyan

"Ang ganda naman ng Lunch Box mo. Ikaw lahat gumawa nito?"

"Hmm. Susubukan ko ang 'Bento' Style kung uubra sa mga amo ko. "

Today's menu is. Fried Riceballs with chopped cauliflower. She molded it into circle/balls at gumamit ito ng dalawang green peas para magkaroon ng disenyo ang rice balls.

Para sa Ulam ay nagluto naman si Lyan ng Pork Barbeque na hiniwa niya rin ito sa bitesized. Naglagay siya ng colored toothpick sa mga karne para mas magmukhang cute ang style ng pagkakalagay nito. Para na rin mas madaling kainin ng mga bata.

Nag roast din siya ng bell pepper, sweet corn, carrots at baguio beans for the veggies of the kid. Syempre gumawa siya ng ranch dressing para sa Veggies. Hiniwa niya pahaba ang mga gulay. Para maging kahawig sa hugis ng fries.

"Grabe. Ang ganda. Parang ayaw kong kainin kapag ako." sabi pa ni Sally habang nakatitig sa dalawnag bento na ginawa ni Lyan.

"Gagawan din kita mamaya. Kayo ni Aling Teressa"

"Talaga! Naku. Excited na akong tikman ang Lunchbox na gawa mo" Tuwang tuwang saad ni Lyan

"Sige tikman mo 'yang tupperware" pagbibiro naman ni Lyan.

"Nako! Sally, paki lagay naman sa Bag muna ang mga ito. Pati 'yong dalawang yogurt sa red at 'yong maliit na tupperware ng chopped fruits. Gigisingin ko na muna sila" Biglang nataranta ito nang makita niya ang orasan.

"Senyorito! Senyorita! Gising na po kayo!" Pumasok sa loob ng silid ng mga bata si Lyan at binuksan ang Kurtina para magising ang dalawa.

Agad naman na bumangon ang dalawa ay dumiretso sa banyo upang mag sipilyo.

Napangiti si Lyan habang pinagmamasdan ang kambal na nag-uusap tungkol sa maayos na pamamaraan sa pagsisipilyo.

"Ang galing naman. Very good." Nang mapadaan si Lianne sa likod nila para ayusin ang paligo nila ay nag thumps up pa ito sa salamin.

Child Care101: Acknowledging a kid's achievement in doing something is a good insight for young ones. Dito sila matuto na gumawa pa ng mga bagay kung saan sila mapupuri. Kahit maliit na achievement ay dapat puriin ang mga bata.

"Can I just wash my birdy. Not my hair?" Napatingin si Lyan may Jin bago ito pumasok sa sarili niyang shower room

"No. You have to wash your hair. It will be sticky and mabaho. Do you want to have lice"

"what's lice?" napakunot ang noo nito.

"It's like maliliit na black with galamay and it suck your blood. It hides in your hair." Huminga kaagad ng malalim si Lyan. Buti nalang naisusurvive niya ang pag-english niya. Malapit lapit na din yata siya maubusan.

"It's like tiny little Vampires" sabi pa ni Jin habang parang pinapakita niya ang maliit na size ng pinaguusapan nilang 'lice' gamit ang daliri nito.

"Oo. You go na. Ligo na. Pahingain mo naman ilong ko." sabi naman ni Lyan at pinapunta na niya ito sa shower room.

Nagmadali sila Lyan na bumaba nang makapag ayos ang kambal. Sinalubong naman ni Sally ang mga ito at iniabot kay Lyan ang dalawang Bag ng Lunch nila.

Nang lumabas sila ay pinagbuksan maagad sila ni Othan ng kotse.

The Boss and his TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon