Set you free
"Come on Chase. You can do it" pinapalakpak ni Edward ang kanyang kamay upang tumayo ulit si Chase at mag-lakad palapit sa kanila.
"You can do it Chase! Come baby!" Amara cheered him up. Nakailang beses na kasing natumba si Chase at dahil mag-iisang taon na siya ay sinusubukan na nila itong palakarin.
"Oh baby. Don't cry" When Chase pouted and a tear started to roll down from his cheeks, Edward immediately rushed to him. Siguro natatakot pa ang bata.
"Daddy is sorry. I shouldn't have forced you to walk" kinarga niya it at pinunasan ang mga luha niya. Laging nadudurog ang puso niya kapag naiiyak si Chase. Si Chase kase ay hindi maingay umiyak. He always cries silently. Malalaman mon a lang na umiiyak siya kapag may luha na ito.
"Ugh Ugh" bigla namang tinuro ni Chase ang floor at parang gusto nitong bumaba ulit. Nagtinginan naman si Amara at Edward kaya sinunod nila ang gusto ni Chase.
Bumalik si Edward sa kanyang puwesto. Nakita niya pa ang pagpunas ni Chase ng kanyang luha. Nang nakaupo ito sa shaig ay sinubukan niya tumayo. Nakatayo nga ito pwere nag-wiwiggle pa ang kanyang mga binti.
"Oh God" Napaawang ang bibig ni Edward nang humakbang ng kaunti si Chase. Napansin niya ang eagerness nitong mag-lakad palapit sa kanyang magulang.
"Daachi.." parang ang nais sabihin ni Chase ay 'Daddy' ngunit bulol pa rin ito.
"You're doing great Chase!" napa-crossed finger naman si Amara nang humakbang ulit si Chase. Lumapit ng kaunti si Edward para mas maikli ang lalakarin ni Chase.
"Come to Daddy!" Nilahad ni Edward ang dalawang kamay niya at medyo umusad na ang paglalakad ni Chase.
"You did it!" Binuhat ni Edward si Chase nang makarating ito sa kanya. Nangilid ang kanyang luha sa tuwa.
Watching your baby walk for the first is probably one of the most unforgettable memories that a parent could have.
"Daddy will always love you, and I will always be proud of you" hinagod-hagod naman ni Edward ang likod ni Chase habang naka-kapit ito sa kanyang leeg at napakalawak ng ngiti niya.
**
Linabanan ni Lyan ang kanyang mga luha nang makita niya ang sasakyang itim na pumarada sa harapan ng mansion at iniluwal nito si Chase nan aka suot ng itim na polo habang hawak-hawak nito ang kanyang coat.
Ngumiti si Chase nang makalapit siya kay Lyan. Alam ni Lyan na pilit na ngiti lamang ito at sinusubukan lamang niyang maging okay sa harapan ng ibang tao.
Nakarating din ang balitang pumanaw na ang kapatid na babae ni Chase na si Ciarra. Ngunit nagawa ng kanilang pamilya na hindi kumalat ang tunay na dahilan kung bakit siya namatay. Nagulantang din ang buong Gilberts nang makarating ang balita rito na hindi na tuloy ang 'Project Genesis' na halos inaabangan ng lahat.
"Nasaan ang mga bata?" ito ang kaagad na tanong nito.
"Kasama ni Nanay si Jin at Jana. Namasyal muna sila. Si Kim naman ay siya ang umaasikaso ng mga trabahong naiwan mo rito. Nasa compound lang siguro sina Aling Theresa."
"I see." Chase smiled as he caressed Lyan's hair. "I missed you." Ang sabi nito habang nakatitig lang sa kanya.
"Gusto kong kumain. Puwede ka bang magluto?"
Pinaghandaan ni Lyan ng makakain si Chase sa kusina. Nakatingin lang naman si Chase sa lahat ng putaheng inihand ni Lyan para sa kanya.
Wala ring imik ito nang linantakan na niya ang pagkain. Natutuwa si Lyan dahil nagugustohan pa rin ni Chase ang kanyang luto. Pero bakas na bakas pa rin ang damdamin ni Chase anumang kilos ang kanyang gawin.
BINABASA MO ANG
The Boss and his Twins
Romance"You can stop me but you can't stop my heart." *** The struggle of being a parent is real for Chase Buenaventura who only devoted his life to his career as businessman. He couldn't handle both parenting and work so his resolve is to find a nanny. B...