Nanny is Home~
Kaagad na bumaba si Lyan sa sasakyan ni Chase nang ma-iparada ni Kim ang sasakyan sa harapan ng kanilang bahay. Maaga pa lamang ay dumating si Kim sa kanilang bahay upang sundoin si Chase. Mukhang nadeprive sa tulog si Chase at sa buong byahe ay tahimik ito at napapaidlip. Dahil gustong maiwasan ni Lyan si Chase sa ngayon ay napatiuna ito sa pag-lalakad.
"I should take the day off,Kim. Medyo umiikot pa ang paningin ko." Narinig naman ni Lyan sa kanyang likoran ang boses ni Chase.
"Darating po si Mr. Lucio Ban ngayong araw Sir, He is expecting you"
"Fine. Maliligo lang ako"
"Chastino! Nakabalik ka na pala!" Nagulat na lamang si Lyan nang may nakita siyang isang babae sa harapan niya na nakasuot ng mahabang dilaw na bestida. Sinundan niya ng tingin ang babae nang mag-tungo ito sa kinaroroonan ni Chase.
"Nahilo ako lalo" Napapikit na saad ni Chase at sinubukang iwasan ang yakap ng babaeng iyon. "Bakit ang pangit mo ngayon? Naka-inom ka ba?" Napalayo naman ang babae kay Chase.
"Lubayan mo muna ako Ciarrana." Pag-mamakaawa naman ni Chase sa kanya at napatiuna sa pag-lalakad papasok ng mansion.
"Kagagaling lamang po ni Sir Chase sa bakasyon. " nag-salita naman si Kim.
"Ah, I see. Ang aga ko pa namang dumating dito. I came here right away after arriving at the airport. Tapos ito lang ang isasalubong ng lalakeng iyon" Napasimangot naman si Ciarra.
"I told Sir Chase about your vacation, Ms. Ciarra. Maari po kayong tumuloy sa Hiberia. "
"I would love to stay here, kaso.. Sige let me see Hiberia. Excited na akong makita ang mga bahay ni Chase" Sa kalagitnaan ng paghalakhak nito ay biglang nakuha ng atensyon niya si Lyan na papasok na sana sa loob.
"You are the new Nanny right?" Lyan slowly turned her back to see Ciarra. Naghalukipkip naman si Ciarra na lumapit kay Lyan at tinignan siya mula ulo hanggang paa.
"I'm Ciarra, kapatid ng amo mo. And you are?"
"Lyan po." Napayukong saad naman nito. Hindi naman inasahan ni Lyan na mayroong kapatid pala itong si Chase. No wonder she looks so luxurious from head to toe.
Medyo nakaramdam ng kaba si Lyan sa mga titig ni Ciarra sa kanya kanina, mabuti na lang at hindi ito mausisa at linubayan din siya kaagad matapos nilang magpakilala sa isa't isa. Now that she is back in her work, she must face the truth that everything is back to reality. Ang San Silvestre lamang ay naging lugar ng pansamantalang kasiyahan na kailanman ay hindi magiging totoo ng mahabang panahon.
"Jin-Jan!" Masigla niyang binuksan ang pintoan ng mga bata at nadatnan nilang nanonood ito sa isang tablet. Agad na napatayo ang kambal at sinalubong si Lyan.
"Miss na miss ko kayo." Hinalikan naman nito ang buhok ni Jin at Jana. Parang napawi ng kambal ang kanyang pagod sa kanya nang makita niyang masiglang ngumiti ang dalawa.
"Anong ginawa ni Jin-Jan nang wala si Ate Lyan?" Umupo naman si Lyan sa carpet upang mag-kapantay sila ng mga bata. "We watch a lot of videos on Youtube it is so funny!" ani naman ni Jana.
Napatingin naman si Lyan sa tablet na hawak hawak ni Jin. She was amazed as to how they operate it smartly. Parang sanay na silang gumamit ng gadget. "Kuya Kim let us watch videos here because he said life is weather weather lang"
"Ha?"
"He said that since Dad is not yet here we can watch youtube. So it's weather weather lang" Napilitan na lamang sumang-ayon si Lyan kay Jin at Jana kahit hindi niya masyado maintindihan ang sinasabi ng kambal.
BINABASA MO ANG
The Boss and his Twins
Romance"You can stop me but you can't stop my heart." *** The struggle of being a parent is real for Chase Buenaventura who only devoted his life to his career as businessman. He couldn't handle both parenting and work so his resolve is to find a nanny. B...