Louder than your voice
Laking Gulat ni Lyan nang hindi niya madatnan sa Sala si Chase. Kagabi ay nag-pumilit si Chase na matulog na lamang sa kanilang Sala ngunit nakaramdam ng hiya si Lyan at ang kanyang pamilya. But the usual Chase always stands firm on his words
"Nasan Amo ko?" Ninenerbyos na tanong naman nito kay Fara
"Nasa Labas. Ito kung makapag-react, Jowa mo? Jowa mo ba?" Biglang nag-dilim ang mga tingin naman ni Lyan at walang pasabing sinakal si Fara
"Ah! Bakit! Masakit ba ang katotohanang wala namang kayo!" Nagpumiglas naman ito sa kanyang Ate. "Eh kung taposin ko buhay mo? Alin mas masakit?"
"Si Ate talaga, hirap tanggapin ang katotohanan" Hindi naman niya inaasahan ang pag-pasok ni Aries sa kanilang Bahay. Mukhang kakatapos lamang nitong mag-walis sa labas.
"Ah Talaga, sa inyo ko pa maririnig 'yan. " Nang linubayan ni Lyan ang leeg ni Fara ay sinunod niyang hinabol si Aries. Kaagad na nakatakbo ito palabas. Kinuha naman ni Lyan ang Walis ting-ting pagkalabas nito.
"Bata ka! Wala kang utang na loob ha. Aasarin mo pa talaga ako." Patuloy na nag-tago si Aries sa isang malaking Puno at umiilag sa palo ni Lyan.
"Nay Oh! Si Ate nananakit!" Sigaw naman ni Aries "Wala si Nanay nasa Palengke na kaya Lagot ka sakin!" Patuloy na paninidak naman ni Lyan sa kanyang kapatid.
"Are you ready? Sasama ka ba?" Bigla namang inihagis ni Lyan ang walis ting-ting na hawak niya sa malayo nang makita niya si Chase na papalapit sa kanila ni Aries.
"S-Sir, Good Morning.." Inayos naman nito ang kanyang tindig at humarap kay Chase. Nang makita niya napatingin si Chase sa direksyon kung saan niya hinagis ang walis ting-ting ay kaagad siyang humarang.
"I heard that the biggest Piggery is located in here. I want to visit it. Since medyo laganap ang ASF Virus."
"Ah, Sir.. Medyo malayo po iyon dito."
"Yah. Sabi ni Mang Nandre sasakay daw tayo sa Pick Up niya." Napatingin naman silang dalawa sa isang sasakyan na tumigil sa harapan ng bahay nila.
"Nako okay lang ba kayo sa likod?" Lumabas naman si Mang Nandre upang buksan ang sarado sa likod ng sasakyan niya.
"Opo. Mas mahangin po dito." Ang sabi naman ni Lyan.
"Oh sige Tara na habang maaga pa"
"I agree" ani naman ni Chase nang makasampa ito sa likod. "Halika na"
Nag-alanganin naman si Lyan na bumwelo sa pag-akyat dahil may kataasan ito. Hindi pa man din siya ganong katangkad upang madaliin ang pag-sampa.
"Ang taas-Ahh" Napasigaw si Lyan nang makasampa siya at biglang umandar ang sasakyan na sanhi nang pag-ka bagsak niya kay Chase na maayos nang nakaupo.
"O-Okay ka lang?" Nanlaki ang mga mata ni Lyan nang makita niya ang dibdib ni Chase kung saan siya bumagsak. She felt Chase's arms wrapped around her waist to secure her. Mabuti na lang ay maagap na nasalo siya ni Chase.
"Opo. Sorry po, Sir. Nasaktan po ba kayo?" Agad itong bumangon at umupo sa tapat ni Chase. "Hindi mo dapat ako tinatanong niyan. " Mahinang napatawa naman ito.
Samantala ay ibinaling na lamang niya ang kanyang atensyon sa malawak na tanimang dinadaanan nila. Mabuti na lamang ay malakas ang hangin at mabilis matuyo ang kanyang pawis. Dahil pinagpawisan talaga siya sa nangyari.
She tried to calm herself because it seems like her body was elevated from Chase's grip on her. Ang higpit ng pagkakahawak kanina ni Chase. Para din siyang kinilabutan nang maramdaman niya ng husto ang init ng buga ng hininga ni Chase. She was so close.
BINABASA MO ANG
The Boss and his Twins
Romance"You can stop me but you can't stop my heart." *** The struggle of being a parent is real for Chase Buenaventura who only devoted his life to his career as businessman. He couldn't handle both parenting and work so his resolve is to find a nanny. B...